Bilang 45

45 1 1
                                    

Bilang 45

Seal It With A Kiss

Humugot ako ng malalim na hininga at pinagmasdan ang natapos kong inventory para sa mga bagong dating na kagamitan dito sa talyer o opisina o kung ano man ito ng mga Dela Serna.

Panay inventory lamang ang ginagawa ko dito, masyado atang minamaliit ni Travis ang kakayahan ko tungkol sa negosyo, dahil simula ng dumating ako at magtrabaho sakanya wala na akong ibang ginawa kundi mag-inventory at basahin lahat ng reports na dumadating dito.

Gusto ko ng magbalik sa maynila, hindi dahil ayokong manatili dito sa Indang kundi dahil ayoko lang na umasa na maayos pa yung kung anumang nasira saamin ni Travis noon. In the first place kaya lang din naman ako bumalik dito ay para mabawi ang bahay at tapusin ang trabahong ipinagkatiwala saakin.

Siguro ang kailangan ko nalang kay Travis ay closure. Yung tapos na, wala na talaga at hindi na talaga. Maybe after that, maybe, I can start a new with Victor baka sumaya na ulit ako tulad noon kahit hindi sya si Travis.

Kinuha ko ang aking cellphone mula sa bulsa at tinignan kung may tawag dito o miski text lamang. Napabuntong hininga na lamang ako ng makita kong wala pa rin hanggang ngayon. Ang sabi kasi ng tito Johnny ay agad akong kikitain ng kasalukuyang nagma-may ari ng bahay matapos naming mag-usap. Pero tatlong araw na yung nakakalipas hanggang ngayon ay wala parin.

Maging si Travis ay wala rin rito dahil may kliyente itong kikitain kung saan. Buti sana nga kung kliyente, pero malakas ang pakiramdam ko na babae iyon. Madaling madali sya sa pag-alis at malapad pa ang pagkakangiti nito at para bang excited pa ito. Hindi naman sya magkakaganyan kung hindi babae ang dahilan, diba?

And now I'm wondering too if he's like that when we are still together.

Nakita kong lumabas mula sa loob ng bahay si Cloud. May bitbit itong gitara sakanyang likuran at isang itim na backpack.

"Alis ka na?" Tanong ko.

Madalas na umaalis si Cloud. Hindi ko alam kung saan sya nagpupunta, pero sa tingin ko ay alam lagi ni Travis kung saan sya nagpupunta dahil madalas silang mag-away tungkol dito. Hindi naman ako makapagtanong dahil pakiramdam ko ay wala ako sa lugar upang magtanong sakanya.

Sinamahan ko sya hanggang sa paglabas ng kanilang talyer. Nakita kong nag-aabang doon si Christopher na nakasandal sa isang pulang Toyata Vios habang pinaglalaruan ang isang susi.

Totoo ang sinabi ni Clark noon, if Allan is handsome already well Christopher is way more handsome than him. At the age of 19, maganda na agad ang pangangatawan nito. Pwede nga syang underwear model if ever. Maraming mababaliw sakanya

If Travis and I are still together at nalaman nyang ganito ang iniisip ko tungkol sa bata nya, siguradong magagalit iyon. At sasabihing dapat sya lang ang iniisipan ko ng ganoon.

Ha. Pero hindi na kami, so I guess it's okay if I think like this. Wala naman sigurong magagalit.

"May girlfriend ka na ba Tope?"

Okay. Why the hell did I ask that?

"Ano po?"

I waved my hand to dismiss the subject.

"Wala. Wala."

Binalingan ko si Cloud na nakakunot ang noo habang nakatitig saakin.

"Ingat ka."

Tumango sya at hinalikan ako sa pisngi. Marahas nyang kinuha ang susi sa kamay ni Christopher na tumawa lang at umatras upang makapasok sya sasakyan.

Kumaway pa ako kay Cloud bago tuluyang umalis ang sinasakyan nito.

"Gusto mo sya, ano?"

Tinignan ako ni Christopher. Nakasoot sya ng ising itim na v-neck t-shirt kaya nakita kong may tattoo sya sa collarbone nya na Arabic characters ata. I wonder what does it means.

Blue Faded Jeans (IS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon