Bilang 3
UMIIWAS
Noon, ilang beses kong ipinagpapasalamat sa Panginoon na magkasama ang highschool at college dito sa Indang. Dahil alam kong kahit hindi na kami sa parehas ng pinapasukan ngayon (dahil college na nga sya at 4th year highschool palang ako), nakikita parin kami. Regardless sa laki nitong university. Pakiramdam ko maliit lang ito sa tuwing nakikita ko sya sa paligid.
Pero ngayon, parang gusto ko na paghiwalayin na! Naiinis nako. Yung feeling na nagiging saksi ako sa kalandian nya sa iba. Nakikita ko kung paano nya pakitunguhan yung mga babaeng nagbibigay motibo sakanya. Nakakasuka. Kasi alam kong ni katiting wala akong binatbat sa mga babaeng nakapalibot sakanya. Lahat sila sopistikada, maganda, sexy at malakas ang dating. Mga kayang sabayan yung mga bagay na gusto nyang gawin. Malayong malayo sa isang katulad kong immature pa kung tutuusin.
"Grabe! Narinig mo na ba? Si Sophia at Travis daw nag-kiss!"
"WHAAAAT?! Grabe! Pero kung ako nga naman si Travis okay lang. Ang ganda kaya ni Sophia!"
"Oo nga! Gwapo ni Travis! Gasssh!"
"Lambot siguro ng labi nun! Swerte ni Sophia!"
Kumunot ang noo ko habang pinapakinggan yung mga schoolmates kong nakaupo sa damuhan habang nagchi-chismisan. Hindi kwento! Chismis yan! Travis kissed Sophia? Edi wow! Feeling ko nga may nagawa pa silang iba bukod doon. So what's the big deal? Tsaka di ba dapat ang mga babae turn off na kapag ganun yung lalaki? Pero bakit parang kinikilig pa sila sa ideyang may kahalikan ang playboy na yun?
"Nakasimangot ka nanaman?" siko saakin ni Elsa ng makarating sya sa bench na kinauupuan ko kung saan ako nag-rereview ng trigo.
"Ha? Wala. Ingay kasi nila." sabay nguso ko dun sa nag-chi-chismisan.
Tumaas ang kilay ni Elsa pero di na nagsalita.
"Have you heard the news about Sophia and Travis?"
Hindi ko alam kung bakit pero parang kumirot ang puso ko sa tanong ni Elsa.
Ibinaba ko ang librong hawak ko at tinignan ko sya.
"Ang alin?"
Kahit alam ko na kung ano yung "issue" sa pagitan nila Sophia at Travis, may parte parin saakin na gustong marinig ang kwento. Yung tipo bang kahit masakit ang katotohanang may something si Sophia at Travis gusto ko parin marinig. At sa puntong ito alam kong si Elsa ang makakapagsabi saakin ng tunay na kwentp.
"Spotted na daw nagki-kiss silang dalawa sa may grandstand!" nanlaki pa ang mata nya na para bang hindi rin sya makapaniwala sa sarili nyang kwento.
"Buti hindi na-OSA?"
Umiling sya at humalukipkip. "Eto nga ang tunay na kwento! Sabi nung talagang nasa eksena at yung mga tunay na nakakita.... Di naman pala nag-kiss. Dahil nga sa grandstand sila dumaan papunta sa umall ata? Ayun! Humangin ng malakas tapos napuwing si Sophia. Being the gentleman Travis Dela Serna, hinipan nya yung matang napuwing ni Sophia. That's it! Hindi nagkiss!"
Hindi ko napaigilang hindi mapabuntong hininga ng malakas. Yung parang malaking bagay na nakadagan sa puso ko naglahong parang bula. Yung kaninang masikip na paghinga ko, biglang lumuwang.
"Dahil lang sa mga intrimitidang echusera na OA kung mag-isip at di man lang inaaalam ang totoo, ayan tuloy, kumalat ang chismis na nag-kiss kahit di naman pala!"
Pinanlakihan nya ng mata yung mga kaninang nag-chi-chismisan na grupo ng mapansin na tila nakikinig itong mga ito saamin.
"Oh ha! Hindi nag-kiss! Tigilan na ang chismis!" inirapan nya ang mga ito.
Napangiti nalang ako at umiling. Ginanahan tuloy akong mag-review para a trigo!
"Ylia. Alis muna ako ah? Punta pa ako ng library para sa thesis natin! Dapat kasi magka-group tayo! Dami pauso ni ma'am!"
Umalis na sya at tinahak yung daan patungo sa library. Nung nakaraan pa talaga sya nangagalaiti sya teacher namin sa English. Hindi kasi hinayaan ni Ma'am Cora na kami yung pipili nga kasama ng group namin sa thesis kaya sya nag-assign. Dapat daw kasi wag kaming masanay sa ganun sistema dahil darating at darating daw sa punto na magkakaiba daw ang makakasama namin lalo na kapag nagtrabaho kami.
Tumayo narin ako at niligpit yung mga gamit ko. Imi-meet ko narin yung mga kagrupo ko sa thesis. Bigla akong ginanahan gumawa.
"Ylia, bili lang kami pagkain sa extension ah." sabi ni Bea habang tumatayo at nililigpit yung laptop na dala nya.
"Huh? Bakit di nalang dito?" Nandito kasi kami sa cafeteria ng highschool, eh yung extension cafeteria ay nasa gate 2 pa.
"Nagsasawa na kasi kami dito. Ok lang?" tumawa sya.
"Sure. Ako na bahala dito." ngumiti ako at umalis na sila.
Buti nalang at patay na oras pa kaya walang masyadong tao dito sa cafeteria namin kaya nakakapag-concentrate ako sa pagta-type ng thesis dito sa laptop ko. Ang tanging iniinda ko lang ay yung malakas na hangin. Mabilis na nilipad yung mga draft papers na nagkalat sa table kaya nataranta ako kakahabol at kakapulot ng mga ito.
"Eto oh. Patungan mo kasi ng mabigat na bagay para di lumipad."
"Salamat." Kinuha ko yung mga papel sa nag-abot saakin nito. Pag-angat ko ng tingin, nanuyot ang lalamunan ko ng mapagtanto ko kung sino ito.
Ngumisi sya saakin. Nanginig ang labi ko at nag-init ang mga pisngi ko kaya mabilis akong tumalikod at nagsimula ng ligpitin lahat ng gamit kong nakakalat sa ibabaw ng lamesa.
"Thesis?" tanong nya habang binabasa yung draft namin.
"A-Ah O-oo." Di ko mapagilan yung panginginig ng labi ko. Shemay Ylia! Calm down. Si Travis lang yan. Lang? Hindi sya lang!
"Need help? Pwede kitang... I mean kayong tulungan ko?" tumaas ang kilay nya habang winawagayway yung draft namin.
Umiling ako at mas niyakap ng mas mahigpit ang laptop ko at mga papel.
"Ahmm. P-pwede ko bang kunin nayan? A-Aalis na kasi ako."
Kumunot ang noo nya habang pinagmamasdan ko. Mas lalo akong kinabahan sa ideyang baka nakikita nya yung panginginig ng labi ko. Matagal kaming nagtitigan. Ni isang segundo hindi nya inalis ang tingin nya saakin. Para bang kinakabisado nya yung itsura ko.
"Ah, sige. Alis na ko."
Agad akong tumalikod at naglakad papaalis. Napatalon ako ng maramdaman kong may humawak sa braso ko.
"Umiiwas ka ba, Ylia?"
Kitang kita ko kung paano lumungkot ang mga mata nya sa tanong na iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit pero hindi dapat ako magpadala. Playboy sya diba? Magaling sya sa mga ganitong bagay yung magpahulog.
"Umiiwas? Hindi. Busy lang kasi. May kailangan pa akong gawin."
Bumuntong hininga sya. "Siguraduhin mo lang na hindi ka umiiwas Ylia. Kasi gagawin ko lahat para hindi ka magtagumpay dyan sa ginagawa mong pag-iwas saakin. Mahirap ka na ngang abutin, umiiwas ka pa."
Unti unti nya ng binitawan yung braso ko atsaka ngumiti saakin. Muli akong tumalikod at iniwan syang mag-isa doon sa cafeteria. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makalayo na ako sakanya ng tuluyan.
Oo. Alam kong hindi madaling iwasan si Travis Dela Serna. Para syang bisyo na kahit anong pagpupumilit mong iwasan darating at darating sa punto na babalik at babalik ka para sa bisyong yon. Kung hindi ko man maiiwasan ng tuluyan si Travis, atleast nag-try ako. Nag-try akong umiwas kahit alam kong mahirap. Kaya kung sakaling mahumaling ako sakanya tulad ng mga babaeng di sya maiiwasan wala akong ibang sisishin kundi ang sarili ko lang.
BINABASA MO ANG
Blue Faded Jeans (IS #1)
General FictionNakakatawang isipin na madalas tayong ma-inlove sa isang taong imposible. Yung tipong akala mo abot kamay mo na pero hindi pa pala? Yung feeling mo sobrang lapit mo na pero ang layo pala? Yung feeling mo na ikaw na talaga pero may iba pa pala? Yung...