Bilang 24
This Time
"Ylia, nasa labas si Travis." sabi saakin ng isa kong kaklase. "Hinahanap ka."
Tumingala ako sa kaklase kong na nakatayo sa harap ng aking upuan. Tumango na lamang ako sakanya at ipinagpatuloy yung pag-eedit saaking speech para sa graduation.
"Kanina pa ata doon si Travis. Hindi mo ba sya lalabasin?" tanong saakin ni Elsa.
Umiling ako. "Hindi."
"Bakit?"
"Dahil hindi naman na kailangan Elsa."
Kumunot ang noo nya at napatitig lalo saakin. "Bakit?" ulit nya.
"Dahil hiwalay na kami ni Travis, Elsa." sabi ko.
Hindi ko alam kung namamalikmata lamang ako, pero nakita kong may gumuhit na saya sa mga mata ni Elsa.
"Kailan pa?" tanong nya na para bang nagpipigil ng ngiti.
Kumunot ang aking noo. "Why are you happy?"
"HUH?"
"You're smiling." I said.
"No.. Hindi. Sorry.. May.. naalala lang akong bigla." aniya.
Tumango ako at muling tiningnan ang mga binago ko saaking speech.
"1 week ago."
"Pero kung talagang nag-break na kayo, bakit pabalik balik parin dito si Travis?" tanong nya.
"I don't know." I shrugged.
Nagpatuloy ang pag-prapractice namin. Palagi kong nakikita doon si Travis na pinapanood kami.. o ako. Hindi nya ako nilalapitan siguro dahil alam nyang lagi nakabantay saakin si John at Albert pero palagi syang nandyan.
Maging kinabukasan ay nandoon parin sya at nanonood. Nung isang beses nakita ko naman syang kausap yung adviser namin at bahagya nya akong nililingon-lingon at ngumingiti saakin. Panay lamang akong umiiwas ng tingin sakanya dahil ayokong makita nyang masaya akong nakikita syang malapit saakin.
Biglang nag vibrate saakin ang aking cellphone na nasa loob ng bulsa ng aking palda. Kinuha ko ito at agad na chineck baka kasi si papa ito.
Napakagat ako saaking labi ng makita ko kung kanino galing ang mensahe.
From: Travis
Eat your lunch. I love you, and I'm still waiting.
Lumingon ako sa paligid at natagpuan ko si Travis na nakatayo ng hindi kalayuan saakin. Agad syang ngumiti ng mahuli nya ang mata ko.
Agad akong umiwas ng tingin. Mabilis akong naglakad pabalik sa classroom. Hindi ko na napigilan pa yung ngiting kanina pa gustong kumawala saaking labi.
Walang araw na lumagpas na hindi ko nakikita si Travis na nag-aabang at palaging nanonood ng practice namin. Medyo nag-aalala na ako dahil pakiramdam ko hindi na sya pumapasok sakanyang mga klase.
Nanginginig kong kinuha ang aking cellphone ng bigyan kami ni 10 minutes break sa practice. Yung pagtawag sa pangalan at kasama yung nakamit naming awards ang prinapractice nanamin ngayon (nasabi na kasi finally yung mga awards na nakuha namin kaya kasama na iyon sa practice). Yung speech ko at nung salutorian ay gusto ng adviser namin sa mismong graduation nanamin iparinig sa mga kaklase namin at sa iba pa para surprise daw.
Agad akong tumipa ng mensahe ng mabuksan ko na ang aking cellphone.
To: Travis
Wala ka bang klase?
Mariin ang pagkagat ko saaking labi habang inaantay ko ang reply nya.
Umalpas ang kaba sa dibdib ko ng imbes na isang mensahe ang matanggap ko mula kay Travis ay tawag ang naging balik.
Nagda-dalawang isip ako kung sasagutin ko ang tawag. Nilingon ko si John at Albert na bahagyang malayo mula saakin.
Sinagot ko ang tawag.
"Hello?"
"Ylia..."
Napalunok ako. I missed his voice. I miss everything about him.
"W-wala ka bang klase?" tanong ko.
"Huh?"
"Travis tara na!" Narinig ko mula sa kabilang linya.
Kasunod noon ay nakarinig ako ng ilang galabog at iilang pag sigaw mula sa kabilang linya.
"Travis! What the fuck, man?!" Boses iyon ni Vester. "Anong ginawa mo? Bakit mo sinapak?!"
Nanlaki ang mata ko ng marinig ko iyon.
"Travis.. Anong..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita si Travis.
"Iniistorbo nya ako! Kinakausap ko si Ylia.... Ang tagal kong hinitay to Vester."
Napalunok ako at mariing napapikit ng marinig ko ang paghina ng boses nya na para bang nauubusan na ng lakas.
"I'm sorry." yun na ang huling narinig ko kay Vester.
"Hello?"
Hindi ako sumagot. Hinayaan ko lang pumatak ang mga luha ko.
"Ylia...." tawag nya.
"W-wag kang manakit. Masama iyon." hikbi ko at mabilis na pinatay ang tawag.
Agad akong dumiretso sa cr para maghilamos ng mukha at ibsan ang bakas ng mga mata kong kagagaling nanaman sa iyak. Walang tao ng makapasok ako, malamang lahat sila ay nasa classroom na at nagpapahinga.
Palabas na sana ako ng cr ng biglang sumulpot saaking harapan si Travis. Umalpas sa dibdib ko ang kaba. Ngayon ko nalang ulit sya nakita ng ganito kalapit, amoy na amoy ko yung mabango nyang amoy.
"A-Anong ginawa mo dito?"
Sinilip ko sila John at Albert mula sa kinatatayuan nila pero wala na sila doon.
"Ylia.." hinawakan nya ang aking braso at iginiya ako ng mas malapit sakanya.
Pinilit kong kumawala kahit ayoko naman talagang bumitiw.
"Travis, please, napag usapan nanatin ito hindi ba?" saad ko habang pilit na pinipigilan ang aking emosyon na bumabara saaking lalamunan.
Agad ko syang nilagpasan, pero bago pa man ako tuluyang makalayo mula sakanya muli nya akong hinawakan sa braso, hinatak pabalik sakanya at ipinulupot ang kanyang matitipunong braso saaking bewang mula sa likod. Isinisik nya ang kanyang mukha saaking leeg.
"Ylia... Please..." mahinang sabi nya. "Please... Parang awa mo na.. Bumalik ka na saakin."
Unti unti kong naramdamang nababasa na aking leeg. Pinilit kong kumawala sa yakap ni Travis upang harapin sya at doon ko nakitang basa na ng luha ang gwapo nyang mukha. Inabot ko ito at pinunasan ang mga luhang bumabasa dito.
"Bumalik ka saakin, please..." ulit nya.
Tuluyan naring tumulo ang aking luha habang pinagmamasdan sya. Kinagat ko ng mariin ang aking labi.
Hell, I want to kiss him. I can, because he's still mine, right? Because he'll never ask me to be with him again if he's not mine anymore.
Without saying any word, I kissed him. I kissed him because his mine and I want us back. Yes, this time, I'll break all the rules. This time I'm gonna fight for this love. And this time I will never leave him again.
BINABASA MO ANG
Blue Faded Jeans (IS #1)
General FictionNakakatawang isipin na madalas tayong ma-inlove sa isang taong imposible. Yung tipong akala mo abot kamay mo na pero hindi pa pala? Yung feeling mo sobrang lapit mo na pero ang layo pala? Yung feeling mo na ikaw na talaga pero may iba pa pala? Yung...