Bilang 28

42 0 0
                                    

Bilang 28

Going


Ilang araw na rin ang nakakalipas simula nung mangyari yung sa likod bahay nila Travis. Pinipilit ko syang gusto kong bumalik doon dahil interesado akong matuto talagang magpaandar ng motor. Kahit nalaglag ako ng nakaraan ay talagang nag-enjoy ako.

Pero panay ang tanggi saakin ni Travis. Ang sabi nya pa baka matagalan kami sa pagbalik doon. Siguro ayaw nya lang maulit yung nangyari. We almost did it. Nasa dibdib ko na sya at nadadala na sya ng sitwasyon.

I liked how his lips felt so right on my skin. Na para bang ginawa lang yung labi nya para halikan ang aking balat. Hindi ko rin naman sya pinipilit na na bumalik doon para matuloy kung ano mang nasimulan namin sa puno.

Bata pa ako. Paano kung mabuntis ako? I know I'm not yet ready. Hindi ko pa nga malaban ang sarili kong damit o malinisan ang sarili kong kwarto paano ko bubuhayin ang anak namin kung sakali? Plus, I don't want to dissapoint papa. Not him.

Alam kong hihintayin nya ako kahit anong mangyari. He loves me, that's enough reason to wait. Hindi naman nya siguro ako hihiwalayan because I said no to him. Alam kong hindi sya ganoon kababaw na lalaki. Hindi sya katulad ng iba.

"Sa susunod sa iba nalang tayo pumunta." sabi ni Travis ng minsang yayain ko sya ulit. Binibiro ko lang naman sya.

"Bakit? Doon nalang sa likod bahay nyo. Doon ko gusto matuto mag-motor kasi doon ka din natuto."

"No." umiling sya.

"Bakit nga?"

Hindi sya sumagot at umiwas ng tingin saakin.

"Bakit nga?" I pulled his sleeve.

"Because we almost did it there Ylia! Baka sa susunod na dalhin kita doon baka... baka hindi na ako makapag pigil. Bata ka pa, may pangarap ka pa. So please, wag mo akong pilitin na bumalik doon kasi di ko alam kung paano pa ako magpipigil."

Tumawa ako. Travis Dela Serna is just so cute!

"3 araw nalang garduation na, excited na ako. Sigurado na ako sa UP." ani ni Elsa.

"Oh? Di na dito?"

Umiling sya. "Sayang ang oportunidad. UP na yun eh. Mas madaling makakahanap ng trabaho pag yon ang bibit kong pangalan ng unibersidad."

Tumango ako. Hanggang ngayon ay wala parin akong napipiling eskwelahan na papasukan. Di pa kami nakakapag usap ni papa pero sigurado akong igigiit nyang na sa Maynila ako mag-aral.

"Miss."

Tiningala ko si Albert ng lapitan nya ako matapos ang huling practice ngayong umaga. Ito narin yung huling practice bago mag graduation dahil bukas ay imi-meeting nalang daw kami at konting paalala nalang para naman daw kahit papaano ay makapahinga.

"Ano yun?"

"Tumawag po si Mayor, pinapuwe ho kayo ngayon."

"Pero may practice pa ng hapon... Alam ni papa yon."

"Tinawagan na po ng inyong papa ang adviser nyo, pumayag na po."

Tumango na lamang ako at naglakad pabalik sa room para kuhanin ang gamit ko at makapag paalam kay Elsa.

"Miss, saan po kayo pupunta?" tanong ni Albert.

"Sa room, kukunin ko yung gamit ko atsaka magpapaalam ako kay Elsa."

"Na kay John na po ang gamit nyo, Miss. Kailangan na po magmadali yun kasi ang sabi ni Mayor."

Kumunot ang noo ko, pero sumunod din agad ako. Pagkalabas namin sa canteen agad kong nakita ang itim na fortuner na nakaparada at nandoon si John na nag-iintay.

Agad nila akong iginiya papasok at pinaharurot ang sasakyan. Mabilis kaming nakarating sa bahay.

"Si papa po?" tanong ko kay manang na sala at pabalik balik na naglalakad, malungkot ang kanyang mukha.

"Nasa taas hija." aniya nito na mahina na ang boses.

"Pa! What are you doing?"

Nanlaki ang mata ko ng matagpuan ko si papa na nasa loob ng aking kwarto kasama ang dalawang katulong na isa isang ipinapasok ang iilang mga damit at gamit ko sa mga maleta na nakalatag sa ibabaw ng aking kama.

"Pa."

"We're going to Manila, Ylia." tugon ni papa.

"Now?" mahina kong tanong.

"Yes, now."

"Pero graduation na po sa susunod na araw. Hindi ba pwedeng pagkaatapos na lamang po ang graduation?"

Nilingon ako ni papa. "And then what Ylia? Makikipagkita ka nanaman sa Dela Sernang iyon? Hindi ba't napag usapan na natin ito? Akala ko ba nagkaintindihan na tayo? Akala ko ba ay lalayuan mo na ang lalaking iyon?"

Mabigat ang bawat pagbitaw ni papa ng kanyang salita. Nanginig ang aking tuhod.

Akala ko... Akala ko...

"Pero pa, akala ko pumapayag ka na."

"Wala akong sinabing ganoon! Malinaw ang huling pag-uusap natin na lalayuan mo ang lalaking iyon! Pero sinuway mo ako Ylia! Ako na tatay mo! Kaya sa ayaw at sa gusto mo pupunta tayo ng Maynila at iiwan mo ang lalaking iyon!"

Mabilis na tumulo ang mga luha saaking mga mata, nilapitan ko agad ang dalawang katulong at pinigil sila sa pag sisilid ng aking gamit sa maleta.

"No ate, itigil nyo yan. Hindi ako aalis. No."

"Ituloy nyo lang yan!" utos ni papa.

"Papa please. Please. Ayoko pong umalis." umiling ako. "Kakausapin kayo ni Travis papa, malinis ang intensyon nya saakin. Mahal nya ako."

"Hindi ka mapapakain ng pagmamahal na sinaasabi mo Ylia. Hinding hindi."

"Papa, please. Mabait si Travis, masipag sya, you will like him."

"Kahit kailan ay hindi ko magugustuhan ang lalaking gustong pagsamantalahan ang anak ko!" sigaw nya saakin.

"What do you mean?" nanginginig ang aking boses.

"Alam kong may muntik ng mangyari sainyo. Kung talagang mahal ka nya Ylia, hindi ka nya gagalawin! Hindi ka nya pagsasamantalahan! Hindi ka mahal ng lalaking iyon!"

Paulit ulit akong umiling. Hindi, hindi ako pinagsamantalahan ni Travis. Ni respeto nya ako. Hindi.

"Pa." hinawakan ko ang kamay ni Papa. "Hindi po, hindi nya ako pinagsamantalahan, pa hindi. P-pumayag ako. Nirespeto nya ako."

Halos umikot ang aking ulo sa lakas ng sampal ni papa.

"Hindi kita pinalaking ganyan Ylia!" sigaw. "Paano mo nagawa saakin to?" puno ng hinanakit na tanong ni papa.

"I'm sorry."

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas, pero tumakbo ako paalis ng kwarto. Wala ng ibang tumatakbo sa isipan ko kung hindi ang lumayo kay papa.

"Ylia!"

Hindi ko nilingon si papa, mabilis akong tumakbo pababa ng hagdanan. Bakit hindi ako maintindihan ni papa? Nagmahal din naman sya diba?

"Ylia!.... John! Albert!" muling sigaw ni papa.

Mabilis akong napigilan nila John at Albert, pinilit kong pumiglas mula sa kanilang pagkakahawak ngunti mahigpit ito na pakiramdam ko ay mapuputol na ang aking braso.

"What do you think are you doing Ylia?"

"Pa, please, please give us a chance to prove ourselves." pag susumamo ko.

"Hindi. Pupunta tayo ng maynila at ilalayo na kita sa lalaking iyon!"

Muli akong pumiglas. Kailangan kong makaalis dito.

"John." narinig kong tawag ni papa.

Maya maya pa, may naramdaman akong parang tumusok saaking braso. Biglang nalang nanlabo ang paningin ko at bigla na lamang nagdilim ang paligid.



Blue Faded Jeans (IS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon