Bilang 25
Kakausapin
Hindi ko na matandaan kung kailan pa ako naging ganito kasaya noon. Basta ang alam ko lang masayang masaya ako at akhit alam kong mali ang ginawa kong pakikopagbalikan kay Travis pakiramdam ko saaking sarili ay tama ito.
Yes, Travis and I are officially back in each other's arms.
"Pero hindi naman tayo nag-break." sabi saakin ni Travis ng sabihin kong pumapayag na kong bumalik sakanya.
Tumawa ako at hinampas sya sa dibdib.
"Nag-break tayo." sabi ko habang nakangiti at pinupunasan ang mga luhang natira sa aking mga mata at mukha.
Kinuha nya ang aking mukha at sya na ang nagpunas ng mga luha. Titig na titig sya saakin na para bang kinakabisado nya ang bawat linya ng aking mukha.
"Hindi. Break up is a mutual decision between two people who's in a relationship. Ikaw lang ang pumayag nguniti hindi ako. Kaya hindi tayo nag-break. Kaya tigilan mo na ang kasasabi mong nagbreak tayo, I don't like it."
Tumango ako at ngumiti sakanya.
"Ano bang nangyari saatin Ylia? Why all of a sudden you drifted away?"
Lumunok ako. "Nalaman na kasi ni papa yung tungkol saatin and he's so mad."
Pumungay ang kanyang mga mata at hinaplos ang aking pisngi.
"Sinabi ko naman sayong handa ko syang harapin. Ipapakita ko sakanyang malinis ang intesyon ko sayo Ylia. Kahit ngayon, handa kong harapin sya."
Umiling ako at hinawakan ang pisngi nya.
"Not now Travis. Hindi mo alam kung gaano kagalit si papa nung malaman yung tungkol saatin. Hindi makakatulong kung haharapin mo sya ngayon. Kaya nagkaroon ng John at ALbert ngayon dahil pinapabantayan ako ni papa sakanila at sinisigurong hindi na muli pa akong makikipagkita sayo."
"Kaya mo ba sinubok makipaghiwalay?"
Dahan dahan akong tumango sakanya. "I'm sorry."
"Just don't to that again Ylia... You're killing me." aniya.
Muli akong sumilip sa labas para i-check kung nakabalik na ba si John at Albert ngunit wala parin sila doon. Nagtataka na ako kung saan sila nagpunta dahil di naman sila basta basta umaalis ng hindi nagsasabi saakin.
"Pinaalis ko sila." sabi ni Travis habang nakangisi.
"You.. What?"
"Pinaalis ko yung mga bodyguard mo."
"Paano?"
Nagkibit balikat lamang sya at tumawa. Narinig kong mula sa sa quad ay tinatawag na kami ng aming adviser para bumalik sa practice.
"Travis, I need to go back."
Tumango ito at inilahad saakin ang kanyang kamay. Agad akong umiling.
"Babalik akong mag-isa Travis. Kakabalik lang natin sa isa't isa. Gusto mo nanaman ba akong mawala sayo?"
Umigting ang kanyang panga at mariin syang umiling.
"Then, mauuna ako saka ka sumunod." sabi ko.
Tumawa sya at mabilis akong hinalikan sa pisngi. Napasinghap ako sa ginawa nya.
"Bakit pakiramdam ko sanay na sanay ka sa ganitong galawan, ilang beses mo na ba itong ginawa?" biro nya.
"Mga tatlong beses na." seryoso kong sagot.
BINABASA MO ANG
Blue Faded Jeans (IS #1)
General FictionNakakatawang isipin na madalas tayong ma-inlove sa isang taong imposible. Yung tipong akala mo abot kamay mo na pero hindi pa pala? Yung feeling mo sobrang lapit mo na pero ang layo pala? Yung feeling mo na ikaw na talaga pero may iba pa pala? Yung...