Bilang 44

52 1 1
                                    

Bilang 44

Say Yes

Panay lamang ang irap ko kay Travis sa tuwing nahuhuli ko syang nakatingin saakin habang nagtrarabaho kami. Hindi parin kasi ako makapaniwala na mula sa pagkakahiwalay ng aming mga opisina ngayon ay nasa loob na ako mismo ng kanyang opisina at doon ako nagtratrabaho. Overused of power!

"Baka tumirik na ang mata mo nyan." Tawa nya.

Muli ko syang inirapan. Agad kong dinampot ang aking cellphone ng mag-ring ito, sinilip ko at nakitang si tito Johnny ang tumatawag. Agad akong tumayo para sa labas sagutin ang tawag. Ilang araw kasing na-delay ang dapat na pagpunta ni Tito Johnny dito sa Indang.

Tinaasan ko ng kilay si Travis ng bigla nya akong harangin.

"What?" tanong ko.

Simple syang sumulyap sa cellphone ko. Umirap ako.

"Abogado to ng aming pamilya. Pwede ba, Travis." Iwinagayway ko pa sakanya ang cellphone para makita nya ang pangalan ng tito.

Tumango sya at pinadaan na ako palabas.

"Hello, tito?"

"Ylia, hija! Are you busy?"

Umiling ako. "Hindi naman po."

Nakita kong pumasok si Christopher, ngumti sya saakin at kumaway ganoon din ang ginawa ko.

"Good! Nasa tagaytay ako hija, matapos kong kausapin ang kliyente ko dito ay dyan na ako didiretso. Magkita na lamang siguro tayo, around dinner?"

"Sure tito, see you and ingat po."

Pinatay ko na ang tawag at tiningnan ang cellphone ko kung may mensahe ba akong hindi pa nababasa. Naiilang kasi akong gumamit ng cellphone sa harap ni Travis dahil panay syang nakatitig saakin at nakakunot ang noo.

Hindi naman ako gumagamit ng cellphone hanggang di ko tapos ang trabaho kaya wala naman syang masasabi saakin.

Nakita kong may iilang text na si Victor saakin at nangangamusta. Agad akong tumipa ng reply para sagutin ang bawat text nya. Sinabi ko na rin na baka gabi ko na syang maayos na makausap dahil sa trabaho.

"Di ka pa ba papasok? Maraming trabaho." Silip ni Travis mula sa pintuan.

Tinaasan ko lamang sya ng kilay at nilampsan papasok sa pinto. Wala akong panahon magpaliwanag sakanya kung bakit ako tumagal.

Mabilis kong tinapos ang mga dapat kong gawin ngayong araw. Puro lamang naman inventory iyon ng mga gamit dito sa talyer at iilang reports.Kung ito ang main office nila Travis, saan nanggagaling ang mga reports na ito? At nasaan ang mga gumagawa? Naguguluhan na ako.

"Tapos ko na lahat." Inilapag ko lahat ng papeles na ipinaasikaso nya saakin buong maghapon.

Sumilip si Travis sa orasan na nakasoot sakanyang palapulsuhan at muling tumingin saakin.

"Maaga pa ah? May lakad ka ba?"

Alas kuwatro pa lang ng hapon, ang uwi ko kasi ay saktong ala singko.

Bumalik na ako saaking mesa at sinimulang ayusin ang mga nagkalat na gamit sa ibabaw  nito. Sinave ko na rin ang bawat file sa computer bago ko ito patayin.

Tahimik lamang na nakatitig saakin si Travis habang pinaglalaruan ng kanyang mga daliri ang kanyang pang-ibabang labi.

Nakalimutan kong ako nga pala ay empleyado dito at si Travis ang boss ko. Na dapat bago ako gumawa ng bagay bagay ay nagpapaalam muna ako.

"I'm sorry. Nakalimutan kong magpaalam sayo..."I cleared my throat. "Kailangan kong mag-out ng maaga. I have to meet someone."

Tumaas ang kilay ni Travis. "Sino? Gaanoon ba ka importante para makalimutan mong ipagpaalam sa boss mo na aalis ka ng maaga? Where's your employee etiquette, Miss Mendoza?"

Napapikit ako ng mariin. I know, I know it's my fault. Hindi ko naman nakaugalian kahit doon sa opisina sa Maynila na umalis na lamang basta basta na hindi naaabisuhan ang boss beforehand.

"I'm sorry... Sir. It's just that I got too excited upon meeting this person. I know it's not an excuse. I'm sorry."

Ibinagsak ni Travis ang likuran sa inuupuang swivel chair at pinagalaw ito. Tumango tango sya.

"I hope this won't happen again in the future. I'm still your boss and you still have a pending proposal to me."

Tumango na lamang ako at kinuha na ang mga gamit ko.

"Ylia.."

Napatigil ako sa pagbubukas ng pinto at muli syang nilingon.

"Yes... Sir?"

"Take care and please... say yes."

"HUH?"

Umiling lamang sya at hinayaan ko na at nagpatuloy sa pag-alis.

Tinext na saakin ni tito Johnny kung saan kami magkikita. Sa Kubo ni Nanay yung paborito nyang kariderya dito sa Indang.

Napangiti ako ng makita ko si tito Johnny na nakaupo na. Literal na bahay kubo kasi ang itsura ng kariderya kung saan makikita mo talaga ang loob kaya tanaw ko na agad ang tito bago pa man din ako makababa ng trike.

Sa bandang gitna nakaupo ang tito wala na itong soot na coat tanging putting polo na lamang at masayang nakikipag kwentuhan sa isang matanda na ang tantya ko ay ang may-ari ng Kubo Ni Nanay.

"Ylia!" tumayo si tito at agad akong sinalubong ng yakap. "How are you hija?"

"I'm good tito."

Ngumiti si tito at pinasadahan ako ng tingin. "Mukhang hiyang ka sa trabaho mo dito. You look good. Why don't you stay here? Tutal naman ay may balak ka naming bawiin ang bahay?"

Umiling ako. I love Indang. I'm in love with this place but I think it I'm not meant for here anymore. Maaari sigurong bumalik ako pero magandang hindi na lamang ako mananatili ng matagal.

"Kung sakaling mababago man po ang isip nya at ibenta pabalik saakin ang bahay, gagawin ko lang po sanang bakasyunan ito tito. Staying here is not good for me anymore. Gusto ko lang mabawi ang bahay sa ngalan ng papa at ng mga alaala namin doon."

Tumango ang tito habang ngumingiti sa babaeng nagse-serve ng pagkain saamin.

"Thank you."

"Pakiramdam ko magbabago ang plano mong iyan." Makahulugang wika ng tito.

Ngumiti na lamang ako at ngumiti. Buo na ang mga plano ko. Mali nga sigurong bumalik pa ako dito pero para ito sa kompanyang pinapasukan ko ang mali lang siguro na makalipas ang ilang taon yung dapat na pakiramdam na wala na ay naririto pa rin.

"About the house hija..."

Tumigil ako sa pagkain at tinignan si tito na pinupunasan ang kanyang bibig.

"The new owner of the house agreed to meet you. So na sa kamay mo na ang lahat kung paano makukumbinsi ang may-ari ng para ibenta saiyo pabalik."

And I'll do everything for him to say yes.

"But I suggest for you to say yes to whatever condition he's going to give you hija."

"I'm going to say yes tito kung wala namang lalabagin sa karapatan ko bilang tao."

Tumawa si tito.

"Oh my goodness. I should have seen you two together. You must be a perfect cpuple."

Kumunot ang noo ko. "What are you talking about tito?"

"Wala. Wala. Pasensya ka na hija. I'm imagining some things."

Ngumiti sya at hinawakan ng mahigpit ang aking kamay.

"Always remember Ylia, your happiness always matters. So whatever makes you happy go for it."

e

Blue Faded Jeans (IS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon