Bilang 18
Seryoso
Tahimik lang ako sa tabi habang ipinapakilala ni papa ang kanyang mga bisita sa harap ng mga tao dito sa Indang. Panay lamang ang ngiti at kaway ko sa mga tumatawag saakin. Nainis ako ng maalala kong hindi ko nadala ang cellphone ko. Sinubukan ko tumingin sa paligid umaasang baka nagpunta sya ngayon dito pero ni anino nya ay hindi ko nakita.
"Are you okay?"
Napapitlag ako at napalingon saaking gilid.
"H-Huh?"
"Hindi ka ba sanay sa ganitong klaseng event? You look uncomfortable."
Tumango ako at pinaglaruan ang mga daliri ko.
"I-I'm not comfortable with these. I mean, madalas naman akong sinasama ni papa pero di parin ako masanay sa atensyon ng tao."
Humalakhak sya at sinuksok at dalawang kamay sa soot ng pantalon.
"Don't worry, I feel you. Mas gusto ko yung ako lang kesa ganto kadaming ato, I feel like I'm responsible for the attention they are giving to me that I badly need to give it back to them."
Ngumiti ako. "Definitely. Akala ko, ako lang nakakaramdam ng ganoon."
"Well, you're not alone! Dalawa na tayo!" humalakhak ito sabay kaway sa sa isang babae na kumaway sakanya mula sa baba.
Matapos ang ilang sandali niyaya narin kami ni papa na pumunta sa Tambo Kulit kung saan pansamantalang manuuluyan ang mga Montaverde.
"Maganda itong bahay nyo dito ha? I like it." bati ng tatay ng Gunther sa bahay namin dito sa Tambo.
"Pinaganda ko talaga para sainyo." biro ni papa ng nagpatawa sa matanda.
Nakasunod lang kaming dalawa sa mga tatay namin habang abala sila sa pag uusap ng kung anu-anong tungkol sa Indang hanggang sa negosyong meron ang isa't isa. Sa saksakyan palang ay ganun na ang kanilang topic, hanggang pagdating namin dito ay ganoon parin kaya napapabuntong hininga nalang ako. Hinahanap ng mata ko sila ate Elizen at si Manang Ella pero hindi ko sila makita. Ang alam ko sila ang nag-ayos nitong bahay.
"Inaasahan kong may ideya ka kung bakit dinala kami ng papa mo dito, Ylia."
Kumunot noo ko ng sa wakas ay nakaupo na kami sa may sala. Kanina pa talaga masakit ang paa ko kakalakad namin.
"Ano?"
Hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi ni Gunther. Wala akong alam dahil wala ring namang sinasabi o nababanggit saakin si papa tungkol sa pagdadala nya sa mga Montaverde dito. Nalaman ko nalang kay manang.
Napabuntong hininga si Gunther at mariing ginulo ang kanyang pirming buhok.
"Our fathers want us to get married Ylia."
Nanlaki ang mata ko at halos mahugot ang aking hininga ng marinig ko ang sanabi ni Gunther.
"No... Hindi gagawin ni papa iyon saakin." sabi ko.
Tumaas ang kilay nya habang nakatingin saakin. "Walang sinabi ang papa mo sayo?"
Umiling ako ng dahan dahan habang nagdadasal na sana hindi totoo ang snasabi ni Gunther saakin. Hindi ko kayang makita ang sarili ko sa iba, kay Travis lamang.
"Ayokong ako ang magsabi sayo pa Ylia, bahala na kayo ng tatay mong mag-usap. You should get ready, dahil sa susunod na linngo sa dinner yun ang siguradong pag uusapan. God! I'm too young to get married just because of the fucking business."
Tumayo na sya at dumiretso sa hagdan paakyat sakanyang kwarto sa itaas.
"So, susunod na linggo?"
Napatayo ako ng marinig ko ang boses ni papa na papalapit na sa sala. Mukhang tapos na nilang ikutin ang buong bahay. Hindi pa din maipaliwanang ang nararamdaman ko sa sinabi ni Gunther. Kailangan talaga naming mag-usap ni papa.
"Sure. Pero kung gusto nyo naman pwede naman kami ngayong gabi, we're not that tired Alejandro." saad ni Mr. Montaverde.
"It's okay. You still need some rest. Mahaba ang naging byahe natin mula maynila hanggang dito sa Indang."
Tumago si Mr. Montaverde at biglang napatingin saakin.
"Ylia! Where's my son?" tanong nito habang iginagala ang mata sa buong sala.
"Ah, umakyat na po sa itaas. Pagod po ata."sagot ko.
"See?" tawa ni papa. "Sa susunod na linggo nalang talaga tayo magdinner. At isa pa, tapusin muna natin yung sa Mendez."
Ngumiti si Mr. Montaverde at muling naglahad ng kamay saakin.
"Nice meeting you again Ylia, napakaganda mong bata. Sayang at di ko kasama ng asawa ko hindi ka tuloy nya nakita, I'm sure she'll be happy in seeing you."
Nagpasalamat lang ako at agad ng sumunod kay papa sa sasakyan. Tahimik lang ako hanggang makarating kami sa bahay.
Sinalubong kami ni Manang na nakapaghanda na ng madami para sa selebrasyon ng Indang Day.
Nagpaalam si papa na aakyat muna para makapagpalit, ganoon din ang ginawa ko at pagkatapos dumiresto ako sa kwarto ni papa.
"Ano yun Ylia?" tanong nya ng makapasok ako.
"Pa," napalunok ako. Hindi ko alam kung paano ko ibabato ang tanong. "T-totoo bang, g-gusto nyo akong ikasal kay Gunther?"
Bumakas sa mukha ni papa ang pagkagulat saaking tanong. Pero agad din itong nawala. Tinapik nya ang kanyang kama at inaanyayahan akong umupo doon.
Huminga sya ng malalim tsaka pinakawalan ang kinakatakutan kong sagot.
"Yes."
"WHAT?!"
Napatayo ako,hindi ako makapaniwala.
"Bakit pa?"
Hindi ko maintindihan. Sobrang higpit nya saakin at panay ang paalala tungko sa pagkakaroon ng boyfriend, (oo lumabag ako, pero mahal ko si Travis at mahal nya ako) pero hindi ba masyado pa akong bata para sa kasal?
"Ylia, listen to me. Gusto lang kitang malagay sa isang siguradong buhay. Hindi na ako bumabata, hija. Gusto ko pag nawala ako, may siguradong sasalo saiyo."
"But I'm too young to get married pa! Palagi mo pa ngang sinasabi saakin na wag akong magbo-boyfriend! Pero ikaw mismo, gusto mo kong ikasal, ang worst sa taong di ko pa masyadong kilala!"
Sumasakit na ang lalamunan ko sa sobrang pagpipigil ko sa aking emosyon.
"I know the Montaverdes very well! Alam kong sa oras na maikasal ka kay Gunther ay magiging okay ka!"
Pero hindi sapat ang okay para sa buhay ng isang kasal.
"Pa! Gra-graduate palang ako ng highschool! Sa tingin nyo ba magugustuhan ni mama tng ginagawa nyo saakin?" tuluyang ng tumulo ang luha ko ng maalala ko si mama, kung nandito lang siguro si mama hindi nya hahayaang mangyari ito.
"Shut up Ylia! I'm just doing what's best for you!"
"And do you think this is the best pa? Wag nyo na akng lokohin pa, hindi nyo naman talaga ginagawa para saakin diba? You're doint this for yourself, for your business not for me!"
Napaatras ako ng maramdaman ang palad ni papa saaking pisngi, halos umikot ang ulo ko sa sobrang lakas nito.
Mas lalo akong naiyak. Sa kauna-unahang pagkakataon sinaktan ako ni papa.
"Seryoso ako Ylia at hindi na magbabago pa ang isip ko."
Umiling lang ako at tumakbo pabalik ng kwarto ko at doon iniyak lahat.
BINABASA MO ANG
Blue Faded Jeans (IS #1)
General FictionNakakatawang isipin na madalas tayong ma-inlove sa isang taong imposible. Yung tipong akala mo abot kamay mo na pero hindi pa pala? Yung feeling mo sobrang lapit mo na pero ang layo pala? Yung feeling mo na ikaw na talaga pero may iba pa pala? Yung...