Bilang 1

128 1 0
                                    

BILANG 1

CONGRATULATIONS


Tulala ako habang sinosoot saakin yung korona at sash ng Ms. Teen Campus saakin. SImula ng i-aanounce kanina pa ang pagkapanalo ko, hindi parin nagsi-sink in ito sa utak ko. Hindi ako makapaniwalang ako ang nanalo. To think na ako ay isang baguhan, hindi katulad ng ibang contestant na talagang mga beterana sa pagsali ng mga ganitong kompetisyon. At isa pa ako ang pinakabata dito. 4th year highschool lang ako habang yung ibang kasali ay college na.


Bigla kasing may nakaisip na subukan paglabanin ang mga highschool at college at wala akong nagawa ng ginawa akong isa sa mga representative. Bukod na sa sang ayon si papa, todo convince ang mga techear ko saaakin.


Hindi kaya may ginawa nanaman si Papa para manalo ako? Hindi. Ipinilig ko ang ulo ko para mawala ang ideyang iyon. Ginawa ko ang best ko kaya ako ang nanalo. Yun ang dapat kong isipin.


"Ms. Ylia, tara na po." napabaling ang tingin ko sa isa sa apat na nodyguards na pinasama saakin ni papa para bantayan ako buong pageant.


Tumango ako bilang tugon at inalalayan na nila ako pababa ng stage.

Para akong na-culture shock ng biglang dumagsa ang mga tao papalapit saakin.


"Ylia! Ylia! Pwedeng papicture?"

Napatingin ako doon sa lalaking nagpapaalam. Dahil ayoko namang isipin nilang suplada ako, pumayag ako. College Hanggang sa sunod sunod na yung nagpapicture.


Yung iba, nakuntento nalang sa pakikipagkamay at pagbati saakin. Puro 'Thank You' at ngiti nalang ang naitutugon ko.


Pinilit ng mga bodyguards kong ilayo ako sa crowd at habang ginagawa nila iyon, napako ang tingin ko sa isang lalakig may katangkaran at bahagyang moreno na sumisiksik sa dami ng taong nakapalibot saakin.


Napahinto at napanganga nalang ako habang pinagmamasdan syang sumiksiksik sa kumpulan ng tao. Sa kabila ng iritasyon na rumerehistro sa mukha nya dahil sa siksikan, hindi maikakaila kung gaano sya kagwapo at kung gaano kaagaw atensyon ang kanyang mukha.


Halos lahat ng tao na sumisiksik saakin kanina ay na-divert ang atensyon sakanya. Laglag ang panga ko ng bigla syang bigyan ng daan ng mga tao ng walang sinsabing kahit na simpleng 'Excuse Me' man lang. At walang kahirap hirap na nakadaan sya ng matiwasay. No sweat! Iba talaga ang epekto ng kasikatan nya sa madla. Dinaig nya pa ang ata ang presidente.


Napayuko ako ng makaramdam ako ng matinding collywobbles sa paglalakad nya papalapit sa kinatatayuan ko. Kahit alam ko naman na malaki ang tsansang di nya ako lapitan at lagpasan nya lang ako at dumiretso sa stage para puntahan ang pambato ng course nilang nanalo bilang first runner up at rumored girlfriend nya pa na abala sa pakikipag-picturan sa random people.


Isang malamin na buntong hininga nalang ang naibuga ko.

Nagulat ako ng bigla syang huminto sa harap ko. Kahit nakayuko ako, kita ko yung mga sapatos nyang nakatayo sa harap ko. Sa harapan ko. Sa tapat ko mismo. Sa tapat na tapat ko.


Damang dama ko yung pagbilis ng tibok ng puso ko. Mas tumindi pa ata yung collywobbles na nadarama ko. Napahigpit narin ang hawak ko sa boquet na bitbit ko dulot ng matinding tensyon na nararamdaman ko sa simpleng pagtayo nya sa harapan ko.


Unti unti kong inaangat ang ulo ko upang matingnan sya. Nakalabas ang mapuputi nyang ngipin. Malapad ang kanyang mga ngiti habang diretsong nakatingin saakin napara bang sinsabi na ako ang pinakamagandang babaeng nakita nya.


Sino nga bang hindi mababaliw sa taong ito? Kahit sino mahuhumaling sakanya.

Matang namumungay. Matangos na ilong. Maninipis at mapupulang labi at makinis na mukha na sigurado akong pag hinaplos ay madulas at malambot. Medyo may kahabaan ang kanyang buhok. 


Isang simpleng white V-neck shirt lang ang soot nya at kapartner nito ang isang bagay na sobrang popular sakanya, sing popular ng kanyang pangalan sa lahat. Soot nya ang sikat na sikat nyang Blue Faded Jeans na humahapit sa mga binti at hita nya na sexy tingnan.


Halos hindi ako makahinga ng maayos ng ngumit na sya saakin. Kitang kita yung mapuputi at pantay-pantay nyang ngipin. Inilahad nya  ang kanyang kamay saakin. Nagdadalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ba ito o hindi dahil parang pasmado ang kamay ko sa sobrang panginginig nito.


Huli na ng mapagtanto kong naipatong ko na pala ang kamay ko sa nakalahad nyang kamay.


Umayos sya ng tayo at humigpit ang hawak nya sa kamay ko at marahan itong pinisil.


"Malambot, tulad ng inaasahan ko." nakangiti nyang sambit.


Mukha ko ang unang nag-react. Ramdam ko agad ang pag-init nito na sensyales na siguradong namumula na ko. 


Nakita kong unti unti nyang inilalapit ang kamay ko sa kanyang bibig. Dumagundong sa buong katawan ko ang malakas na tibok ng puso ko ng dumampi na ang mga labi nya sa kamay ko. Mainit, malambot at nakakapanghina ng tuhod. Nakapikit pa sya na tila dinadama ang mga kamay ko.


Dahan dahan nyang idinilat ang mga mata nya at nakangiting tumingin muli saakin. Gamit ang kanyang free hand, hinawi nya ang ilang hibla ng buhok ko na nasa mukha ko na.


"Ang ganda mo. Sobrang ganda mo."


Napapikit nalang ako habang inilalagay nya ang mga hibla sa likod ng tenga ko.


Napapitlag ako ng bigla nalang uli akong alalayan paalis ng mga bodyguards ko. Pero nanatili parin syang nakahawak sa kamay ko.


"Ako nga pala si Travis Dela Serna. Congratulations!" aniya habang unti unting binibitawan ang mga kamay ko.


Oo! Alam ko! Alam kong ikaw si Travis Dela Serna. Kilala kita! 

Gusto ko sanang sabihin pero naunahan na agad ako ng hiya bago ko pa maibuka ang aking mga labi.


Pinilit kong ngumiti ng normal kahit nangingig talaga ang mga labi ko dahil sa sobrang kaba.


"T-thank y-you." mahinang sambit ko.



"Ms. Ylia, ayos lang ho ba kayo?" tanong nung isa ko pang body guard. Pagkasakay namin sa SUV.


"Huh? Ah. Oo, ayos lang ako." sagot ko.


"Sigurado ho kayo Ms.?"


"Oo, bakit ba?"


"Kasi po namumula ang inyong mukha pati na ho ang tenga nyo maging ang mga balikat nyo."


Napahawak ako sa tenga pati na sa mukha ko tsaka ko tiningnan yung mga balikat ko.

What the?! Seriously?! Ganito ba katindi ag epekto saakin ni Travis? Hanggang balikat may kapasidad akong mag-blush. Damn it, Travis Dela Serna.

Blue Faded Jeans (IS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon