Bilang 11
Bestfriend
Travis: Nakauwe na kayo? I miss you already.
Napakagat labi ako ng mabasa ang text saakin ni Travis. Di ko maiwasang makadama ng kilig. Di ako mapakali sa kinauupuan ko dito sa SUV habang paulit ulit na binabasa ang text niya.
I can't believe it. Travis and I are officially together. Ohmygad! Pero napagkasuduan naming dalawa na wag munang sabihin sa lahat. Ayoko kasing makarating kay papa ang tungkol saamin dahil sa chismis. Ayokong magkaroon sya ng maling pagtingin sa kung anong meron saamin ni Travis.
"Huy! Bakit namumula ka dyan? Sinong ka-text mo?" tapik ni Elsa saakin habang pilit na sumisilip sa cellphone ko.
"Wala." tanggi ko.
"We? Alam kong si Travis iyan! Ano? Ano bang napag-usapan nyo? Anong nangyari? Kayo na ba?"
Tinakpan ko ang bibig ni Elsa at tumingin sa driver namin na abala naman sa pagda-drive. Nag-aalala akong baka nakikinig ito at sabihin kay papa. Lahat kasi ng driver namin ay ganoon. Parang kailangan at obligado silang i-update si papa ukol saakin.
"Ssshhh! Wag kang maingay Elsa!" bulong ko.
Sinilip din ni Elsa ang aming driver at bumulong din.
"Sorry!" ngisi nito.
"Sa bahay nalang."
Tumango sya at di rin matanggal ang ngiti sa labi pero parang may mali sa mata nya.
Nakarating na kami sa bahay. Wala na doon si papa ang sabi ni Manang ay nasa munisipyo na ito. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtype ng reply kay Travis.
Ako:
Yup! Dito na ako sa bahay. Miss na agad? Magkasama lang tayo kanina!
Mabilis na tumunog ang cellphone ko. Nakita kong may text na agad doon. Kumunot ang noo ko.
Travis:
Tagal mag-reply! Sinabi ng miss na kita. Pero tagal pa din mag-reply. May iba kang ka-text no?
Natawa ako. Naimagine kong ngumunguso sya habang nagtetext.
Ako:
Wala ah. Ngayon nga lang ako nagtext ng ganito.
Travis:
Really? So ako lang laman ng inbox mo? Dahil yung akin, ikaw lang.
Ako:
Talaga lang ha. EH ngayon nga lang tayo nagtext. Di lang naman ikaw. May mga text din dito si Elsa, si Ate Elizen tsaka si Marcos.
Travis:
Sinong Marcos?
Tuluyan na akong napahalakhak habang binabasa ang huling text nya. Napatingin na saakin si Elsa. Ngumiti lang ako sakanya at nagkibit balikat. Sinenyasan ko syang pumunta na sa kwarto.
Ako:
Uhm. Wala lang!
Travis:
Kung wala lang pala eh bakit laman ng inbox mo?!
Humagikgik ako lalo ng mabasa ko ang bago nyang text. Hindi ako makaisip ng ire-reply. Gusto ko syang pagtripan. Gusto ko yung pakiramdam na ganito, yung possesive sya saakin at para bang dapat talaga ay sakanya lamang ako. Iba yung pakiramdam. Nakakakiliti ng puso.
"Manang. Padala po kami ng meryenda sa taas ni Elsa."
Pinatagal ko ang pagre-reply sakanya. Kaso medyo kinakabahan ako dahil baka sa sobrang pagpapatagal ko eh baka bigla nalang sya sumulpot dito sa bahay. Kinabahan akong bigla. Mabilis akong nagtype ng message pero biglang may tumawag. Si Travis!
BINABASA MO ANG
Blue Faded Jeans (IS #1)
Fiksi UmumNakakatawang isipin na madalas tayong ma-inlove sa isang taong imposible. Yung tipong akala mo abot kamay mo na pero hindi pa pala? Yung feeling mo sobrang lapit mo na pero ang layo pala? Yung feeling mo na ikaw na talaga pero may iba pa pala? Yung...