Bilang 32
I'm really sorry
Hindi agad ako nakatulog ng makauwi ako sa bahay. Kahit pagod ako at gusto ko ng magpahinga ay di talaga ako dinadapuan ng antok.
Bumangon ako, kinuha ko ang laptop ko at dinala sa kusina. Humanap agad ako ng makakain sa ref.
Sumilip ako sa orasan na nakasabit sa dingding, 10:29 PM, ngumisi ako at agad na nag log in sa skype. Maaga pa sa New York, sigurado akong gising pa si kuya Marcos.
Matagal tagal akong nag-antay habang kumakain ng ice cream na nahanap ko sa loob ng ref. Napangiti ako ng makita kong online na si Kuya at agad itong tumawag saakin, lumitaw ang mukha nya sa screen. Mas lalo syang guma-gwapo.
"Hi, Kuya!"
"Ylia." Bati nya saakin habang inaayos at isinusoot ang kanyang coat. "Why are you still awake? Late na dyan, diba?" Tingin nya sa gintong relo na soot nya.
Tumango ako at sumubo ng chocolate ice cream na nakita ko.
"Di ako makatulog. I don't know why plus the house is too big for me."
Hindi sumagot si Kuya Marcos, nakita ko na lamang na iniangat ni Kuya ang laptop at dinala sa balkonahe ng apartment na tinutuluyan nya sa New York.
Gusto nya daw kasing palaging nakikita ang lahat kaya humanap talaga sya ng apartment na may balkonahe na makikita ang buong New York City.
Itinapat ni kuya ang laptop sa tanawin ng NYC. It is indeed beautiful, matatayog ang mga gusali nakatayo doon na tila ba sumisigaw ng karangyaan. Everytime na tatawagan ko sya panay ganto ang ginagawa nya. He really wants me to go there and live with him.
"You see baby, New York is beautiful. It is not that bad to live here."
"I told you, kuya. I'm okay here."
Iniharap nya muli ang laptop sakanya. He is now eating.
"You will be more okay if you will go and live here with me. Mas maaalagaan kitang maigi. At isa pa baka may makuha kang mas magandang oportunidad dito, katulad ko."
Umiling muli ako. "Naalagaan mo naman akong maigi kahit andyan ka sa New York at naririto ako. Tsaka okay naman ang trabaho ko dito. Nothing to worry about."
Suminghap sya at umiling. "Matigas talaga ang ulo mo."
Nagkibit balikat na lamang ako. Wala talaga sa plano ko ang manirahan o magtrabaho man lang sa ibang bansa. I'm fine here living in the Philippines. Isa pa kung mangingibang bansa man ako para magbakasyon lamang. Living in another country where you were'nt born demands another adjustment.
Tanda ko pa noon na lumipat kami dito mula Indang, kahit madalas naman ako sa Manila para bang nanibago parin ako. Malaki kasi ang pagkakaiba nito sa Indang.
Narinig kong tumunog ang cellphone ni kuya, agad nya itong kinuha. Ngumuso sya na tila ba nagpipigil ng ngiti habang nakatitig sa cellphone.
"Who's that?"
"Huh?" Hindi mawala ang ngiti sakanyang labi. "I'm sorry baby, I think I need to go. Because there is someone I need to see. I'll call you back later, okay? Loveyou."
Maya maya pa ay offline na si kuya Marcos, mukhang maganda ang itinatakbo ng lovelife ni kuya sa NYC. Sana sila na talaga because that someone he is talking about is the main reason why kuya decided to live there.
Sinarado ko na ang aking laptop, dinala ko na ito at umakyat na pabalik muli saaking kwarto.
Napahinto ako sa paglalakad ng tumapat ako sa dating kwarto na inokupa ni papa. I went inside. Inilapag ko ang laptop sa mesang nasa loob, humiga ako sa kama. I closed my eyes, imagining dad is just lying beside me. It's been two years but I'm still missing him, I guess I'll be missing him forever.
BINABASA MO ANG
Blue Faded Jeans (IS #1)
General FictionNakakatawang isipin na madalas tayong ma-inlove sa isang taong imposible. Yung tipong akala mo abot kamay mo na pero hindi pa pala? Yung feeling mo sobrang lapit mo na pero ang layo pala? Yung feeling mo na ikaw na talaga pero may iba pa pala? Yung...