Bilang 36
Finally Home
"Okay na ba ang lahat? Sigurado ka na bang lahat ng kailangan mo ay nailagay mo na?"
Ngumisi ako at pinagmasdan si Victor na nakapa mewang at tinitingnan lahat ng gamit kong nakalagay sa dalawang malaking maleta.
"Yes, sir."
"You sure? Baka may nakalimutan ka pa?"
Tumawa ako. "You sounded like my father, Vic. Calm down. Kung sakaling may kulang man dyan, maaari naman akong bumili doon, hindi naman ganoon kaliblib ang Indang!"
Ngumisi sya at humalukipkip. "Uh, sorry? I'm trying to sound like your boyfriend."
Natahimik ako at mariin syang tiningnan. It's been two weeks since the day he asked me.
Mabilis itong kumalat sa opisina. I know some are disappointed because they like Victor for themselves but most of them are happy for us. Bagay daw talaga kami, since Victor is the best, he too deserves the best. But I guess they are all wrong.
Maging si Sir Sam ay tinutukso kami sa tuwing nakikita kaming magkasama.
Pero isa lang ang malinaw sa ngayon, hindi pa kami. Walang kami.
"I know." Aniya sabay gulo saaking magulo ng buhok.
Sabay kaming napalingon sa pintuan ng marinig kong may nag doorbell.
"I'll get that." Mabilis kong sabi.
Tinakbo ko agad pababa ang pinto at binuksan ito, bumungad agad saakin ang nakabusangot na mukha ng aking bestfriend na may hawak na dalawang malaking bag at isang maliit.
"Clark!" malapad ang ngiti ko.
Inirapan nya ako. "Don't Clark me! Naiinis pa din ako sayo! Bakit hindi nalang si Victor kasi ang isinama mo?"
Humagalpak ako ng tawa.
"I heard my name."
Nalaglag ang panga ni Clark habang palipat lipat ang tingin saamin ni Victor na ngayon ay nasa likuran ko na.
Gusto ko na agad tampalin si Clark dahil alam ko na ang tumatakbo sa isip nya. Nakasoot kasi ako ng isang over sized shirt at magulo ang aking buhok habang si Victor ay casual lamang ang soot.
Ngumiti si Victor at agad na lumapit kay Clark.
"Let me help you." Aniya at mabilis na kinuha ang mga dalang bag ni Clark at nauna ng pumasok sa loob ng aking bahay.
"What the hell Ylia! Akala ko dalagang Pilipina ka?" Pinanlakihan nya ako ng mata.
Sinabunutan ko sya. "Shut up! Alam ko ang iniisip mo ha. Ang lumot talaga ng utak mo! Nothing happened, okay?"
"Weh? Eh anong ginagawa ni Victor dito?" tanong nya habang naglalakad papasok sa loob.
"He came here early in the morning. Tinulungan nya akong mag empake ng gamit."
Napangiti nanaman ako ng maalala kong mas magaling pang mag empake ng damit saakin si Victor, alam nya kung paano tutupuin upang magkasya sa mga maleta ko ang aking mga damit, alam nya yung mga hacks para hindi mukhang bloated ang aking mga bag.
Tumaas ang kilay ni Clark. "Kayo na ba?"
Umiling ako. "Nope."
"But why? Jusko naman Ylia! Ayan na ang palay, tutukain mo nalang! Bakit ba hindi mo pa sagutin?"
"I think I'm not yet ready." Mahinang usal ko.
"Kailan ka pa magiging ready? 6 na taon na bakla! Move on! At ngayon babalik ka na sa Indang dapat okay ka na eh! 3 month rule nga lang yung sa iba, ikaw 6 years na, OA na yan ha."
Alam ni Clark ang lahat. Kinuwento ko sakanya lahat ng nangyari saakin bago kami napadpad dito sa Manila. He knew about Travis. He knew everything about us and what happened.
Panay ang tukso ni Clark kay Victor ng inaya na kami nitong mag almusal bago umalis. Iling at tawa lamang ang isinasagot ni Victor sakanya at ang mga salitang,
"I'm willing to wait. I know Ylia is worth waiting for."
Tinulungan kami ni Victor sa paglalagay ng lahat ng gamit namin sa sasakyan ni Clark.
Nauna ng sumakay si Clark habang naiwan naman ako para magpaalam kay Victor. I locked all the doors of the house at siniguradong kong secured ang aking kotse sa loob nito. Nagbilin narin ako sa guard kanina na mawawala ako ng matagal. Ipinangako rin ni Victor na pag may oras sya, he'll check the house.
"Thank you for coming over, Vic."
Ngumiti sya. "Anything for you. You take care okay?"
Tumango ako at ngumiti.
Inabot ako ni Victor at mabilis na kinulong sakanyang mga bisig.
"I'll miss you." Mahina nyang inusal at hinalikan ang aking buhok.
Tumawa lamang ako.
"Text, call or video call, aright?" bilin nito.
Pumikit si Victor at mabilis akong hinalikan muli saaking noo.
Agad na akong sumakay sa sasakyan ni Clark na mabilis nitong pinaharurot palabas ng subdivision.
"You should give that guy a chance, Ylia. He's one of kind."
Hindi na ako sumagot at tumahimik na lamang habang nakatanaw sa bintana.
Sa oras na makabalik ako mula sa Indang at naging okay lahat, pangako, bibigyan ko na ng pagkakataon si Victor, maging ang sarili ko.
Halos kulang dalawang oras lang ang naging byahe naming ni Clark mula Taguig patungong Indang dahil sa S Luzon expy naman kami dumaan. Nag drive thru nalang rin kami para hindi nanamin kailangan bumaba pa ng sasakyan.
"Saan nga pala tayo tutuloy sa Indang?" tanong ni Clark habang sumusubo ng fries.
"Doon sa dati naming bahay."
Bago kami umalis patungong Indang, tinawagan ko si tito Johnny para magtanong kung may alam syang bahay na maaari naming pansamatalang tuluyan ni Clark habang nasa Indang kami, ganoon na lamang ang gulat ko ng sabihin ng tito na maaari kaming tumuloy sa dating bahay namin dahil pumayag daw ang may-ari nito.
"Oh? Akala ko wala na iyon?" subo uli sya ng fries.
Nagkibit balikat na lamang ako at muling tinoon ag pansin ko sa bintana.
Unti unti ng nagiging pamilyar yung daang tinatahak namin. Unti unti ng nagiging malinaw saakin ang bawat tanawin na matagal ko ng hindi nakikita.
Marami ng nagbago, naging mas konkreto na ang mga daan, bago narin ang mga pinturang nakalinya sa bawat gilid noon pero kahit ganoon, nanatili parin ang mga punong gustong gusto kong nakikita sa tuwing bumabyahe kami ni papa.
Kumalabog ang aking dibdib ng matanaw ko ang tarpaulin sa isang gasolinahan na nakaimprinta ang malalaking letra ng salitang Indang.
"Not bad." Ngisi ni Clark habang tinatanaw ang matatayog na puno na aming nadadaanan.
Ngumiti ako. Pakiramdam ko ay matagal akong nagbakasyon sa kung saan at ngayon pa lamang ako makakauwe.
Halo halo ang aking nararamdaman. Hindi ko alam kung saan ko ipipirmi ang aking sarili. Akala ko ay hindi na ako babalik sa Indang. Pero nagkamali ako, dahil sa bawat pagtatapos talaga ng araw kung sa buhay ng bawat isa, kahit gustuhin man natin o hindi, babalik at babalik ka kung saan ka nagmula.
At ngayon, pabalik na ako sa lugar kung saan ako nagsimula, kung saan ako lumaki, kung saan ko nakilala ang aking mga kaibigan, kung saan ako natuto, at kung saan sa kuna unahang pagkakataon nagmahal ako at nasaktan.
Today, I'm officially back to Indang and there's no turning back anymore.
I'm finally home.
BINABASA MO ANG
Blue Faded Jeans (IS #1)
General FictionNakakatawang isipin na madalas tayong ma-inlove sa isang taong imposible. Yung tipong akala mo abot kamay mo na pero hindi pa pala? Yung feeling mo sobrang lapit mo na pero ang layo pala? Yung feeling mo na ikaw na talaga pero may iba pa pala? Yung...