Bilang 22

41 0 0
                                    

Bilang 22

First Step


Tumakbo akong umiiyak palabas ng opisina ni papa agad akong dumiretso saaking kwarto at doon ibinuhos lahat ng nararamdaman ko. Pakiramdam ko habang tumatandaako mas nagkakaroon ng malaking hindi pagkakaintindihan sa pagitan namin.

Hindi ko maintindihan kung bakit inaayawan agad ni papa si Travis gayung hindi pa naman nya ito lubos na nakikilala. Travis is so ideal. Kahit sinong magulang gugustuhing si Travis ang maging ka-relasyon ng kanilang anak.

Kung sakaling may narinig man siyang di kagadahan ukol kay Travis sana bago sya nag conclude kinilala nya muna ito. Kasi ako mismo, ako mismo nagkaroon ng maling akala kay Travis. Hinusgahan ko agad sya ng hindi ko inaaalam ang totoo. And I know I hurted him because of that.

Hindi ako lumabas ng kwarto kahit tinawag na ako para sa hapunan. After what happened between me and papa, nawalan na ako ng ganang kumain. At sa ngayon gusto ko munang palamigin yung naging misunderstanding naming dalawa.

"Ylia.." katok ni manang.

Pinunasan ko ang mga luha ko atsaka pinagbuksan ng pinto si manang na may dalang tray ng pagkain.

"Kumain ka na. Di ka bumaba kanina kaya hinatiran nalang kita."

Binuksan ko ng mas malaki pa ang pintuan para makapasok si manang. Inilapag nya yung dala nyang tray ng pagkain sa bedside table ko.

Ngumiti saakin si manang, pero bakas sa mukha nya yung lungkot. Alam kong maging sya ay hindi rin inaasahan yung mga nangyayari saamin. Wala syang sinabi. Malungkot lang syang ngumiti at kinabig ako upang yakapin.

"Magiging ayos din ang lahat Ylia. Magtiwala ka lang."

Tumango ako at ngumiti.

Muli akong bumalik sa pagkakahiga sa kama ko. Titig na titig ako sa ceiling ng aking kwarto habang iniisip kung paano ko sasabihin kay Travis ang lahat ng nangyayari. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na gusto ni papa na layuan ko sya. At sa oras na di ko sinunod ito, mawawala lahat kay sakanya at sa pamilya nya.

I woke up late the next morning. Buti nalang talaga at wala ng ginagawa sa school. Naghahanda nalang talaga para sa graduation. Agad akong dumiretso sa banyo at naghanda para sa pagpunta ko sa school.

Nang matapos akong maghanda, agad akong bumaba, inaasahan ko ng wala si papa sa bahay dahil madalang naman syang nagtatagal dito sa tuwing nakakauwi sya. Sa sitwasyon namin ngayon, mas pabor saakin na wala sya. Dahil alam kong kapag nakita ko sya, maaalala ko lang ang lahat ng sinabi nya saakin at sigurado akong paulit ulit nya ring sasabihin yun.

Nanlaki ang mata ko ng maabutan ko si papa na nakaupo at tahimik na kumakain ng almusal sa mahaba naming lamesa. Gusto kong tumakbo pabalik sa aking kwarto o kaya tumakbo palabas at dumiretso na lamang saaming sasakyan na nasa garahe. Pero nawalan na ko ng gagawin ng tumingala si papa at nakita ako.

"Kumain ka na Ylia." aniya.

Umiling ako. Eating with him will be a torture.

"Kumain ka at maupo ka dito Ylia. Hindi ko na uulitin ang sinabi ko."

Pag sinabi na yun ni papa, dapat sumunod ka na. Pag sinabi nya sinabi. No one can ever break that rule inside this house.

I slowly slipped myself on the chair. Kumuha lamang ako ng dalawang tinapay, bacon at hotdog. Dahan dahan ko itong kinain. Tahimik lamang ako at ganoon rin si papa hanggang maubos ko ang kinakain ko.

"Aalis na po ako." paalam ko.

Tiningnan ako ni papa, hindi sya sumagot, nilingon nya lang yung isa sa mga body guard nyang nakatayo malapit saamin. Tumango ito at umalis.

Blue Faded Jeans (IS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon