Bilang 13

70 2 0
                                    

Bilang 13



Saakin


Hindi matanggal ang ngiti ko sa labi ng makarating ako sa bahay ng araw na iyon. Travis is so proud having me. Hindi ako mapakali dahil sa ideyang iyon. May kakaibang saya kasi ang nararamdaman ang aking puso.

Travis

Do you like the flowers? Because I love you.

Humalakhak ako ng mabasa ko ang bago nyang text saakin. Really Travis? Mukhang sa asukal ata pinaglihin ang isang ito dahil matamis kung magsalita.

Me:

I love them as much as I love you o baka higit pa?

Dati yung cellphone ko hindi ko madalas na nagagamit pakiramdam ko nga dati wala na itong silbi pero ngayon parang alam ko na kung anong kahalagahan nito. Bumaling ako kay Manang na abala sa paghahanda ng meryenda ko.

"May vase pa po ba tayo?"

Tumango si Manang at kinuha yung vase at iniabot saakin. Umakyat ako saaking kwarto at nilgayan ito ng tubig tsaka nilagay ang tatlong puting rosas na bigay ni Travis.

Travis:

Gusto kitang ihatid at sunduin dyan mula sa bahay nyo.

Me:

Alam mong hindi pa pwede iyon Travis, dahil kay papa. Hindi ko pa nasasabi sakanya.

Travis:

Pupunta ako dyan sainyo, ako ang magsasabi dahil ako ang lalaki. Ipapakita ko sa papa mo na seryoso ako sayo.

Me:

I love you. But not now, Travis. Ako ng bahala okay?

Nakatulog akong may ngiti sa labi. Hindi pa kasi nakuntento si Travis na sa text lang kami mag-usap, nag-skype rin kami, akala mo talaga long distance relationship.

Nitong nakaraang mga araw, napapnsin ko ang pagiging abala ni papa at madalas daw na nasa Tambo Kulit sya at inaasikaso yung isa pa naming bahay doon. Hindi ko alam kung bakit pero mukhang may mangyayari sa mga susunod na araw kaya sobrang abala si papa sa pag-aasikaso.

"Manang, wala po bang nasasabi sayo si papa na mangyayari at pinapaayos nya yung bahay sa Tambo?"

Umiling si Manang. "Wala naman. Basta ang alam ko lang may darating syang kasosyo sa negosyo galing maynila. Montaverde ata iyon?" nagkibit balikat lang sya at umalis na.

Siguro malaking tao ito kaya sobrang pinaghahandaan ni papa at isa pa sobra sobra ang pagbibigay oras at panahon ni papa sa negosyo siguro ito yung ginagawa nyang paraan para hindi masyadong malungkot dahil kay mama.


"Hey, beautiful." 

Tumayo ako at sinalubong si Kuya Marcos na kararating lang agad syang umupo sa tabi ko.

"Saan ka galing?"

"Sa Tambo. Tinulungan ko sila Mama Ella at Elizen sa pag-aayos ng bahay nyo doon."

"Oh? Hindi mo pa rin sinasabi sakanila kung kaano-ano ka namin?"

"Ayokong sabihin. Baka mailang si Elizen saakin. AYokong mangyari yon."

Humalakhak ako at humalikipkip. "Ligawan mo na kasi!"

Ngumuso sya at umiling. "Tsaka na."


Blue Faded Jeans (IS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon