Bilang 40

47 2 0
                                    

Bilang 40

Akin

"Seryoso?"

Hindi makapaniwala si Clark habang kinukwento ko sakanya ang gustong mangyari ni Travis para makuha naming ang kanyang approval sa business proposal.

"Seriously? Baka naman gusto ka lang nyang makasama!"

"Wag mo akong paasahin!" Angil ko sakanya.

Humalukipkip sya at tinaasan ako ng kilay.

"So umaasa ka nga? Gaga ka ba? Akala ko okay ka na?"

Tumayo ako at kumuha ng tubig sa ref. Wala naman akong sinabing okay na ako. You see? 6 years na ang nakakalipas pero nahihirapan parin akong pakiharapan si Travis.

Dapat sa loob ng anim na taon ay handa na ako pero up until now ay hindi pa rin, na para bang yung simpleng paglalapit lang ng distansya namin sa ngayon ay papatayin na ako sa susunod.

"I never said that."

Nagkibit balikat lamang si Clark.

"You should put all your shits together Ylia before we go back to Manila. Baka nakakalimutan mo na may Victor kang iniwan doon at pinapaasa."

Doon ko lang naalala si Victor. Pumikit ako ng mariin at inaalalang bakit nga ba ako napa-oo? Dapat sinabi ko nalang na hindi pa ako handa. Mabuting tao sa Victor at alam kong maiintindihan nya iyon. Pero ng mga oras na iyon ay wala akong puso na tanggihan sya sa harap ng maraming tao.

Napalingon ako sa ibabaw ng mesa ng marinig kong tumutunog ang aking cellphone. Agad ko itong kinuha at tinignan ang kung sino ang tumatawag. It was tito Johnny.

"Hello, tito?"

"Hija? Nasa Indang ka na ba?"

"Yes po, bakit tito?"

Narinig kong para syang may kausap sakabilang linya kaya hindi muna ako nagsalita ulit at hinintay silang matapos ng kanyang kausap. Basta ang naririnig ko lang ay ang pagak na pagtawa ni tito sakanyang kausap at ang pagsasabing nitong,

"Calm down, boy. You're too excited, wag mo naman masyadong ipahalata."

"Are you still there, Ylia?"

"Yes, tito."

"Oh good, I'm sorry about that, may makulit kasi akong kliyente dito. He's a just a bit older than you. Buti nalang ay hindi ka ganito kakulit, sumasakit ang ulo ko."

Humagikgik ako. Now I know why papa is friends with him, he's jolly and funny, total opposite ng papa. Balance sila pag pinagsama.

"Bakit po kayo napatawag? Is there any problem po ba?"

Hindi ko alam pero until now, sakabila ng huling pag-uusap naming dalawa tungkol sa bahay naming dito sa Indang ay umaasa parin akong papayag ang may ari na ibenta ito pabalik saamin.

"Oh yes yes, hija, kaya ako napatawag ay kailangan natin mag-usap. Pupunta ako dyan sa Indang bukas. I need to tell you something."

Siguradong importante iyon dahil hindi naman mag-aaksaya ng oras ang tito na bumamyahe mula Manila patungo dito sa Indang.

"I'll see you there, okay? Take care, bye."

Maaga akong nagising kinabukasan, naabutan ko si Clark na nasa kusina habang sumasayaw na nagluluto. Naalala ko tuloy yung napanood naming movie yung Fifty Shades of Grey, may ganitong scene doon, yung nagsasayaw yung bidang babae sa kusina tapos pinapanood sya nung bidang lalaki.

Blue Faded Jeans (IS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon