Bilang 27

34 0 0
                                    


Medyo excuse me lang po...

---------

Bilang 27

I Know


Isa isa ng nagpaalam ang kaklase at iilang kaibigan ko saakin ng lumalim na ang gabi. Panay ang lingon nila kay Travis na nakatayo lang saakin gilid.

"Uhm... H-Happy birthday uli, Ylia. Nag-enjoy kami." sabi nung isa kong kaklaseng lalaki habang pa-simpleng sumusulyap kay Travis.

Nilingon ko si Travis at nagkibit balikat lamang ito at ngumiti.

Unti unti naring nawala ang mga bisita, huling lumabas si Elsa mula sa loob ng bahay at hinatak ako ng bahagya mula kay Travis.

"Akala ko, break na?" tumaas ang kilay nya.

Umiling lamang ako at ngumiti. Mahabang paliwanagan ito.

"Ay ang gulo!" ginulo nya ang kanyang buhok. "Sige na ha? Magkwento ka nalang pag may time. Happy birthday!"

"Salamat. Ingat ka sa pag-uwe."

Kumaway sya at tuluyan ng lumabas ng aming bakuran,

Binalikan ko si Travis na ngayon ay nakaupo na sa isa saaming mga benches.

"Nagtataka ako kung bakit di ako binanatan ng mga bodyguards mo."

"I don't know." sabi ko. Kasi hindi ko naman alam, basta ang alam ko lang nag-exist silang dalawa sa buhay ko to push away Travis from me. Pero ngayong gabi, ni isang kibot ay wala silang ginawa.

"Or maybe your dad is okay with us, what do you think?" nakangiti ito.

"Wag kang mag-assume! Kailangan parin nating makausap si papa."

"I know, it's just that I'm happy with the idea that he might be okay for what we have. To what I am to you and to what you are to me."

Tumango ako at inihilig ang ulo ko sakanyang balikat. Agad namang pumulupot ang kanyang braso saakin.

"Salamat sa pagdating." sabi ko at sumisik pa lalo sakanya.

"Papalagpasin ko ba ang pinaka importanteng araw ng pinaka importanteng babae saakin ngayon? Syempre hindi."

He rubbed his hand to my arm.

"Ylia.."

"Hmmm?"

"Ito na ang huli mong pag-susuot ng ganitong dress. Maganda ka sa soot mong to, but your skin is too exposed, I don't like it."

Tiningala ko sya at nakita kong kumunot ang kanyang noo.

"I thought you like it." ngumisi ako.

Umigting ang kanyang panga. "No.." umiling sya.

Kinintilan nya ako ng halik sa labi bago tumayo.

"Pumasok ka na."

"Aalis ka na?" tanong ko.

Tumango ito at hinaplos ang aking pisngi.

"Gabi na, kailangan mo ng magpahinga. Tatawagan nalang kita bukas."

Tumango ako na sya naman pag gulo nya saaking buhok.

"See you on monday baby."

Pumasok na ako sa loob ng aming bahay, abala parin sila manang sa pagliligpit, dumiretso ako ng kusina para uminom ng tubig. Doon ko natagpuan sila John at Albert na nakaupo at tahimik na kumakain.

Blue Faded Jeans (IS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon