Bilang 17

40 1 0
                                    

Bilang 17

Ang Montaverde

Nakangiti lamang ako habang pinapakinggang si Travis habang kinukwento kung paano sila sa bahay ni Cloud at ng kanyang mama. Talagang mahal na mahal nya ang mga ito nakakatuwang isipin na sakabila ng pagiging isang playboy nito ay may iba pala tong pagkatao pag nasa kanilang bahay.

"Sya ang kauna-unahang babaeng dinala mo dito sa bahay, may ibig sabihin na ba ito?" halakhak ng mama nya ng makabalik sa sala at muling umupo sa single sofa.

Tumawa rin si Travis at inakbayan ako.

"Una't huli ma." aniya.

Nag-init agad ang magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi nya.

"Seryoso na talaga ito?" tanong uli ng mama nya.

"Seryoso pa sa seryoso ma. Ynug tipong hindi na ako makahinga sa sobrang pagmamahal ko sakanya yung hindi makukumpleto yung araw ko ng wala sya. Para bang sya na yung bumubuo sa buong pagkatao ko. Pakiramdam ko nga wala na yung puso ko saakin, nasa kanya na.. matagal na matagal na."

Pilit kong pinipigilan ang pagtulo ng luha ko habang pinapakinggan si Travis. Simple lang naman yung hiniling ko sa Panginoon noon, yung mapansin nya lang ako okay na. Pero ngayon sobra sobra pa yung binigay Nya saakin at hindi na ako makahinga sa sobrang kasiyahan.

"Ma! Hahatid ko na si Ylia, kailangan nya ng umuwi. Di pwedeng pagabi."

Tumango ito at ngumiti saakin. "Sana makabalik ka dito hija."

Tumango tango ako sakanya at niyakap sya tsaka nagpaalam kay Cloud. Mabilis kaming nakarating sa bahay namin, sa tingin ko ay hanggang ngayon wala parin si papa sa loob dahil walang mga security ang nakakalat sa labas ng bahay. Mabilis akong hinagkan sa labi ni Travis at sumakay na sakanyang motor at umalis. Inantay ko muna syang mawala sa paningin ko bago ako pumasok ng tuluyan sa bahay.

"Ylia! Hija!"

Humahangos si Manang ng sinalubong akong papasok sa bahay.

"Manang..B-Bakit po?"

Kinabahan ako dahil parang tarantang taranta si Manang, naisip ko agad si Papa at baka kung anong nangyaring masama dito.

"Buti dumating ka na! Kanina pa tawag ng tawag ang papa mo! Hindi mo daw sinasagot ang tawag nya."

Kinuha ko ang cellphone kong nasa loob ng bag na dala ko. Naalala kong sinilent ko ito ng sunduin ako mula dito ni Travis. Nakita ko ngang madaming missed calls si papa.

"Bakit daw po?"

"Mapapaaga ang dating nila hija. Bukas daw darating na yung papa mo kasama yung mga kasosyo nya sa negosyo kaya maghanda ka daw para bukas."

Napabuntong hininga nalang ako at tumango. Di maganda ang nararamdaman ko para bukas.

Ako:

May bisita kami bukas Travis. Baka maging abala ako bukas at hindi kita gaanong ma-text.

Mabilis syang nag-reply na para bang alam na alam nyang mag-tetext ako.

Travis:

It's fine baby. Pero pag may time ka, text me aryt? Wag kang pamiss masyado. I love you.

Humagikgik ako at mabilis ring nag-reply.

Ako:

I love you too.

Maya maa dumating yung isa sa mga staff ni papa dito sa bahay na may mga dalang shopping bags at ibinigay saakin. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang mga shopping bags na galing sa mga kilalang bilihan ng damit.

"Ano ito?"

"Inutos mo ni Mayor, Miss."

"Pero may damit pa naman ako."

Umiling at ngumiti lang saakin yung staff ni papa. "Utos ni Mayor."

Napabuntong hininga ako at tinaggap nalang yung mga paper bags na ibinigay saakin. At inabot sa ibang katulong para dalhin at ilagay sa loob ng closet ko sa kwarto.

"And tomorrow, Miss may darating dito para ayusan ka."

"Bakit pa?"

"Again, Miss. Utos ni Mayor. Thank you."

Pagkasabi nya nun, agad syang umalis kaya para akong pagod na pagod na napaupo sa sofa namin sa sala.

Nagkibit balikat si Manang, "Indang day din bukas hija kaya siguro pinaghahanda ka din ng mabuti ng iyong papa, dahil bukod sa pagdating ng mga Montaverde eh araw ng Indang bukas." Napabuntong hininga na lamang ako at dumiretso na sa kwarto ko. Bahala na bukas.

"Ylia."

Mabilis akong napadilat ng marinig ko ang mahihinang katok mula sa labas ng kwarto ko. Pilit kong sinuklay ang buhok ko gamit ang ma kamay ko at papungas pungas pang tumayo para pagbuksan kung sino man yung nasa labas.

"Manang." bati ko.

"mag-ready ka na hija, nasa baba na yung mag-aayos sayo. Maya maya daw ay darating na ang papa mo, ito na ang pagkain mo."

Inabot nya saakin ang tray na puno ng pagkain. Tumango ako at nagpasalamat. Mabilis ko itong inubos at agad ding naligo, hindi rin kasi ako masyadong sanay na may nag-aantay saakin pwera nalang sa driver namin dito.

"Ylia, sila yung mag-aayos sayo."

Timignan ko yung 5 tao nasa sala namin. Halata namang sila ang mag-aayos saakin dahil naka set up na lahat ng gagamitin nila at maging ang isang malaking salamin na may upuan sa harap nito.

Iginiya nila ako paupo dito at sinimulan ng ayusan ako. Pagkalipas ng halos dalawang oras..

"Hindi ba masyadong OA tong ayos ko? Sasalubungin lang naman namin ang bisita ni papa."

Sabi ko habang titingnan ang sarili ko sa salamin. Parang ganito din ang ayos ko nung sumali ako sa Ms. Teen Campus.

"Sapat lang po iyan para sa isang Montaverde, Ms."

Kumunot ang noo ko pero hindi ko na pinansin ang sinabi nya, sumunod nalang ako doon sa isa pang babae na may dala ng sosootin kong dress.

Dumiretso kami saakin kwarto at doon ko sinoot ang isang off-shoulder knee lenght skirt style dress na kulay peach. Aminin ko man o hindi pero nagustuhan ko ang dress na ito.

"Bagay na bagay po sainyo Ms." ngiti nung babae.

"Salamat."

Inalalayan na nila ako palabas ng kwarto.

"Hija, andito na ang papa mo. Ang sabi nya dumiretso ka na daw sa plaza, andyan na ang sasakyan nakahanda na."

Tumango ako at dumiretso na sa nag-iintay na sasakyan sa labas. Binati ako ng driver namin at sinabing bagay saakin ang soot kong dress.

Hindi ko alam kung bakit pero biglang nanginig ang tuhod ko ng makasakay ako saaming sasakyan. Bigla akong kinabahan. Mas lalo pa akong kinabahan ng makita ko ang dami ng tao na nasa plaza ng makarating kami.

"Andito na po tayo."

May lumapit na bodyguard saamin na mukhang kanina pa kami inaantay dito sa plaza, agad nya akong ponagbuksan ng pinto ng sasakyan at inalalayan akong bumaba. Halos lahat ng tao ay napunta ang atensyon saakin.

Mula sa kinatatayuan ko nakikita ko ang aking papa na nakangiti at may katabing isang lalaki na siguro ay kapareho ng edad nya at isang lalaki na sa tingin ko ay mas matanda lang ng ilang taon saakin.

"Pa," bati ko ng sa wakas ay makalapit ako sa aking papa. Humalik ako sakanyang pisngi at bumaling sakanyang mga bisita.

"Ylia, this is Richard Montaverde and his only son, Gunther Montaverde."

Humalik saakin ang mas matandang Monatverde habang ang isa naman ay hinalikan lang ang aking kamay at nakangiti saakin.

"Nice meeting you po."

"Totoo nga Alejandro, napakanganda ng anak mo." sabi ni Richard Montaverde na nakangiti tsaka nilingon ang anak na si Gunther na umling lamang at napatingin sa paligid.

"Bagay sila hindi ba?" tanong ni papa.

"Walang duda."

Blue Faded Jeans (IS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon