Bilang 41

41 2 0
                                    

Bilang 41

I AM

"Sir!... ay Ma'am!"

Gulat na gulat si Manong Carlito ng makita kami ni Travis na sabay na bumaba sakanyang sasakyan.

"You should have waited for me to open the door for you." Bulong ni Travis saakin.

Tinaasan ko sya ng kilay at ipinakita ko sakanya ang aking dalawang kamay.

"May kamay naman ako, kaya ko naman magbukas ng pinto ng sasakyan."

Ngumisi lamang sya at napailing.

"Stubborn woman."

Inirapan ko lamang sya at malapad na ngumiti kay manong Carlito na hindi ko nakita kanina bago ako pumasok.

"Goodmorning Manong Carlito."

"Goodmorning po, Ma'am. Kasama nyo pala si Sir?"

Nilingon ko si Travis na nakasuksok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng soot nyang pantalon at tinitingnan ang labas ng buong bahay.

Nagkibit balikat na lamang ako at muling ngumiti kay Manong.

Bago ako tuluyang pumasok ng bahay nakita kong mariing kinakausap ni Travis si Manong Carlito na hindi parin maalis ang ngiti sa labi.

"Pumasok ka nalang kapag tapos na kayong mag-usap ni Manong Carlito."

Tumango lamang si Travis.

"Ylia! Anong ginagawa mo dito akala ko----- OH MY GOD!"

Kumunot ang noo ko kay Clark at agad na nilingon ang sanhi ng gulat nya, si Travis pala na agad ding nakasunod saakin.

"Goodmorning Mr. Dela Serna."

Ngumiti si Travis. "Clark right? Just call me Travis please. I'm more comfortable of that."

"Magpapalit lang ako ng damit." Sabi ko at iniwanan silang dalawa sa sala.

Inis na inis akong inihahagis ang mga damit ko sa kama para makapili ng ipapalit sa soot ko.

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Clark.

Hindi ko sya pinansin at patuloy akong naghanap ng damit. I don't know what to wear anymore. Dapat ba ng tanungin ko sya kung ano ang dapat ko sootin? AHH! Ayoko na!

"Ikaw ha! Naninigurado ka! Inuwi mo agad dito si papa Travis!" asar saakin ni Clark.

Agad ko itong inirapan.

"Sira! Hinatid nya lang ako dito kasi gusto nya akong magpalit ng damit."

"Ay bakit?"

Nagkibit balikat ako. "Sabi nya kasi puro lalaki ang makakasama ko sa trabaho tapos ganito ang soot ko."

Humagalpak ng tawa si Clark at nagpagulong gulong pa sa ibabaw ng kama.

"Over protective naman pala! How sweet!"

Over protective? Really? Baka kamo napapangitan lang sya saakin kaya gusto nya akong magpalit. Wala ng pakielam saakin si Travis, sigurado ako doon. Dahil saaming dalawa ako lang itong naiiwan pa sa nakaraan naming dalawa.

"Shut up, Clark! Tulungan mo nalang ako maghanap ng so-sootin."

"Mag-soot ka nalang ng jeans, wag mo ng palitan yang pang-itaas mo. Siguro naman hindi ka nya pag-gagawain ng sasakyan doon no?"

Sinunod ko ang sinabi ni Clark, nagsoot na lamang ako ng isang ripped jeans na may tupi ang dulo at naka tuck in doon yung white long sleeve polo ko. Matapos kong ayusin muli ang sarili ko, lumabas ako at naabutan ko si Travis na mag-isa sa sala habang nakasandal ang ulo sa sofang kinauupuan nito at nakapikit.

Blue Faded Jeans (IS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon