Bilang 14
Ipapakilala
"Are you done crying?" tanong nya saakin habang nakangisi at pinupunasan ang mga luha ko.
Hinampas ko nga at tinulungan din syang magpunas ng luha ko. Humalakhak lang sya at muli ako hinapit upang yakapin ng mahigpit.
"I'm sorry." ulit nya.
"I told you it's okay, Travis. Di ko lang talaga alam na may violent tendecies pala ang mga naging babae mo."
"Nagsisisi na tuloy ako. Kung alam ko lang na hindi nila basta basta tatanggapin yung babaeng napili kong mahalin, sana hindi ko na sila inentertain. But can't blame them! I know I'm too irresistable."
"Yabang!"
Sabay lang kami tumawa. Hinatak nya na ako paalis doon sa lugar kung saan ako hinatak ni Sophia kanina.
Panay ang titig ng mga estudyanteng nadadaanan namin sa magkahugpong naming kamay habang naglalakad. Yumuyuko na lamang ako dahil hanggang ngayon parang naiilang padin ako sa mga tingin nilang bulgar saamin. Habang ito namang kasama ko ay mukhang walang pakielam sakanyang paligid at sa mga matang nakatingin. Palibhasa sanay na sya dahil sa mga naging babae nya.
"Bakit ka nakayuko? Nahihiya kang kasama ako?"
Huminto pa sya at hinarap ako.
"Hindi no. It's just that, masyadong maraming nakatingin. Nakakailang."
Humakhak lang sya at inakbaya ako.
"Okay lang na tumingin yung mga babae pero wag yung mga lalaki dahil dudukutin ko ang mga mata nila!"
"Travis ha!" kinurot ko sya sa tagiliran kaya napangiwi sya na nauwi sa tawa.
"Kapag tinanong talaga ako, why did I chose to fell inlove with you, walang akong isasagot."
Tinaasan ko sya ng kilay. Bakit wala? Ako nga pag tinanong kung bakit sya ang pinili ko, baka hindi lamang nasa isang daan ang isagot ko. Baka milyon pa.
"Bakit?"
"Because no waords can explain how much I love you Ylia. Walang salita ang sasakto para ipaliwanang yung nadarama ko dito sa loob ng puso ko. Walang wala."
Ngumiti ako sakanya. Minsan talaga sa buhay yung hindi mo ineexpect yun ang nangyayari at minsan yung mga bagay na handa ka ng pakawalan yun talaga yung mga bagay na para sayo.
Hinatid nya ako hanggang sa cafeteria, gusto nya pa nga hanggang sa room pero hindi ko na sya pinayagan dahil alam kong gagawa lang ng commotion kapag nakita sya.
"Ylia!"
Napatingin ako kay Elsa na tumatakbo papalapit saakin at mukhang kanina pa ako hinihintay.
"Hmm?"
"Okay ka lang?"
Kumunot ang noo ko at napatawa. "Oo naman! Mukha ba akong hindi okay?"
"Sabi kasi saakin nila Bea, kinausap ka daw ni Sophia?"
Tinignan ko sila Bea na nakatingin din saakin at mukhang ako ata ang pinag-uusapan. Umiling nalang ako at inakabayan si Elsa patungo sa upuan namin.
"I'm fine Elsa. Kasi kung hindi, baka punit punit na itong uniform ko dahil diba magaling sa cat fight iyong si Sophia?" humalakhak ako.
Napahawak ako sa pisngi ko ng maalala ko yung lakas ng sampal ni Sophia kanina. Hindi na ito masyadong masakit tulad kanina at mukhang hindi narin namumula dahil hindi naman pinansin ni Elsa.
"Feeling ko talaga may violent tendecies yang mga babae ni Travis! Kaya mag-ingat ka! Kaya mag-ingat ka dahil hindi ka sanay doon!" humalukipkip sya. "Dapat siguro maglielow kayo ng konti ni Travis."
"Lielow? But were fine."
"Kayo ni Travis. Pero yung mga babae nya mukhang hindi! Feeling ko furious sila dahil sa ideya na ikaw ang girlfriend ni Travis at hindi sila."
Ngumiti na lamang ako kay Elsa. I like how she worries about me and my reltionship with Travis. Pero dahil pinili ko ito dapat maging matapang akong harapin kung ano man ang magiging consequences ng relasyon na ito.
"Everything will be fine, Elsa. Alam kong kahit anong mangyari pro-protektahan ako ni Travis." ngumiti ako. Nagkibit balikat lang sya at wala ng sinabi.
Sabay na kaming umuwi pagkatapos naming maayos lahat ng revisions na kailangan ng thesis namin. Panay lang ang reklamo ni Elsa tungkol dito, at lalo pa syang nainis ng isa sa mga teacher namin ay nagpahabol ng isang research. Simpleng research lang naman pero dagdag padin sa gagawin dahil sa revisions palang ang dami na naming nakakaing oras.
"Dapat si Sir, nag-give way nalang! Dapat hinayaan nya nalang tayo! Di nya ba nakitang haggard na tayo ng wagas?" natawa nalang ako sakanya.
Dumiretso na agad ako sa kwarto ko at ibignagsak ang katawan ko sa kama. Nagyon ko lang naramdaman ang pagod sa lahat ng nangyari saakin ngayong araw.
Mabilis kong kinuha ang cellphone ko ng maramdaman kong nag-vibrate ako. At tama ang hinala ko kung sino ang nagtext.
Travis:
Nakauwi na?
Ngumiti ako at mabilis na nag-type ng reply.
Yep. Ngayon ngayon lang.
Mabilis din naman syang nag-reply.
Travis:
Busy ka sa weekend?
Kumunot ang noo ko ng mabasa ang bago nyang text. Napabangon akong bigla dahil kumabog ang dibdib ko dahil sa simpleng text na iyon. Hindi ko alam kung anong ire-reply ko dahil iba talaga ang kaba na nararamdaman ko. Napapitlag ako ng biglang nag-ring ang cellphone ko.
"H-Hello?" napakagat ako sa labi ko ng sagutin ko ang tawag.
"Bakit ang tagal mong mag-reply? Nag-aalala ako sayo."
"I'm okay. Bakit ka napatawag?"
"Tss. Kasi nga ang tagal mong mag-reply at hindi mo na sinagot ang tanong ko."
Mas lalo kong kinagat ang labi ko dahil doon.
"B-Bakit mo kasi tinatanong?" Damn! Nauutal ako!
Tumawa sya. "Are you nervous? Oh please baby, don't. Wala naman akong gagawing masama sayo."
"Eh bakit nga?" umirap ako.
"Dadalhin kita dito sa bahay at ipapakilala kita sa pamilya ko, Ylia."
"H-HUH?"
"Gusto kitang ipakilala sa pamilya ko Ylia. Gusto kong ipakilala sakanila yung babaeng matagal na nilang gustong makilala." nakiliti ang tenga ko ng tumawa sya ng marahan. That sexy laugh! Arrrgh!
"S-Sigurado ka na ba?"
"I've never been this so sure all my life, Ylia. Ngayon lang."
Kahit kinakabahan ako at halo halo ang tumatakbo sa isip ko....
"Sige, Travis."
"That's good! I love you!"
BINABASA MO ANG
Blue Faded Jeans (IS #1)
General FictionNakakatawang isipin na madalas tayong ma-inlove sa isang taong imposible. Yung tipong akala mo abot kamay mo na pero hindi pa pala? Yung feeling mo sobrang lapit mo na pero ang layo pala? Yung feeling mo na ikaw na talaga pero may iba pa pala? Yung...