Bilang 42
Ikaw Lang
Hindi naman naging mabigat ang trabaho ko kay Travis, dahil ang ginagawa ko lang naman ay mag-invetory sa ngayon, hindi ko alam kung may iba pa akong gagawin bukod dito. Naiinis ako saaking sarili sa paniniwala kay Clark na baka ginawa nga ito ni Travis upang magkasama kaming muli. Ngunit parang mali eh, kasi sa buong maghapon nga eh ay hindi ako kinausap ni Travis, nasa loob lamang sya ng opisina ata abala sa kung ano mang ginagawa nya.
Bakit nga naman kasi ako umasa in the first place?
"Ate Ylia."
Nilingon ko si Cloud na hawak na tasa ng kape habang nakasimangot.
"Hmmm?"
Lumapit si Cloud mula sa kinatatayuan ko at inilapag yung tasa ng kape na hawak nya.
"Pinapatawag ka ni kuya sa opisina nya."
"Bakit daw?" kumunot ang aking noo. Ano naman kayang problema ni Travis at nakasimagot itong kapatid nya?
"Abnormal yun! Dati naman iniinom nya yung kapeng gawa ko. Ang sabi eh, ayaw nya daw ng kape ko, yung sayo daw ang masarap kaya ikaw na daw gumawa, ate." Ngumuso si Cloud na para bang nagpipigil ng ngiti.
Umiling na lamang ako at inilapag yung hawak kong listahan ng inventory at dumiretso sa maliit na kwarto kung saan nakalagay yung mga pagkain at kung anu-ano pa.
"Bakit, ano ang inilalagay mo sa kape ate Ylia? Gayuma ba?"
Sumimangot ako, ni hindi nga ako naniniwala sa bagay na iyon tapos gagamit pa ako?
Humagikgik si Cloud. "Joke lang! Di mo nanaman kailangan nun, patay na patay na sayo eh."
"Huh? Anong..."
Di ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang sumigaw si Cloud habang malapad ang pagkakangiti.
"Mama!"
"Cloud." Anas ng malamyos na tinig.
Napatigil sa ere ang kamay ko, naramdaman kong nanginig ang aking tuhod, hindi ko alam kung bakit pero labis labis ang kaba na nadarama ko.
Nasa bakasyon kasi ang mama ni Travis ng dumating kami ni Clark dito, akala ko ay matatagalan pa ito sa pagbalik kaya kampante pa ako sa pananatili dito, pero ngayong nandito na ito ay hindi ko na alam kung paano pa ito papakihrapan matapos ang nangyari anim na taon na ang nakakalipas. Paano nya haharapin ang nanay ng lalaking iniwan gayung nagging napakabuti nito sakanya?
"May bisita pala tayo?"
Napapikit ako ng mariin. I don't know what to do anymore.
"Ay ano ka ba naman mama! Hindi mo ba sya nakikilala?"
"Sino?"
Naramdaman kong lumapit saakin ang mama ni Travis, naaamoy ko agad ang nakakalmang pabango nito na imbes na kumalma ako ay mas lalong napabilis ang tibok ng aking puso.
"Ylia?"
Dahan dahan akong lumingon at marahang ngumiti. "H-hello p-po."
"Ylia, hija! Ikaw nga!"
Nagulat ako ng bigla akong yakapin ng mama ni Travis, tiningnan ko si Cloud na malapad ang pagkakangiti habang nakahalukipkip na pinapanood kami.
"Kailan ka pa bumalik?" nakangiting tanong nito.
"Noong nakaraan linggo pa po."
"Talaga? Alam na ba ni Travis na naririto ka?"
Dahan dahan akong tumango.
BINABASA MO ANG
Blue Faded Jeans (IS #1)
General FictionNakakatawang isipin na madalas tayong ma-inlove sa isang taong imposible. Yung tipong akala mo abot kamay mo na pero hindi pa pala? Yung feeling mo sobrang lapit mo na pero ang layo pala? Yung feeling mo na ikaw na talaga pero may iba pa pala? Yung...