Bilang 6

112 1 0
                                    

Bilang 6

MOST WELCOME

"Pauwe na kayo?" Basag ni Travis sa katahimikan.

"Huh? Ah..."

"Uhm, si Ylia lang. May gagawin pa kasi ako ang balak ko lang sana ihatid sya sa gate 1 para doon na sumakay ng trike pauwe sa mansyon."

Tumaas ang isang kilay ni Travis habang nakatitig kay Elsa tsaka ako tinignan.

"Driver nyo?"

"Ano, lagi kasi kaming sabay ni Elsa umuwi eh. Ngayon lang hindi. Kaya hindi ko nasabihang magpapasundo ako."

Tumango tango sya tsaka muling tinignan si Elsa at ngumiti na litaw na litaw yung mapuputi at magaganda nyang ngipin. Nakita kong bahagya pumula ang mga pisngi ni Elsa dahil sa ngiting iyon.

"Elsa, okay lang ba kung ako na ang maghahatid kay Ylia sakanila?"

Nanlaki ang mga mata ko at nalaglag ang panga ko sa narinig ko sakanya. 

"Ah, kung okay lang kay Ylia."

Tinignan ako ni Elsa at nagkibit balikat. Napatingin ako kay Travis na tahimik na nag-aabang sa sagot ko. Napalunok ako at hindi ko malaman kung anong isasagot ko. At isa pa kung ihahatid nya ako, paano kung nandoon si Papa sa bahay at makita si Travis na ihatid ako? Baka kung anong isipin nya pa.

"O-Okay lang ako Travis, magta-trike nalang ako."

Sumingkit ang mga mata nya at bahagyang natawa. "Wala akong gagawin sayo Ylia, I won't rape you. Don't worry. I respect you the most."

"Hi, Travis!" may dumaang grupo ng mgagandang babae at tinignan ako mula ulo hanggang paa bago tinignan uli si Travis."Uuwi ka na? Tara?"

"Uhm, dipa. Hinihintay ko pa kasi sya." sabay turo nya saakin. Ngumisi sya sa mga babae, "Mauna na kayo. Ingat!"

Tinaasan ako ng kilay ng mga babae. Napayuko at mahigpit na napahawak sa librong dala dala ko. Hindi ako sanay sa ganito. Mas sanay akong ako yung tumitingin sa mga babae ni Travis (pero hindi ko sila tataasan ng kilay) hindi yung ako yung tinitingnan nila ngayon.

"Ano, Ylia?" malambing na tanong ni Travis.

"W-wag na. B-baka may gagawin ka pa. Sila nalang ang hihatid mo."

"Wala ako sa harapan mo ngayon Ylia kung may gagawin akong iba. At sana sumama nalang ako sakanila kung gusto ko silang hatid. Stop pushing me to other people lalo na kung andito ako sa harapan mo."

Tumingin ako kay Elsa na pinanlakihan lang ako ng mata at nagkibit balikat.

"Kung di naman istorbo pala sayo Travis, pkaihatid nalang si Ylia sakanila. Make her safe." bilin ni Elsa. "Psst. Ingat best. Text you later."

Tumakbo na pabalik sa science high si Elsa at naiwan akong mag-isa sa greek god na si Travis. Mabilis ang pintig ng puso ko. Halos di na ko makahinga iniisip ko palang na ihahatid nya ako nanginginig na ako. I don't know what's happening to me.

"Ylia..."

Parang bumaliktad ang sikmura ko ng malambing nya uling tinawag ang pangalan ko.

"B-Bakit?"

Napaigtad ako ng kinuha nya ang kamay ko at hinawakan ito ng mahigpit. Nagsitayuan lahat ng balahibo sa katawan ko at parang may kabayong tumatakbo sa loob ng dibdib ko sa sobrang tindi ng pintig nito.

"Gumagabi na, iuuwi na kita......sainyo." ngumisi sya at hinatak ako.

Lahat ng taong madadaanan namin ay awtomatikong napapalingon saamin at babagsak sa mga kamay na agkahawak namin ni Travis. Panay na ang takip ko ng mukha gamit ang buhok at libro ko. Para kaming mga artista kung pagtinginan ng mga tao.

Blue Faded Jeans (IS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon