Bilang 30

39 1 0
                                    

Bilang 30

You'll Be Okay

Nanginginig ang aking mga kamay habang tumitipa ako ng mensahe para kay Travis. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na wala ako sa Indang. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanang na kailangan ko sya. Pero kilala ko si Travis, alam kong sa oras na sabihin kong kailangan ko sya, he will rush to me just like how he always rush to me everytime we see each other.

Matapos kong i-type ang mensahe kay Travis na kalakip ang address ng bahay, hindi na ako mapakaling nagpalakad lakad sa buong kwarto habang nag iintay sakanyang sagot.

Panay ang tingin ko saaking cellphone kung may sagot na ba si Travis. Hindi ko maiwasang kabahan. Alam kong mabilis siyang mag-reply pero bakit kung kailan kailangan ko sya tsaka matagal?

"Ylia."

Lumingon ako at nakita ko si Kuya Marcos na kakapasok lang sa loob ng aking kwarto na may dalang tray na puno ng pagkain. Sinilip ko ang orasan na nakasabit sa dingding at nakita kong past 12 na pala. Wala na akong almusal kanina pero di parin ako nakadadama ng gutom.

"Kumain ka muna." aniya.

Hindi na ako nagsalita at dumiretso sa medyo malaking bintana at doon sumandal habang nakatitig saaking cellphone.

Tumingala ako ng biglang hawakan ni kuya Marcos ang aking cellphone.

"Itigil mo na to Ylia at kumain ka na."

Umiling ako. "I'm not hungry."

"Buong araw kang tulog Ylia, hindi ka rin kumain ng almusal kanina. Papatayin mo ba ang sarili mo sa pamamagitan ng hindi pagkain?"

Hindi ako muling sumagot. Chineck ko muli ang aking cellphone pero nanatili itong walang sensyales ni Travis.

Sinubukan kong syang tawagan pero panay ring lamang ang kanyang cellphone. Hindi ko na alam kung nakailang missed calls na ako sakanya.

"Ylia, please, stop this." mahinahong wika ni kuya Marcos. Hinawakan nya ang magkabilang balikat ko at pinilit akong iniharap sakanya.

"Look at yourself, you are slowly self destructing because of that Dela Serna. Parang hindi na ikaw yung Ylia halos kasama kong lumaki. Parang hindi na ikaw yung Ylia na anak ni Tito Alejandro."

"I'm still the Ylia you grew old with. I'm still Ylia the daughter of Alenjandro Mendoza. At tanging nagbago lang saakin ay nagmature ako kasi natuto akong magmahal."

Napasinghap si kuya Marcos. "That's it, Ylia! Dahil sa lintek na pagmamahal mo sa Dela Sernang iyon natuto ka ng maglihim saakin at higit sa lahat sinusuway mo na ang papa mo! Ylia, baka hindi pag-ibig yang nararamdaman mo kay Travis, baka isa lang yan sa phase na pinag dadaanan mo sa pagdadalaga o kung pag-ibig man iyan it is just a pure puppy love. Your love is too young to be true. You're just 16."

"Wala kang alam kuya Marcos." mariin kong sinabi. "Wala kang alam kung anong mayroon saaming dalawa ni Travis. Yes, I'm just 16 pero hindi ibig sabihin non, na kung ano mang nararamdaman ko ay hindi tunay na pag-ibig. Love knows no age kuya, you should know that. Mahal ako ni Travis, at alam kong totoo iyon, alam ko kasi ako yung nakaramdam hindi ikaw o si papa. Kaya hindi nyo ako naiintindihan dahil naniniwala kayo sa sinasabi ng iba tungkol sakanya. Sana inalam nyo muna kung paano nya ako pinasaya bago nyo sya hinusgahan."

Hindi na pa muling nagsalita si kuya Marcos, iniwan lamang nya ang pagkain sa ibabaw ng mesa na nasa loob mismo at lumabas na ng kwarto.

Nag-send ulit ako ng iilang mensahe para kay Travis at sinubukan ko syang muling tawagan, naka ilang pa ring ako hanggang sa maging busy na ang linya at mag out of coverage na.

Blue Faded Jeans (IS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon