Bilang 21
Mamili Ka
"Ipinasa mo lahat..... Wow." saad ni Travis habang pinagmamasdan lahat ng resulta ng mga naging exam.
Ngumiti ako sakanya at nagkibit balikat.
"Sa tingin ko talaga, para tayo sa isa't isa. Pag ka eighteen mo kaya, let's get married?" ngisi ni Travis.
Hinampas ko sya sakanyang dibdib habang sya naman ay tawa ng tawa.
"Oh my, my girlfriend is blushing. Bakit? Di mo pa nakikita ang sarili mong tinatawag kang Mrs. Dela Serna? Your name sounds good with my surname, isn't it?"
Ngumuso ako upang pigilan ang ngitingng gustong sumilay sa labi ko.
"Ewan ko sayo."
Tumawa lang si Travis at inakbayan ako at hinapit pa ng mas malapit sakanya.
"Travis.." tawag ko sakanya habang gumagawa ng malilit na bilog sakanyang dibdib.
"Hmmm?"
"Kung.... Kung dadalin kita sa bahay, ready kang makilala si papa?"
Tumingala ako upang makita ang reaksyon sya, nakatingin narin sya saakin.
"Kilala ko na ang papa mo Ylia, siguro ay kilala narin nya ako dahil madalas sya sa Tambo, pero siguradong hindi nya alam ang estado ko sa buhay mo. Alam kong hindi magiging okay sa papa mo kung anong meron tayo, pero para sayo Ylia, kung gusto mo, haharap ako sa papa mo, at ipapakita kong malinis ang intensyon ko sayo."
Hinaplos nya ang aking mukha saka ngumiti.
"Thank you." bulong ko.
"Kahit ano.... basta para sayo." he said and kissed my forehead.
Matagal tagal ko narin pinag iisipan ang tungkol sa pagharap ni Travis kay papa. Inisip ko yung mga dapat kong sabihin kung bakit yung ipinangako kong hindi ako magbo-boyfriend hanggang di pa ko natatapos ng college ay hindi natupad.
Mahigpit si papa pagdating saakin. Siguro dahil nag-iisang anak nya ako at babae pa at nag iisang natitirang alaala ni mama sakanya. Sa parteng iyon, intinding intindi ko si papa. Pero tao lang ako, nakakaramdam ng pagmamahal. Sana maintidihan ni papa iyon. Na hindi ko naman pinilit mahalin si Travis, kusa ko syang minahal. Yun ang naramdaman ko. Walang pagpili naganap at higit sa lahat hindi dahil sya si Travis Dela Serna.
Matapos naming magkita ni Travis, determinado akong bumalik saaming classroom. Naabutan ko na nandoon na si Elsa at mariing nakatitig sakanyang cellphone.
"Elsa.."
Napapitlag sya.
"Oh, Y-Ylia. Nakabalik ka na pala."
Tumango ako at agad na umupo sa tabi nya.
"Nagkita kayo ni Travis?"
"Uhm."
"Kamusta?"
Huminga ako ng malalim at idinukdok ang mukha ko sa armchair.
"Nakapag desisyon na ko. Sasabihin ko na yung relasyon namin ni Travis kay papa."
"Ano?! Sigurado ka na ba?"
Iniangat ko yung ulo ko at tiningnan si Elsa na hindi makapaniwalang nakatingin saakin.
"Sigurado na. Ayoko kasing dumating sa puntong sa iba pa malalaman ni papa, mas maganda kung sa bibig ko mismo manggagaling ang lahat."
"But you know it doesn't make any difference Ylia. Kahit ikaw o iba man ang magsabi, siguradong hindi papayag ang papa mo sa kung ano mang meron kayo ni Travis."
BINABASA MO ANG
Blue Faded Jeans (IS #1)
General FictionNakakatawang isipin na madalas tayong ma-inlove sa isang taong imposible. Yung tipong akala mo abot kamay mo na pero hindi pa pala? Yung feeling mo sobrang lapit mo na pero ang layo pala? Yung feeling mo na ikaw na talaga pero may iba pa pala? Yung...