Bilang 9
Sana Hindi Nakilala
Napatitig ako sa kawalan habang iniisip ang lahat ng nangyari. You can't fall with him Ylia. Because if you fall you will surely break. Paulit ulit ko itong sinasabi sa sarili ko, pero alam kong huli na. Nahulog na ako at wala na akong magagawa kundi buuin na lamang ang sarili kong unti unti nang nawawasak dahil sa nararamdaman kong ito.
Naalala ko yung binasa kong libro, when you fell for someone, it's either you will be happy or you will break into pieces. Either of the two. Walang kawala. Walang gitna. Sa kaso ko kay Travis, wala naman itong tanong tanong eh, siguradong mababasag ako sa dulo. Ako yung talo. Ako yung lugi.
Kinaumagahan, nagising nanaman akong hindi ko naabutan si Papa. Hindi ko alam kung maaga ba syang umalis o hindi sya umuwi ng gabi.
"Hindi umuwi si Alejandro, ang papa mo, kagabi Ylia. Tumawag lang sya para i-check kung kumain at tulog ka na. Baka bukas pa daw sya makabalik mula Maynila, may ka-business meeting daw sya doon yung mga Montaverde?"
Tumango lamang ako habang matamlay na sinusubo ang bacon at hotdog na niluto ni Manang para sa agahan. Sanay nanaman ako na ganyan si Papa kaya hindi na big deal.
"I'm expecting everyone of you to be ready for the proposal defense." bungad agad saamin ni Ma'am Cora. "I will not accept any kind of excuses this time! I've gave you so much time for that, class. Pati mga magagaling na thesis adviser ibinigay ko na sainyo kaya ayokong makakarinig na nawala yung ganito, nabura yung ganyan. Naiintindihan nyo ba?"
We all nodded. Wala na kaming masyadong problema pa ukol dito dahil tapos na kami, nai-paconsult na ng ibang ka-grupo ko yung thesis namin at nagustuhan nya ito medyo nagdagdag nga lang sya ng iba pang detalye.
"Good. You're propoasal defense will be on Wednesday. Bunutan ang pagkakasunod sunod."
Nagsimula ng magbunutan, sabay sabay naming binuksan yung mga maliliit na naka-roll na papel para malaman kung pang ilan kami sa mag-de-defense, ako na yung bumunot para sa grupo namin.
"Oh shoot!" nanlaki ang mata ko ng makita ang nakasulat sa papel.
"Bakit, Ylia? Pang ilan kayo?" tanong ni Elsa.
Ngumuso ako at pinakita ang papel. "Pang 5." Lumingon ako sa ka-grupo ko at sinensyas ang numero namin. Napanguso din sila.
"Okay lang yun! Ready nanaman kayo eh. Saamin nga medyo alanganin pa."
Para mabilis na matapos ang bawat thesis, inexcuse na kami ni Ma'am para sa lahat ng subject namin ngayong araw.
"Grabe? 1st day agad tayo! Stress!" sabi ni Bea.
"Uhm. Sorry guys, medyo malas talaga akong bumunot."
"Ano ka ba Ylia, okay lang. Ito naman nagbibiro lang." humalakhak sya.
Sinimulan nanamin i-revise yung Chapter 1 hanggang 3 ng thesis for the proposal defense. Nagtatawanan at nagkwekwentuhan pa yung mga kagrupo ko habang nag-rerevise kami para daw hindi masyadong maramdaman ang tensyon sa pagrerevise at paghahanda sa darating na defense.
Napatingin ako sakanila ng bigla silang natahimik at natulala.
"Oh bakit?" tanong ko.
Pero walang sumagot ni isa sakanila. Pagtingin ko saaking likuran, nakita roon na nakatayo si Travis na walang ekspresyon ang mukha pero matigas ang pagkakatitig saakin. Tumayo ako at dinampot ang aking laptop.
BINABASA MO ANG
Blue Faded Jeans (IS #1)
General FictionNakakatawang isipin na madalas tayong ma-inlove sa isang taong imposible. Yung tipong akala mo abot kamay mo na pero hindi pa pala? Yung feeling mo sobrang lapit mo na pero ang layo pala? Yung feeling mo na ikaw na talaga pero may iba pa pala? Yung...