SIMULA
"Travis! Ano ba! Leche! Nagsisimula na yung pageant! Dalian mo dyan! Gago ka talaga. Hindi mo na sya maabutan, bahala ka dyan."
Napangiti nalang ako habang pinapakinggan ang kanina pa naiiritang kaibigan ko. Patuloy parin akong nakikipaghalikan sa babaeng nasa harap ko ngayon na nakasandal sa pader at nakasabit ang parehong kamay sa leeg ko. She's so damn sexy and hot.
Tumigil ako sandali sa paghalik sa babaeng ito na hindi ko alam ang pangalan. I'm not good in remembering people's name, lalo na't hindi naman ganoon kalapit saakin. Namumungay ang kanyang mga mata at mukhang hinihiling na halikan ko pa syang muli. Napangisi ako at hinaplos ang pang ibabang labi nya.
"Let's continue this next time aright babe? I have to do attend some errand. A very important one. See you when I see you?" I winked at her.
Impit syang napatili ng halikan ko ang leeg nya. Itinaas ko narin ang jacket nyang bahagyang nahubad habang naghahalikan kaming dalawa. Kumaway nalang ako sakanya bilang pagpapaalam atsaka tinahak ang malalagong halaman na tumatakip sa ginagawa naming milagro kanina. Yan minsan ang disadvantage pag may mga ganitong bagay sa paligid ng university. Nakakagawa ng kalokohan.
Nakangisi kong inakbayan ang kaibigan kong nakasimangot at masama ang tingin saakin.
"Ang gago mo Travis. Ikaw nanga lang nagpapasama paimportante ka pa!"
"Chill Vester. Chill! Tatanda ka kaagad nyan!" halakahak ko. Lalo lang syang sumimangot.
"Tarantado! Baka hindi mo na sya maabutan sa Gym! Kalandian mo kasi!"
Bigla akong napatigil. Oh shit! Oo nga pala yung pageant! Muntik ko ng makalimutan. Di na ako nagaksaya ng panahon at mabilis na tumakbo papuntang gymnasium.
"Ngayon nagmamadali ka?! Hay nako Travis Dela Serna!"
Sinabayan nya na ako sa pagtakbo papuntang gym.
"Gustoko yung #8. Maganda tsaka sexy pa!"
"Yung 8? Eh diba anak yan ng Mayor dito sa Indang?"
"Oo! Yan nga! Kita mo naman sa itsura diba? Makinis. Anak ng mayaman!"
Napatingin ako sa nag-uusap usap ng mga lalaki pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng gym. Mga taga tourism department. Pagtingin ko sa stage at sa pinag-uusapan nilang # 8... Nayanig ang buong pagkatao ko. Laglag ang panga ko. Bumilis ang tibok ng puso ko na halos di ako makahinga.
Lima silang contestant na nakatayo nalang sa stage at magkakahawak kamay. Yung apat na contestant college na (magkasama kasi ang highschool at college dito sa school namin) habang yung isa naman ay 4th year highschool at yun si # 8.
Lima sila, pero wala akong nakikita kundi sya lang. Na para bang wala syang kasama sa stage at mag-isa nakatayo sa gitna. Simple lang ang soot nya. Isang blue strapless gown na may silver sequins sa may bandang dibdib, light make up lang nasa mukha nya pero yung ganda nya ay lutang na lutang sa lahat. Can't blame those guys gawking at her.
"Ano, Travis? Kaya mo pa?" kantyaw saakin ni Vester habang nakahalukipkip at nakangisi saakin.
Napailing ako at napahawak sa batok. Fuck. Can't explain what I'm feeling right now.
"And this year's Ms. Teen Campus is no other than......... Number 8! Ms. Ylia Mendoza!"
Malakas na palakpakan at hiyawan ang dumagundong sa loob ng gymnasium.
"Nako! Luto yang pageant nayan! Malaki dinonate ni Mayor eh! Kaya pinanalo yan! Di hamak naman mas maganda yung pambato ng tourism!"
"Oo nga. Bias talaga yung mga ganitong competition eh."
Napatingin ako sa dalawang babae na nag-uusap. Napailing nalang ako. Basta talaga insecure madaming nasasabi. Why they can't shut they mouths? Akala mo naman ikakaganda nila yan.
Hindi ko nalang sila pinansin at muling itinuon ang pansin sa di makapaniwalang mukha ni Ylia sa taas ng stage. She's beautiful even when she's shocked. Isinoot na sakanya ang korona at sash at inabot ang kumpon ng mapupulang rosas na kasing pula ng labi nya. Napangisi ako sa ideya ng pakiramdam ng labi nya. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong mapangiti habang pinagmamasdan ang kagandahan nya mula dito sa kinatatayuan ko. She really fits to that crown, no one else.
Pinapanood ko lang sya hanggang matapos ang picture taking nya hanggang sa alalayan sya ng bodyguards niya pababa ng stage. Maraming lumalapit sakanya para batiin sya at makipag-picture.
"Mukhang malabong makalapit ka, bro. Andaming tao tapos madaming bodyguards pa!" sabi ni Vester.
Pero hindi ko pinansin ang sinabi nya at mabilis na tinahak ang daan patungo sa pinakamagandang babaeng nakita ko. Wala akong pakielam sa dami ng tao. Wala akong pakielam sa bodyguards. Lalapit ako at walang makakapigil doon.
BINABASA MO ANG
Blue Faded Jeans (IS #1)
General FictionNakakatawang isipin na madalas tayong ma-inlove sa isang taong imposible. Yung tipong akala mo abot kamay mo na pero hindi pa pala? Yung feeling mo sobrang lapit mo na pero ang layo pala? Yung feeling mo na ikaw na talaga pero may iba pa pala? Yung...