Bilang 20
Either
Hindi na maganda ang timpla ng mukha ni papa hanggang sa makarating kami sa bahay. Sigurado akong hindi nya inasahan yung ginawa ni Gunther kanina.
"What happened to Gunther? Oh goodness! Richard told me everything was fine!"
Tahimik lamang akong nakaupo habang pinapanood si papa na pabalik balik sa paglalakad.
Hindi ako makasagot o makapag salita man lang. Dahil alam kong taliwas sa nararamdaman ko ang nararamdaman ni papa ngayon. Masaya ako dahil alam kong kahit ginawa ni Gunther iyon para sa sarili nya, kasama nya akong nasagip sa isang bagay na ayokong gawin.
Mabilis akong umakyat saaking kwarto ng makatanggap si papa ng tawag mula isang kakilala. Naligo at nagpalit lamang ako at dumiretso ng higa sa kama.
Gustong gusto ko talagang pasalamatan si Gunther para sa ginawa nya, pero hindi ko alam kung paano. Ayoko namang magpunta doon at baka kung ano pang isipin ng aking papa at ng tatay ni Gunther kung sakaling susulpot ako doon. Sana pala kinuha ko ang kanyang cellphone number.
Ite-text ko sana si Travis para sabihin ang magandang balita pero bigla kong naalala na hindi nya pala alam, napailing nalang at natawa sa sarili dahil dito. Mabilis kong binura ang numero ni Travis sa message at pinalitan ito ng numero ni Elsa.
Elsa! Malaki yung possibilities na baka hindi matuloy yung saamin ng Montaverde!
Sent.
Matagal tagal akong nagintay sa reply ni Elsa pero wala syang sagot. Siguro walang load kaya tinawagan ko nalang na mabilis bilis naman syang sinagot.
"Elsa!"
"Y-Ylia. Hi."
"Di ka nagrereply? Wala kang load?"
"Uhm."
"May maganda akong balita! Baka di na matuloy ang kasal!" ngiting ngiti ako habang binibitawan ang mga salitang iyon.
"Sabi mo nga sa text. Bakit di na matutuloy? I mean... anong nangyari?"
Kinuwento ko lahat sakanya ng nangyari sa dinner. Lahat, maging ang mga sinabi ni Gunther kay papa at sakanyang tatay.
"A-Ayaw din pala nung Gunther?"
"Uhm. May iba daw kasi syang gusto. I wonder kung sino yun. Ma-swerte sya kasi matapang si Gunther! Sana katulad nya din ako para maipakilala ko na si Travis kay papa."
Umubo si Elsa sakabilang linya si Elsa na para bang nabulunan.
"Are you okay Elsa? Uminom ka ng water!" utos ko.
"No.. No.. Okay lang ako. Diba, masyadong maaga para ipakilala mo si Travis? Halos wala pa kayong isang buwan!"
"Nag aalala kasi ako na baka malaman pa ni papa sa iba, mas mahirap yun."
Mahaba mahaba ang naging pag-uusap namin ni Elsa, tinapos ko din ito kaagad nung narinig ko na syang humikab mula sa kabilang linya.
Maaga akong nagising kinabukasan kahit medyo late na akong natulog. Wala na si papa ng umagang iyon, hindi ko alam kung saan nagpunta pati si Manang ay hindi alam.
"Ylia, may mga dumating palang sulat dyan para sayo. Nilagay ko sa ibabaw ng center table sa salas. Kuhanin mo nalang."
Tumango ako at dumiretso sa sala tsaka sandaling chineck ang mga sulat na dumating. Oh! Results ng mga entrance exam ko! Sabay sabay dumating?
BINABASA MO ANG
Blue Faded Jeans (IS #1)
General FictionNakakatawang isipin na madalas tayong ma-inlove sa isang taong imposible. Yung tipong akala mo abot kamay mo na pero hindi pa pala? Yung feeling mo sobrang lapit mo na pero ang layo pala? Yung feeling mo na ikaw na talaga pero may iba pa pala? Yung...