Bilang 31

40 1 0
                                    

Bilang 31

Napatawad

"Lunch?"

Tumingala ako at agad na napangiti ng makita ko si Victor na nakangiting nakatayo na sa harap ng cubicle ko.

Nilingon ko ang mga kasamahan kong babae sa department na lihim na kinikilig habang sinusulyapan si Victor.

"Sorry Vic. Ipinangako ko na kasi kay Clark tong lunch ngayong araw."

Ngumuso sya na para bang nagpipigil ng ngiti.

"Di ba ko pwedeng mag third party?"

Sinapak ko ang matigas nyang braso at inirapan sya.

"Third party ka dyan. May pag-uusapan ata kaming importante eh."

Agad kong nakita si Clark na nakatyo sa likuran ni Victor at masama ang tingin.

"Excuse me, hindi ka pwedeng mag third party because we're having heart to heart girl talk!"

Umirap ito at humalukipkip.

"But... you're not a girl." tudyo pa ni Victor.

Hilig talaga nitong asarin si Clark, pikon daw kasi ang isang ito kaya nasisiyahan syang asarin.

"Walangya ka!"

Sinuntok suntok ni Clark si Victor na panay naman ang ilag. Agad kong hinatak palayo si Clark mula kay Victor.

"Okay, children, enough." sabi ko.

"Bumalik ka na nga sa department mo!" utos ni Clark.

Tumawa si Victor, lumapit sya kay Clark at hinawakan ang kanang balikat nito.

"I'm just joking, Clark. You're beautiful." aniya.

Pumula naman ang agad ang pisngi ng marupok kong kaibigan. Alam kong medyo may karupukan ang ibang bakla pagdating tulad ni Victor, pero pakiramdam ko si Clark ang pinaka marupok dahil konting lambing lang sakanya ay okay na. Hindi man lang marunong magpa-kipot.

Agad na lumapit saakin si Victor at mabilis akong hinalikan sa pisngi. Pinanlakihan ko sya ng mata atsaka tiningnan ang mga katrabaho ko.

"Sorry! Nasanay na eh." kumamot pa ito sa batok. "So next lunch, tayo na?"

Kumunot ang noo ko.

"I mean.. ano.. uh, sabay tayong mag-lunch!"

Tumango at kinawayan na si Victor habang papaalis saaming department.

"Sinasabi ko sayo, may gusto nga sayo si Victor!" ani ni Clark marating namin ang parking lot.

"Wala no. Wag mo ngang ipilit. Walang something."

Inirapan nya ako at agad kaming sumakay sakanyang sasakyan na ako magda-drive dahil tinatamad saw syang magmaneho. Hindi talaga sya lalaki.

"Che! Sayo wala, sakanya meron. May gusto nga saiyo ang isang iyon, sinasabi ko sayo. Hindi naman sya magtyatyaga umaykat mula 2nd floor patungong 5th floor araw araw para ayain ka lang mag-lunch."

Hindi ko na sya sinagot at tinuon na lamang ang pansin sa daan. Inihinto ko ang sasakyan sa tapat ng Mamou kung saan kami madalas kumain na dalawa.

Agad kaming umorder pagka-upo naming dalawa, habang iniintay namin ang order agad kong initriga si Clark.

"Bakit panay tawag ka kagabi? Anong meron?" tumaas ang isang kilay ko.

Ngumuso sya. "Wala na kami."

Blue Faded Jeans (IS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon