Bilang 46
I'm Sorry
Laglag ang panga ni Clark habang nakatitig saaking kamay. Hindi sya makapaniwala ng sinabi kong magpapakasal ako kay Travis.
"For real?"
Tumango ako.
"Ginayuma mo, no?" tawa nya.
Sumimangot ako at sinuntok sya sakanyang braso. Does that thing even exist?
"Hindi no!"
"Grabe! Sobrang yaman siguro talaga ni Travis. Mukhang mamahalin itong singsing! Ang laki ng bato!"
I'm sure it is. Tulad nga ng sinabi Travis, marami na syang pera kaya siguradong mahal ang singsing na ito.
Maaga akong dumating kila Travis, naabutan ko si Allan at Christopher na may kinakausap na apat na lalaking hindi pamilyar saakin.
"Goodmorning ate." Sabay nilang bati saakin.
I smiled at them and to the other four who are now looking at me.
"Goodmorning! Si Travis?"
Ngumiti yung dalawa. Matapos kasi mag propose saakin ni Travis ng mismong araw na iyon, agad nya ding sinabi sa lahat na ikakasal na kaming dalawa. Lahat halos sila natuwa na para bang ito yung pinakahihintay nilang mangyari simula ng dumating ako.
"Nasa opisina nya ate, kanina ka pa inaantay." Sagot ni Allan na mas malapad na ngayon ang pagkakangiti.
"Sino sila?" turo ko doon sa apat na hanggang ngayon ay nakakatitig parin saakin.
"Mga OJT dito, ate." Sagot ni Christopher saakin sabay iwas ng tingin.
Hanggang ngayon ay pakiramdam ko na nahihiya parin sya matapos maabutan yung eksena naming ni Travis sa loob ng opisina. Madalas ang pag-iwas nya ng tingin saamin na ikinatatawa lamang ni Travis.
"Matanda na si Christopher. Alam na nya iyon." Sabi ni Travis saakin ng sabihin ko sakanya ito.
"Tumatanggap kayo ng OJT?"
Tumango si Allan. "Opo. Simula ng itayo ito dito sa Indang."
Hinarap ko yung apat na lalaki at maluwag na ngumiti sakanila. Iniabot ko ang aking kamay.
"I'm Ylia Mendoza. Nice meeting you all."
Matapos nilang ipakilala ang sarili saakin, dumiretso na agad ako sa opisina. Naabutan ko doon si Travis na seryosong nagbabasa ng papeles sakanyang mesa.
"Travis." Tawag ko dito.
Mabilis syang nag-angat ng tingin saakin. Ngumiti sya at ibinuka ang kanyang mga braso, nagyaya na yakapin ko sya.
Agad akong lumapit sakanya at ibinigay ang kanyang gusto.
"Travis!" tili ko ng bigla nya akong hatakin paupo sakanyang kandungan bago niyakap ng mahigpit.
"Finally." Aniya "Kanina pa kita inaantay. I missed you. Bakit ba hindi ka nalang kasi muna dito manatili?" Isiniksik nya ang kanyang mukha saaking leeg.
"Hindi pwede. Ano nalang ang sasabihin ng iba? Hindi pa tayo kasal pero dito na agad ako naninirahan?"
"Walang akong pakielam sa sasabihin ng iba. I want you in this house, Ylia. Kahit noon pa."
Kinagat ko ng mariin ang aking labi. Ni hindi ko pa nga nasasabi sa opisina na baka may posibilidad na hindi na ako makabalik sa kompanya matapos ang kasal naming ni Travis. Kasabay ng mga pangakong ibabalik ni Travis saakin ang bahay at yung iilang ari-arian na nabili nya mula saamin, sinabi nya ring papayag na sya sa business proposal na inaalok sakanya ng pinapasukan kong kompanya.
BINABASA MO ANG
Blue Faded Jeans (IS #1)
General FictionNakakatawang isipin na madalas tayong ma-inlove sa isang taong imposible. Yung tipong akala mo abot kamay mo na pero hindi pa pala? Yung feeling mo sobrang lapit mo na pero ang layo pala? Yung feeling mo na ikaw na talaga pero may iba pa pala? Yung...