Bilang 48

40 1 0
                                    

Bilang 48

Milk and Diapers

Malapad ang pagkakangiti ni Travis habang pinagmamasdan akong palakad lakad sa kusina at inaasikaso ang pagkain naming dalawa habang soot ang kanyang polo. Ilang beses pa kong umirap sakanya na ikinatawa nya lamang.

"What? I'm sorry. I just can't help it. Mas lalo ka kasing gumanda sa damit ko." Aniya.

Hindi ko na lamang sya pinansin at ipinagpatuloy ko na lamang ang paghahanda ng aming pagkain. Muli ko syang sinulyapan at nakita ko syang may kausap na sa cellphone.

Nagprito lamang ako ng manok dahil yun lang ang nakita ko sa ref na medyo madaling lutuin. Matapos magluto ay agad akong naghanda sa lamesa, he even helped me while he keep on brushing himself to me.

"Travis!" I hissed. Tumawa sya.

"What? I'm not doing anything." Depensa nya. Naningkit ang aking mga mata at pinakatitigan sya.

"Really? I'm telling you that you are not getting any tonight again!" Humalukipkip lamang sya at sumandal sa bar counter.

"It's okay. I'm sure I'll be getting a lot after the wedding and you can't say no, Misis."

Nanginig ang aking tuhod matapos ang huling sinabi nyang salita. Bumilis agad ang tibok ng puso ko. Napailing na lamang ako saaking sarili dahil para akong bumalik sa highschool na kahit simpleng salita lamang ni Travis ay nanghihina agad ako.

"Kumain na tayo." Aya ko.

Agad na umupo si Travis, he even pulled my chair closer to him.

"Now, you're being clingy."

Ngumisi lamang sya at sya na ang nagsandok ng pagkain saaking pinggan. Habang kumakain kaming dalawa ay panay lamang ang kwento nya sa nangyari sa makalipas na anim na taong wala ako rito sa Indang. Nagulat pa ako ng simulan nya ang pagkwekwento, dahil naalala ko kung paano rume-rehistro ang pait sakanyang mukha sa tuwing nauungkat ko ang mga bagay noon.

"Travis?"

"Hmm?" nag-angat sya ng tingin saakin.

I don't know if I should ask this, but I needed to know.

"What... what happened to you after I left?" Natigilan sya saaking tanong. Para tuloy gusto kong bawiin ito at hayaan na lamang syang i-kwento kung ano lang ang gusto nyang balikan noon.

I should take consideration to his feelings too.

"You don't have to----"

"Nawasak ako." Huminga sya ng malalim.

"Hindi ko alam kung saan ko pupulutin ang sarili ko nong nawala ka Ylia. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang hanapin ka noong mga panahong iyon. Madalas akong pumunta sa bahay nyo, nag-aabang, umaasang isang araw babalik ka. Pero hindi ka bumalik. Lumipas yung mga taong iniisip ko kung paano ko bubuuin ang sarili ko kung ang parte nito ang wala na at iniwan na ako."

Nanginig ang aking mga kamay. Hindi ko alam kung paano ko sasabihing na ginusto ko namang bumalik noon, pero natatakot akong madatnan ko sya na masaya na sa piling ng iba.

"Minsan, sa loob ng 6 na taon, gusto ko ng sumuko pero kasi hindi ko magawa, kasi kahit ikaw yung nang iwan, alam kong gagawa parin akong paraan para balikan ka. Kahit ilang beses ka pang umalis. Wala akong pakielam basta babalikan kita."

"I'm sorry, Travis." Inabot nya ang aking mukha at pinunasan ang aking mga luha.

"Yoou don't need to say sorry Ylia. You're here now, and we're getting married. That makes everything okay.

Blue Faded Jeans (IS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon