Bilang 38
Grasa
Agad kong sinimangutan si Karl ng maabutan koi tong prenteng nakaupo sa kusina habang umiinom ng kape.
"Karl!"
"What? Goodness Ylia, you don't need to shout. I'm just here." Inirapan nya pa ako.
"Bakit hindi ka pa nakaayos?"
"Why? Where are we going? Uuwi na ba tayo sa Manila?"
Tatlong araw na simula ng dumating kami dito sa Indang pero ngayon palang ako magkakaroon ng tsansang makausap ang taong nasa likod ng tagumpay ng Dela Serna Automotive, kahapon lang daw kasi ito nakauwi mula sa kung saan man ito nang galling at binigyan kaming makausap sya ngayong araw, alas nuwebe ng umaga.
Sinilip ko ang malaking relo na nakasabit sa dingding at nakita kong alas otso na.
"Sasamahan mo akong kausapin si Mr. Dela Serna! C'mon, Clark."
"Bakit kailangan kasama pa ako?"
"Eh bakit ka pa nandito?"
Humalukipkip ako at inirapan sya.
"Taray! Bitch mode! Sige na, sige na. Intayin mo ako, I'll just fix myself."
Tumango ako. "Bilisan mo! Dapat at exactly 9AM ay nandoon na tayo."
Hindi na ako mapakali sa sala habang inaantay si Clark na matapos, kahit kalian talaga ay mas matagal pa syang mag-ayos kesa saakin.
"Clark! Ano ba!"
"Eto na, eto na! Magdadala ba tayo ng sasakyan?"
Umiling ako at mabilis ng lumabas ng aming bahay.
"Ay, ma'am, aalis na po kayo?"
"Goodmorning Manong Carlito! Yes po, pupunta na po kami sa Dela Serna Automotive."
Lumapad ang ngiti ni manong Carlito.
"Talaga po? Ay sige ingat ho kayo."
Tumango lamang ako at mabilis na hinatak si Clark.
"Bakit hindi tayo magdadala ng sasakyan?"
"Kasi malapit lang yun dito, dyan lang sa Tambo Kulit. Pwede na tayong mag-jeep nalang."
Nanlaki ang mata ni Clark at di makapaniwalang tinignan ako.
"Seriously? Bakit mag-jeep pa eh may sasakyan naman tayo?"
"Kasi nga malapit lang! Sayang ang gasolina."
Agad akong pumara ng trike para magpahatid sa sakayan patungo sa Tambo Kulit kung nasaan Dela Serna Automotive.
Masyado ata akong trip ng tadhana dahil panay nya akong dinadala pabalik sa mga lugar na pilit kong iniiwasan.
Sinabihan ko ang driver na ibaba kami kung saan malapit ang Dela Serna Automotive, mukhang kilala nga talaga sila dahil alam na alam ng driver kung saan kami ibababa.
"Miss, dun yung Dela Serna." Turo ni manong driver sa kanto kung saan sya huminto.
Umalpas agad ang kaba saaking dibdib ng matanaw ko ang kanyang tinuturo. Agad na nanginig ang aking tuhod.
"Are you okay Ylia? Tara na, bababa na tayo."
Tumango ako at humawak kay Clark habang pababa kami ng jeep.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko tumigil ang aking paghinga ng matanaw ko na ang napakaling pangalan ng "DELA SERNA AUTOMOTIVE" na nakapaskil. Nakapaskil kung saan nakatira dati sila Travis.
Mabagal ang bawat lakad ko, agad kong nakita ang iba't ibang sasakyan na nasa loob at iilang tao na nasa loob at abala sa pag-aayos.
"Hi... Excuse me?"
Agad na napatigil sa pag we-welding ang isang lalaki at napaangat ng tingin saaming dalawa ni Clark.
Agad nyang tinanggal ang tumatakip sakanyang mukha. Agad akong siniko ni Clark ng makitang gwapo ito.
"Shit! Buti nalang pala pinilit mo akong sumama!" bulong nya.
Sinamaan ko sya ng tingin bago bumaling sa lalaking nasa harap naming na sa tingin ko ay nasa edad na 19 pa lamang.
"Ano po yon?"
"Andito ba si Mr. Dela Serna?" napalunok ako.
Sandali syang napatigil at nag-isip.
"Ay! Sandali lang po! Kuya Allan!"
May isang lalaki ang lumabas mula sa loob at nilapitan ang binata.
"Bakit?"
"May naghahanap kay kuya." Sabay turo saamin.
"Walangya Ylia! Requirement ba dito ang gwapo dapat? Dito nalang kaya ako magtrabaho?" bulong saakin ni Clark dahil may itsura din yung Allan.
"Umayos ka nga!" bulong ko pabalik.
Humarap saamin yung Allan.
"Hinahanap nyo si Mr. Dela Serna?"
Agad akong tumango at inialok ang aking kamay.
"Yes, I'm Ylia Mendoza."
"And I'm Clark."
Nagpalipat lipat ang tingin nya saakin at sa mukha ko.
"Ylia... Mendo..za?"
Tumango ako."Yes."
"Oh! Ay sorry Miss, bawal ka daw hawakan." Sabi nung Allan.
"HUUUUH?"
Umiling ito.
"Wala po. Andito po sa loob si kuya. Tara."
"Sya yun kuya Allan?" tanong nung binata.
Ngumisi si Allan habang nakatingin saakin tsaka tumango doon sa binate."Talaga? Wow! Hello po, ako po pala si Christopher."
"Nice meeting you!" sabay naming sabi ni Clark, pero may kilig lang yung kay Clark.
Malaki ang buong kabuuan, hindi ko alam na ipinagbili pala nila Travis ang kanilang bahay.
"Sorry pero gusto ko lang sana malaman, naan na yung dating nakatira dito?"
"Sino po?" tanong ni Christopher.
"Si..."
Napatigil ako sa pagsasalita ng malakas na kalampagin ni Allan ang ibabaw ng isang Montero Sport na nakaparada kasama ng ibang sasakyan.
"Kuya, andito na yung hinihintay mo."
Dahan dahang may lumabas na lalaki sa ilalim ng sasakyan, wala itong soot na pang itaas kaya agad na bumalandra saaming yung matipuno nyang pangangatawan.
Nanginig ang aking buong katawan ng makita ko kung sino ang lalaking lumabas.
Walang ibang Dela Serna sa Indang.
"Travis.."
Agad syang tumayo mula sakanyang pagkakahiga at kinuha ang inaabot na pamunas ni Allan sakanya.
Agad nyang pinunasan ang kamay na puno ng grasa.
Napatanga ako ng makita kong puno rin ng grasa ang kanyang abs. Parang gusto ko ng mag volunteer na ako nalang ang magpupunas.
Alam kong matipuno na si Travis, pero hindi ko alam na mas gaganda pa ang katawan nya ngayon.
Nakakawala ng ulirat yung abs nyang kumakaway saamin.
Ngumisi sya at tinignan ako mula ulo h
"So it's really true, ha. My baby is not a baby anymore."
Kumunot ang noo ko.
Umiling sya habang patuloy na nagpupunas ng kamay, bakit ba yung abs ayaw punasan?
BINABASA MO ANG
Blue Faded Jeans (IS #1)
Ficção GeralNakakatawang isipin na madalas tayong ma-inlove sa isang taong imposible. Yung tipong akala mo abot kamay mo na pero hindi pa pala? Yung feeling mo sobrang lapit mo na pero ang layo pala? Yung feeling mo na ikaw na talaga pero may iba pa pala? Yung...