Bilang 33

35 1 0
                                    

Bilang 33

Umaasa


Agad akong uminat ng matapos ko ang presentation na gagamitin para sa gaganaping board meeting sa susunod na araw. Sinilip ko ang soot kong relo at nakita kong malapit na palang mag lunch break.

"Are you done Ylia?"

Napatingala ako at nakita kong nakatayo na sa harap ng aking cubicle si Sam Santiago, ang boss ko. Sya yung ikalawang anak ng mag asawang Santiago na naging parehong malapit na kaibigan ni papa, 3 silang magkakapatid at lahat ay puro lalaki at sakanilang 3 tanging si Sam lamang ang nagpakita ng interes sakanilang Automotive bussiness. 6 na taon ang tanda saakin nito at happily married na.

"Yes, sir. Eto na po."

Iniabot ko na ang USB kung saan nakalagay ang inihanda kong presentation.

Ngumiti si Sir Sam at sinabihan akong kumain na ng tanghalian.

Halos mag dadalawang taon na simula ng magtrabaho ako sakanila pero pakiramdam ko tila naiilang parin si Sir Sam maging ang mga magulang nya na utus-utusan ko. Sabi kasi nila saakin malaki ang naitulong ng papa sakanilang negosyo kaya hindi daw malaking issue pa kung agad nila akong iaangat sa mataas na pwesto sa kompanya. Pero pinilit ko sila na gusto ko mag simula sa kung saan nagsisimula ang lahat. Gusto ko na kung ma-pro-promote man ako yun ay dahil pinag hirapan ko ito at hindi dahil sa utang na loob.

Kinuha ko ang aking cellphone upang i-check. Nakita kong may 3 mensahe mula kay Victor na inaaya akong mag-lunch.

Di pa man din ako nakakatipa ng reply ay tumatawag na sya.

"Hello?"

"Ylia? Are you done? Lunch? May bago akong na-discover na restaurant, subukan natin doon!"

Tumayo ako at sinilip ko si CLark na nakatayo narin, sinenyasan ko syang intayin ako.

Napakagat ako saaking labi. "Ah, sorry Vic, kasi mukhang hindi ako makakalabas, baka dyan nalang ako sa baba kumain may tatapusin pa kasi ako."

Nakahalukipkip na lumapit saakin si Clark habang nakangisi.

"Ganoon ba? Pwede bang sumabay nalang ako sainyo?"

"Are you sure?"

"Uhm, nakakalungkot naman kasi kung ako lang kakain mag-isa doon sa restaurant. Antayin nalang kita dito sa baba. Are you with Clark?"

Kinuha ko agad ang aking wallet na nasa loob ng drawer ko at inaya na si Clark pababa.

"Yes, kasama ko si Clark."

"Okay. Nandito na ako. Intayin ko nalang kayo." he ended the call.

Pagdating namin sa canteen ng opisina, agad naming natanawan si Victor na nakaupo at may kausap na 3 babaeng empleyado rin dito.

"Iba talaga ang karisma ni papa Victor!" siko saakin ni Clark.

Inirapan ko lang sya at muling tiningnan si Victor na ngayon ay nakatingin narin saamin.

Kumaway sya saakin at gayun din ako sakanya. Agad na umalis yung 3 babae na kausap nya kanina ng makarating kami sa table kung saan sya nakaupo.

Bumili na kami ng makakain na si Victor din ang lahat ng nagbayad kaya mas lalo tuloy akong nahiya sakanya.

"Victor, di na sana, may pera naman kami ni Clark."

"It's okay Ylia. Treat ko na sainyo yan."

Habang kumakain panay lamang ang kwentuhan naming tatlo tungkol sa trabaho hanggang gumana nanaman ang pagiging chismosa nitong si Clark.

Blue Faded Jeans (IS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon