Bilang 10
Tatlong Taon
Mag-iisang linggo na halos simula ng nangyari. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na sa loob ng mga araw na lumipas, hindi ko talaga nakikita si Travis sa kahit saang sulok ng university. Nakakatawang isipin na sakabila ng nangyari, gusto parin syang makita kahit masakit pero feeling ko mas okay yung ganito atleast kahit papaano natatahimik ang utak ko.
"Ylia, hija. Andito si Elsa."
Hindi na ako tumayo mula sa pagkakahiga ko at inantay nalang pumasok si Elsa sa kwarto ko.
"Anong nangyayari sayo? Sabi ni Manang di kaw daw naglala-labas ng kwarto?" tanong nya ng makaupo sa kama ko
Umupo ako at tinignan sya. "Wala.Wala namang gagawin sa baba eh, kaya di na ako lumalabas."
Sumingkit ang mga mata nya. "Talaga lang ah? Anyway! Busy ka ba? Punta tayong Uro's Farm! Dun nalang tayo, atleast dun fresh air pa. Baka masobrahan ka na sa aircon dito sa loob ng kwarto mo, maadik ka na." humalakhak sya kaya pinalo ko sya gamit ang unan ko.
"Baliw."
Sabay na kaming bumaba ni Elsa para mag-paalam na sa farm muna namin kami mag-stay. Pero laking gulat ko ng makita ko si papa na nakaupo sa sala at umiinom ng kape habang nakaharap sa tv. Sa tingin ko naman hindi sya nanonood dahil di naman sya mahilig sa tv.
"Pa,"
Mabilis syang humarap saaming dalawa ni Elsa. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa tsaka bumaling kay Elsa at ngumiti.
"Magandang umaga po Mayor."
Tumango lang si papa tsaka bumaling saakin. "Aalis kayo? Saan?"
"Sa Uro's po, papa. Pwede ba?"
Sandaling nag-isip si Papa bago dahan dahang tumango.
"Sige. Pahatid kayong dalawa sa driver. Wag na magtrike. Tatawagan ko ang mga katiwala natin doon para masabihan na pupunta kayo dun."
"Salamat pa."
Sumakay na kami sa itim na fortuner na pinahanda ni papa.
"Manong, daan muna tayo, palengke." humarap ako ka Elsa. "parang gusto ko ng ice cream sa farm." tumawa kaming dalawa.
Nang huminto ang fortuner sa palengke ng Indang, bumaba agad kami ni Elsa at dumiretso sa isang tindahan na nagbebenta ng Dan Erick's. Ito kasi yung patok na ice cream dito sa Indang.
"Oh my gosh!"
"Bakit?" tanong ko ng hindi nililingon si Elsa dahil namimili ako ng flavor. "Gusto mo ba cookies and cream? O rocky road? O double dutch?"
"YLIA!" hatak ni Elsa saakin.
"What?"
Napatingin ako sa tinitingnan nya at halos manginig ang tuhod ko ng makita ko na kung bakit natataranta si Elsa mula sa kinatatayuan nya. Si Travis, nakatayo sa kabilang kalsada (katapat ng kintatayuan namin ngayon) at titig na titig saamin. Parang may kung anong sumipa sa puso ko at bumilis ang tibok nito.
"Eto na ho yung bayad. Keep the change." hinawakan ko ang wrist ni Elsa at kinakaladkad sya patungo sa fortuner namin, "Let's go Elsa! Let's go!"
"YLIA!" sigaw ni Travis mula sakabilang kalsada habang nagtatangkang tumawid.
"YLIA!"
Hindi ko sya nilingon, dahil alam ko na sa oras na makatawid sya mula sa kinatatayuan nya ngayon, guguho nanamang uli ang mundo ko. Ayokong bumigay dahil malapit sya saakin.
BINABASA MO ANG
Blue Faded Jeans (IS #1)
قصص عامةNakakatawang isipin na madalas tayong ma-inlove sa isang taong imposible. Yung tipong akala mo abot kamay mo na pero hindi pa pala? Yung feeling mo sobrang lapit mo na pero ang layo pala? Yung feeling mo na ikaw na talaga pero may iba pa pala? Yung...