Epilogue

73 2 0
                                    

Epilogue

"Everything's set Mr. Dela Serna. Wala na kayong dapat alalahanin pa, ang dapat nyo nalang gawin ang ihanda ang mga sarili nyo sa kasal, kayong dalawa ng magiging asawa nyo."

Kinamayan ko ang wedding organizer na kinuha ko upang asikasuhin ang kasal namin ni Ylia, hindi ko na sya inaabala tungkol dito dahil ang gusto ko lang na paghandaan nya ay ang paglalakad nya sa altar, papunta saakin. Wala ng iba.

And it will be a surprise wedding. Wala na akong pakielam kung ano pang iisipin nya. Dahil alam kong pag tumagal pa ito magkakaroon lang ulit ng ideya si Ylia na iwanan ako, dahil palaging madali sakanya ang umalis at iwanan ako. And this time I won't make it easy for her.

"Handang handa na ah?" Tukso saakin ni Allan ng maabutan nya akong inihatid palabas ang wedding organizer at ang mga tao nito.

"Palagi akong handa basta si Ylia." Ngumisi ako.

"Paano si Ate Elsa, kuya?"

Kumunot ang noo ko sa naging tanong ni Christopher. Alam kong matagal ng may gusto saakin si Elsa, at alam din ng halos ng lahat ang tungkol doon but then again, I'm in love with Ylia and maybe it will take thousands or even millions of heartbreak before I gave up on Ylia.

"She'll understand, Tope. Kilala ko si Elsa."

Bumalik na ako saaking opisina at muling inasikaso ang lahat ng dapat kong trabahuhin, sa susunod na linggo na ang kasal namin ni Ylia at gusto kong sa mismong araw ng kasal naming dalawa ay wala na akong iisiping iba maliban sakanya.

"Travis!"

"Clark! What are you doing here?"

Si Clark ang naging katu-katulong ko rin sa pag-aasikaso ng nalalapit naming kasal ni Ylia. Natawagan ko na rin si Marcos at sinabihan tungkol sa darating naming kasal ni Ylia, at malinaw nyang sinabi na uuwi sya atsaka ko pormal na hingin sakanya ang kamay ng kanyang pinsan which I will be very happy to do.

"We have a problem."

Agad na sumibol ang kaba saaking dibdib, isa lang ang pwedeng posibleng maging problema sa paghahanda namin ngayon.

"May nangyari kay Ylia?"

Tumango tango sya. "Ylia's missing, Travis."

"A-Ano?" Lumiit ang boses ko. "No.. Baka may pinuntahan lang."

Mariing umiling si Clark.

"Nakita ni Mang Carlito si Ylia na umiiyak. She probably ran off, Travis! Baka hindi matuloy ang kasal." Hysterical na saad ni Clark.

Kumirot agad ang puso ko sa ideya na hindi matutuloy yung kasal na matagal ko ng pinaghahandaang mangyari saaming dalawa. Umalis man sya at iniwan ako, kailanman ay hindi ko nakita ang sarili ko sa iba. Sakanya lang. Kahit pa ako ang paulit ulit na humabol sakanya.

"Kuya."

Nilingon ko si Christopher na nakatayo saaking gilid at mukhang hindi alam kung paano sya pipirmi. Malikot ang kanyang mga mata, hindi makatingin ng diretso saakin.

"What?" Tumaas ang boses ko.

Hindi ko alam kung paano papakalmahin ang sarili ko, gayung hindi ko alam kung saan ko sisimulang hanapin ang babaeng mahal ko.

"Sa tingin ko po alam ko kung saan nagpunta si Ate Ylia."

"Saan?"

Nagmamadali ako. Dahil pakiramdam ko na kapag hindi ko pa binilisan ay tuluyan na talagang mawawala saakin si Ylia.

Blue Faded Jeans (IS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon