Bilang 19
Ibang Babae
Panay ang iyak ko habang patuloy kong iniisip ang mga sinabi ni papa. Hanggang ngayon hindi parin akong makapaniwalang nakapag-desisyon sya ng ganoon ng hindi nya sinasabi saakin.
Napapitlag ako ng biglang tumunog ang aking cellphone sa ibabaw ng bedside table ko. Mabilis ko itong kinuha para tingnan kung sino ang tumatawag. Nataranta ako ng makita kong si Travis ito.
Mabilis kong pinunasan ang luha ko at chineck ang boses ko. Ayokong malaman ni Travis na umiyak ako. Ayokong ipaliwanag sakanya ang mga dahilan.
"Hello?" mahinang sabi ko.
"Ylia." malambing nyang sabi.
Mas lalo kong gustong umiyak ng marinig ko ang kanyang boses.
"T-Travis." nanginginig ang aking labi. Ngayon palang nasasaktan na talaga ako habang iniisip ko na posibleng hindi ako kay Travis mapunta.
Para bang isang malaking daan na kahit anong pilit kong liko patungo kay Travis pero dahil hindi ako ang nagmamaneho hindi sakanya ang punta ko.
"Are you okay?" bakas na boses ang pag-aalala nya. Nataranta ako.
"Oo naman!" I tried to sound cheerful. "I missed you."
"I missed you too. Balita ko ang ganda mo daw kanina?"
Napalunok ako. Pilit kong pinipigilan ang emosyon na gustong lumabas mula saakin. Parang tubig na umagos yung mga alaala sa utak ko sa mga sinabi ni Gunther at ni papa. Ayokong mangyari iyon. Not now. Never.
"Ylia?" bakas na sakanyang boses ang pag-aalala ng matagal akong makasagot. "Are you okay, baby?"
"Okay lang ako, Travis. I just really missed you."
"Ditto."
I spent my whole night talking to Travis through the phone. Gusto kong iparamdam sakanya, na sakanya lang ako. Na willing akong ibigay lahat ng oras na meron ako mapasaya lang sya at makasama sya. Because I don't want any other man except for Travis Dela Serna. He got all what I needed to be happy.
Nagising ako kinaumagahan dahil sa katok uli ni manang sa pintuan ng aking kwarto. Mabagal akong bumangon at pinagbuksan si Manang.
"Hija. Handa ng almusal sa baba. Kanina ka pa hinihintay ng papa mo."
Kinusot ko ang aking mata. "Manang, pwede bang pahatid nalang ng pagkain?"
Ayoko munang makasabay o makita si papa sa ngayon. Alam ko namang hindi ko sya maiiwasan dahil mamayang gabi, tulad ng sinabi ni Gunther, sabay sabay kaming mag-didinner at yun ang isang bagay na alam kong kahit anong dahilan ko ay hindi ko maiiwasan.
Kumunot ang noo ni Manang habang nakatingin saakin. "Pero.. ang papa mo.."
"Please, manang."
Tumango ito at bumababa na muli. Maya maya pa bumalik na ito dahil ang isang tray ng pagkain. Hindi ko na pinansin yung nagtatanong na tingin ni manang at nagpasalamat na lamang sakanya.
"Ylia" maya maya narinig kong katok ni papa mula sa labas ng kwarto ko.
Hindi ako sumagot.
"Sa susunod na linggo. Sa Tambo Kulit. Kailangan mong pumunta doon. Ipinangako ko ang hapunang iyon sa mga Montaverde kaya please lang, anak, wag mo sana akong biguin. At isa pa, kung maaari ay dalaw dalawin mo si Gunther habang nasa Mendez kami ng kanyang papa."
Unti unting tumulo uli ang mga luha ko. Alam ko na sa oras na pumunta ako sa hapunang iyon, at kung ano mang kalalabasan, kailangan kong iwan si Travis na kahit kailan hindi ko naisip gawin.
BINABASA MO ANG
Blue Faded Jeans (IS #1)
BeletrieNakakatawang isipin na madalas tayong ma-inlove sa isang taong imposible. Yung tipong akala mo abot kamay mo na pero hindi pa pala? Yung feeling mo sobrang lapit mo na pero ang layo pala? Yung feeling mo na ikaw na talaga pero may iba pa pala? Yung...