Bilang 8
Painful
"Anong nangyari sayo, Ylia?"
Nataranta ako ng bigla akong may nakasubong na kaklase ko pagpasok sa CvSU Science High.
"Huh?"
"Umiyak ka ba?" tanong pa nito.
Napahawak ako sa mga mata ko at bahagya itong pinunasan.
"Uhm, Hindi. Napuwing lang ako. Sa oval kasi ako dumaan, mahangin eh."
Tumango lang ito ngunit nanatili paring hindi inaalis ang tingin saakin. Tumalikod na ako at mabilis na tumakbo papunta sa classroom.
Nakakainis! Nakakainis! Hindi ako makapaniwalang umiiyak ako dahil sa playboy na si Travis Dela Serna! Gusto kong sampalin ang sarili ko para matauhan. Pero natatakot parin akong makumpirma kung ano yung nararamdaman ko dito sa dibdib ko.
"Ylia! Saan ka galing? Wait..."
Umiwas na agad ako ng tingin sakanya.
"Galing akong CAS, ipapa-consult ko sana yung chapter 1 ng thesis, kaso may klase si Ma'am." napasinghap ako ng maalala ko nanaman yung eksenang naabutan ko kanina.
"Okay ka lang?"
Tumango tango ako at nanatiling hindi nakatingin sakanya dahil sigurado akong mapapansin nyang umiyak ako.
"Uhm."
"Oo nga pala. Wala na tayong klase mamayang hapon. Research break. Uuwi ka ba o mag-stay ka dito?"
Buti nalang at hindi narin nangulit si Elsa at hinayaan nalang ako. Naramdaman nya narin siguro na wala ako sa mood.
"Uuwi na ako. Sasabay ka ba?"
Umiling sya. "Hindi na. Mag-stay muna ako dito. Mauna ka na."
Ngumiti ako sakanya at sinukbit yung bag ko at nagpaalam na sakanya.
"Ylia..."
Humarap ako sakanya. "Hmmmm?"
"Kung ready ka na mag-sabi, magsabi ka ha?"
Ngumiti ako sakanya, tsaka tuluyan ng umalis ng school.
"Maaga ka ata ngayon hija?" tanong ni Manang pagkapasok ko sa loob ng bahay.
"Research break po namin ngayon, Manag. Kaya walang klase ng hapon. Wala naman po akong gagawin doon kaya umuwi na ako."
Tumango lang ito, "Gusto mo ng meryenda?"
"Sige po. Si Papa?"
"Nanatiling nasa Mendez hija. Baka mamaya umuwi na sya."
Pinaghain na ako ni Manag ng meryenda, pumunta ako sa sala at nagsalang ng DVD pamapalubag loob, gusto kong mabura sa isipan ko kung anong nangyari kanina.
Pero bigla kong gustong basagin yung flatscreen namin ng makita ko yung pelikulang naisalang ko. Isang lovestory isang babaeng nahulog sa playboy. WOW AH. What a coincidence. Masyado namang isinasamapal saakin ang katotohanan.
Sa buong movie ipinakita kung paano na-fall yung babae dun sa playboy. SI playboy naman nagpapakita ng signs na sasaluhin nya si girl pero sa dulo, hindi. He cheated. Niloko nya yung babae. Pinaiyak nya ito at hinayaang masaktan. Pinaasa nya yung babae. Kung sana wala naman pala syang balak saluhin yung babae in the first place, sana di nya nalang pinaasa. Sana sinabi nya agad!
Naramdaman kong tumulo na yung mga luha ko sa mata. Dinampot ko yung remote at pinatay ang palabas. Pinunasan ko agad ang luha ko. Ayoko ng ganito. Ayokong ini-invade nya yung buong pagkatao ko. Dahil alam ko, pag ipinilit ko kung ano man yung nararamdaman ko para kay Travis, I will end up like the girl in the movie.
"Ylia."
"Manang."
"Umiiyak ka ba hija?"
Humalakhak ako. "Nakakaiyak po kasi yung palabas."
"Kaya ba pinatay mo? Dati naman hindi ka naapektuhan sa ganyan." ngumiti si Manang "Ayos ka lang ba hija?"
Tumingin ako kay Manang. Kailangan ko ng mapapagsabihan. Gusto kong mailabas lahat ng nararamdaman ko sa loob ko. Gusto kong pagaanin kahit papaano ang bigat sa dibdib ko.
"Okay lang po ako. Medyo nadala lang talaga sa movie."
"Epektibo talaga ang mga ganyan palabas sa kabataan ngayon. Lalo na't mas maaga ng naiinlove ang mga kabataan." tumango tango si Manang.
"Manang..."
"Hmmm?"
Lumunok muna ako bago ko maitanong yung kanina pang tanong na naglalaro sa aking isipan. "Paano mo po ba malalaman kung inlove ka na?"
Pumungay ang mga mata ni Manang, mabilis nyang hinawakan ang mga kamay ko at marahang hinaplos haplos ito.
"Malalaman mong inlove kakapag sumasaya ka pag-nandyan ka. Bumibilis ang tibok ng puso pag malapit sya o nakikita mo sya. Nasasaktan ka kapag may nakikita kang nagpapasaya sakanyang iba." ngumiti si Manang. Pero imbes na gumaan ang nararamdaman ng dibdin ko, lalong bumigat. Lalo akong nakaramdam ng takot. Lalong pakiramdam ko ayoko munang makita si Travis Dela Serna.
"Ang umibig ang isa sa pinaka masayang madadama mo sa iyong buhay Ylia, pero yun din ang magiging masakit sa oras na masaktan ka. Pero parte iyon ng pag-ibig." tumayo na si Manang. "Oh sya. Pupunta muna akong kusina, may kailangan ka pa ba?"
Umiling lang ako. Tuluyan ng umalis si Manang.
Gusto kong tuktukan na ang aking sarili. Ayokong paniwalaan. Napaiyak ako. Ayoko nito nararamdaman ko dahil wala tong kasiguraduhan. Pagdating kay Travis wala tong kasiguraduhan. But I can't deny it anymore. I'm inlove. I'm inlove with him. I'm inlove with Travis Dela Serna and that's the most painful thing right now.
BINABASA MO ANG
Blue Faded Jeans (IS #1)
General FictionNakakatawang isipin na madalas tayong ma-inlove sa isang taong imposible. Yung tipong akala mo abot kamay mo na pero hindi pa pala? Yung feeling mo sobrang lapit mo na pero ang layo pala? Yung feeling mo na ikaw na talaga pero may iba pa pala? Yung...