Bilang 35
Yes
Matapos ang naging pag-uusap naming ni Sir Sam sa supplier na gusto nyang makuha para sakanilang kompanya ay hindi na ako nakatulog.
Sa dinami dami kasi ng lugar bakit sa Indang pa? Mahal ko ang Indang, isa yun sa mga bagay na hindi mababago saakin. Pero matapos ang anim na taon, ni hindi sumagi sa isip ko ang bumalik doon.
And really? Mr. Dela Serna? Dela Serna talaga?
Pero ang huling balita ko noon kay kuya Marcos ng minsang bumalik sya sa Indang ng mamatay ang papa, ay umalis na raw ang pamilya ni Travis doon. Marami naman sigurong Dela Serna diba? Hindi lang sya?
Dinampot ko ang cellphone ko na panay ang tunog, sinilip ko kung sino ang tumatawag at nakita kong si Atty. Johnny Balay iyon, isang malapit na kaibigan ni papa at abogado ng aming pamilya.
"Hello, Tito? Napatawag po kayo?"
Umupo ako upang kalmahin ang aking sarili. Masyado ko na atang hinahayaang ang sarili kong makain ng pag-aalala ko tungkol sa pag-balik ko sa Indang at pakikiharap ko sa isang Dela Serna na hinihiling ko na ibang tao.
"Ylia, hija, I'm sorry, are you busy?"
"Hindi naman po tito, bakit po?"
"I need to talk to you. Importante, tungkol ito doon sa bahay nyo sa Indang."
Agad na akong nakipagkita kay Tito Johnny. Halos wala ng natira sa naipundar ni papa ng magkasakit sya, okay lang saakin iyon dahil si papa naman ang natulungan ng mga kinikita ng lupang pinag bentahan, pero sa lahat ng ari-arian naming naipagbili na sa iba, isa lang yung gusto kong makuha uli, walang iba kundi ang bahay kung saan ako ipinagbuntis ni mama at kung saan ako lumaki kasama si papa.
Wala na akong pakielam doon sa iba basta yung bahay lang namin.
"Tito, hi." Hinalikan ko ang magkabilang pisngi nito tsaka umupo sa harap nito. "May problema po ba?"
Agad kaming umorder ng inumin at pagkain.
"Alam kong hindi lingid sa kaalaman nyo ni Marcos na nabenta sa magandang presyo ang bawat ari-arian ng iyong papa."
Tumango ako. That's true, kaya nga kahit papaano mula dito ay may naiwan paring pera para saamin.
"Pero alam kong lingid sa kaalaman mo na ang bahay nyo sa Indang, yung tinirahan nyo ng iyong papa ang may pinakamataas na halaga. It was bought thrice to the given price, hija."
Nalaglag ang aking panga. Ang alam ko malaki na ang presyong inilagay namin sa bahay, labag man sa kalooban namin ni kuya Marcos gawin iyon but we have left with no choice. Hindi ako makapaniwalang triple sa ibinigay na presyo ang na-ipagbili ang aming bahay.
"At yung perang nakuha mula doon, ay yung perang iniwan saiyo ng iyong papa. He asked me to tell you this 2 years after his death hija kaya ngayon ko lang sinasabi saiyo ang mga bagay na ito. Even your kuya Marcos knew about this."
Tumango ako at hindi mapigilang mapangiti saaking sarili na kahit sa mga huling sandali ni papa ay aking kapakanan ang kanyang iniisip.
"Hindi ba't, pinaki usapan mo rin ako na hanapin ang buyer ng inyong bahay noon?"
Yes, I asked Tito Johnny to looked for the buyer of the house after papa died. Nasa plano ko na kasi talaga noon na bilhin pabalik ang bahay sa oras na makapag trabaho ako.
"Yes, tito. Nahanap na po ba?"
Tito Johnny smiled. "I found the buyer hija. He was in Singapore when he bought the house. Mga tao nya lang ang umasikaso ng pagbili nya sainyong bahay, so apparently yung nakausap nyong tao noon ay frontman nya lamang. And recently hija, I got the chance to talked to him."
BINABASA MO ANG
Blue Faded Jeans (IS #1)
General FictionNakakatawang isipin na madalas tayong ma-inlove sa isang taong imposible. Yung tipong akala mo abot kamay mo na pero hindi pa pala? Yung feeling mo sobrang lapit mo na pero ang layo pala? Yung feeling mo na ikaw na talaga pero may iba pa pala? Yung...