Bilang 12
Property
"Congratulations Ms. Mendoza!" ngiti ni Ma'am Cora sa grupo ko ng matapos na namin ang defense. "Mukhang natuwa sainyo ang mga teachers."
Napangiti ako sa sinabi ni Ma'am Cora. Sa totoo lang ngayon pa lang ako nakakahinga ng maluwag matapos ang defense. Kabang kaba ako kanina habang nakatayo kami sa harapan ng 3 napiling panel ni Ma'am. Proposal defense palang kasi puro terror na ang kinuha nya kaya tuloy tinadtad kami ng tanong kanina.
"Salamat ma'am!" ngiti ko.
"Puro terror naman yung kinuha nyong panel ma'am! Nakakanginig ng tuhod!" reklamo ni Bea.
"Maganda na iyon para sa final defense pag natapos nyo na ang thesis nyo ay hindi na kayo matetensyon katulad ngyon."
Umalis na si ma'am at nilapitan yung 5 pang grupo na susunod saamin para i-brief sila sa mangyayari. Abot hanggang kila Elsa yung madedefense ngayon, tingin ko ay bago mag-lunch tapos na sila kaya aantayin ko nalang si Elsa para sabay na kaming kumain ng pananghalian.
"Hay! Jusko! Sa wakas tapos na kami magdefense! Langya! Akala ko hindi kami aabutin!" sabi ni Elsa ng makalabas ng calssroom kung saan nagdedefense.
"Kamusta?" tanong ko.
"Ayun! Sa awa ni Lord, nairaos namin at mukhang okay naman." aniya.
Tumango ako at inaya na syang kumain ng lunch kung saan kami makakahanap ng pwesto. Mahirap kasi humanap ng kakainan dito palaging punuan kaya minsan mas okay kung magbabaon ka. Pero dahil sa sobrang pagmamadali ko kanina, nakalimutan kong kunin yung lunch na ginawa ni Manang para saakin.
"Saan tayo kakain? Sa extension o sa u-mall? Puno din kasi dyan sa cafeteria!"
Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko at sinilip kung may text bang galing kay Travis. Napangiti ako ng makita kong meron.
Travis:
How's the defense? Mag-lulunch na. Kumain ka na. May klase pa ako hanggang 1 eh. I miss you and I love you. Bakit ba kasi late kang ipinanganak?
Natawa ako sa huling linya ng text nya. Baliw talaga ang isang ito.
Me:
It is not my fault Travis. Stop texting me! May klase ka pa diba?
Mabilis muli syang nag-reply. Kumunot ang noo ko, hindi yata nakikinig ang isan =g ito sa klase.
Travis:
How can I stop texting you when you're replying? I miss you seriously. Gusto kitang sabayan sa lunch.
Me:
Travis! Wag ngang matigas ang ulo mo! Hindi na ako magrereply!
Travis:
No. No. Nakikinig ako, I swear baby, please don't stop replying.
Ngumiti ako at isinuksok na muli ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko. Alam kong pag nagrelpy ako mamimihasa lang ang isang ito at baka hindi na makapag focus kahit ba matalino sya kailangan nyang makinig parin.
"Huh? Punta nalang tayo ng extension tapos mag-take out nalang tayo at sa room nalang kumain?"
Tumango si Elsa at naglakad na kami patungo sa extension canteen na nasa gate 2 nitong university. Di naman ganoon kalayuan yung gate 2 mula sa school namin kaya mabilis bilis rin kaming nakarating doon.
BINABASA MO ANG
Blue Faded Jeans (IS #1)
General FictionNakakatawang isipin na madalas tayong ma-inlove sa isang taong imposible. Yung tipong akala mo abot kamay mo na pero hindi pa pala? Yung feeling mo sobrang lapit mo na pero ang layo pala? Yung feeling mo na ikaw na talaga pero may iba pa pala? Yung...