Chapter 15- I’m back
Nawala ang sakit ko kinagabihan, kaya naman maaga akong nagising kinabukasan. Pagbaba ko sa kusina para sana i-check sina Travis ay naabutan ko na si Tita na nagluluto sa kusina.
“Good morning po,” bati ko sa kanya.
Nilingon niya ako saka ngumiti din sakin at bumati. “Good morning, hija. Tara, let’s eat na. I cooked for our breakfast.” Saka niya inutusan ang isang maid na iprepare na ang dining table.
“Si Trave po?” tanong ko. Tinulungan ko na rin yung maid na magasikaso, nakakahiya naman kasi kung tutunganga lang ako don at maghintay na kumain nalang kami.
Ngumuso siya, ang cute talaga ni Tita. “Ayun nga e, ang tagal bumangon talaga ng batang ‘yon.” Umiling-iling pa siya. “Teka, papasok ka na ba ngayon?”
Hinayaan na niya na ang mga maid ang mag-ayos don, ngayon ay nakatingin na siya sakin.
“Opo, kaya uuwi na rin po ako agad para makapag-ayos. Pero mamaya pa naman pong 10 am ang unang klase ko.” Sabi ko. Naalala ko kasi kaninang, Friday ngayon at hindi naman maaga ang pasok ko kaya uuwi muna ako, wala kasi akong dalang uniform nung pumunta ako dito. Isa pa, ayoko nang makaabala.
Nahiya na nga ako dahil nabasag yung mga plato at baso kahapon kahit alam kong wala akong kasalanan. Hindi ko nga alam kung paano nangyari, bigla nalang nakarinig ako ng nabasag at nakita ko sa sahig yung tray at mga basag na plato at baso. Humingi nalang ako ng apology dahil ako ang gumamit no’n at ako lang ang tao do’n.
“Kaya mo na ba? Baka mabinat ka?” tanong niya saka umupo sa isa sa mga upuan. Sinenyas niya pa sakin ang isang upuan para maupo na rin do’n.
“Kaya naman po.” sabi ko habang umuupo.
“Good morning beautiful ladies!” narinig ko ang boses ni Travis sa likod ko kaya naman sabay kaming napatingin ni Tita sa kanya. Nakalahad ang kamay niya at ngiting ngiti. Bagong ligo ito at naka uniform na.
“Good morning!” bati ko nang makalapit siya sakin at halikan ako sa ulo. Naamoy ko agad ang pabango niya. Naligo ba ‘to sa pabango?
“Good morning, hijo.” Bati naman ni Tita nang siya ang lapitan ni Travis. “Take your seat na and let’s eat.”
Nagsimula kaming kumain. Nagpaalam na rin ako kay Travis na sa boarding house muna pansamantala, kahit na may kaunting part sa kalooban ko na tumututol rin sa desisyon ko. Hindi pa rin kasi nawawala sakin ang idea na baka mangyari nanaman yung nangyari nung mga nakaraang araw.
Pero kahit naman anong tanggi ko ay wala akong choice, una ay mahirap maglipat ng gamit kahit na kaunti lang ang gamit ko sa bahay na ‘yon. Pangalawa, wala pa akong nahahanap na matutuluyan kahit na sina-suggest ni Travis na sa kanila nalang ako. Feeling ko kasi ay ang pangit tingnan na nakikitira na agad ako sa bahay nila, isa pa ayokong maging abala pa sa kanila. Lalo pa, malapit na rin umuwi ang ate ni Travis. Pangatlo, ay baka maapektuhan ang schedule ko sa school at mga project dahil nalalapit na rin ang semestral break, marami nanaman sigurong nag-aabang na projects sa akin, pati maghahabol pa ako sa mga absents ko.
Nag-ayos na ako ng mga gamit ko para maka-uwi na. Si Travis ay pumasok na dahil maaga ang pasok niya ngayon. May mga oras talagang hindi kami sabay ng schedule. Late na kasi akong nakapag enroll dahil sa paglipat ko sa boarding house.
“Uhm, balik muna po ako sa bahay, tita.” Paalam ko sa kay Tita na ngayon at nanunuod ng t.v.
“Ah, ganun ba? Kelan ka babalik?” tanong niya.
“Hindi ko pa po sure e, kailangan ko po kasing humabol sa school. Pero pupunta-punta nalang po ako dito. Thank you po ha! Sorry na din po sa abala.”
“Ay oo nga, oh siya sige! Anytime, balik ka ha? Pag hindi ka na busy. Wag ka na rin masyadong magpagod, dahil kagagaling mo lang sa sakit.” Paalala niya pa saka ngumiti na ginantihan ko rin naman agad ng isang matamis na ngiti. Humalik ako sa pisngi niya saka ulit nagpaalam.
Pagkarating ko sa boarding house ay sinalubong pa ako ni Ate Sally at saglit na nangumusta. Matapos ang kamustahan ay dumeretso ako sa kwarto kung saan ganun pa rin ang itsura nang huling iwan ko. Maliban lang sa banyo nang pumasok ako matapos maihanda ang susuotin.
Nahati ang repleksyon ng mukha ko nang humarap ako sa salamin dahil sa crack na mayroon do’n.
What the fuck was this?
Hinawakan ko ang crack pero nasaktan lang ako nang mahiwa ang daliri ko sa basag na salamin. Nakita ko pa ang pagdurugo nito kaya naman, mabilis kong binuksan ang gripo at ibinabad ‘yon sa umaagos na tubig.
Hindi ko na ininda pa ang sakit at mabilis nalang akong naligo para makapag-ayos na. Kung male-late pa ako ay baka pagalitan na ako.
Naglakad lang ako papasok dahil mejo maaga pa naman at malapit lang rin ang school ko mula sa bahay. Isa pa ay hindi ako masyadong natagalan, hindi ko rin kasi nakita ngayon si Samara. Siguro ay pumasok sila.
Napagdesisyunan kong sa boarding house nalang muna ngayon habang iniisip kung paano ako mapapabilis ang pag-alis dito. Probably, sa Sunday ay magpatulong nakong humanap ng malilipatan. Kailangan ko nang makaalis as fast as I can. I don’t wanna stay here for too long. Habang tumatagal ay feeling ko mas lalo lang lumalala ang nangyayari.
Umuwi ako at nakapagdinner ng tahimik. Taimtim rin ang mundo ko sa pagtulog. Walang kahit anong kakaiba akong naramdaman. Walang gumulo sa panaginip ko. Hindi nagpoakita ang babaeng ‘yon sakin.
Hanggang sa dumating ang Sunday ay naging kalmante ang bahay. Kahit kaunti ay nabawasan ang takot na naramdaman ko dahil hindi na ito muli pang nagparamdam. Pero hindi pa rin ako nakakasiguro sa maaaring mangyari, dahil baka naman inihahanda lang ako nito sa mas malakas na pag-atake. At isa pa ay gaya nga ng paulit ulit kong sabi ay hindi ko na kayang magtagal pa sa bahay na ‘yon kaya ngayon ay kasama ko si Travis at naghahanap kami ng malilipatan ko.
Kahit malayo ng kaunti sa school ay ayos lang basta’t mailayo ko ang sarili ko sa bahay na ito. Gabi na nang makabalik kami, sa labas na kami nag-dinner at bigo kami sa paghahanap. Hindi na rin naman kasi namin itinuloy pa ang paghahanap dahil sa pagod. Ittry pa namin sa susunod na araw baka swertihin. Yung iba kasing boardin house ay fully occupied na.
“Thank you talaga, Trave.” Sabi ko nang maihatid niya ako sa tapat ng bahay. Gusto ko man siyang papasukin ay hindi ko magawa, dahil unang una nakakahiya kay Ate Sally kahit pa kilala na siya nito. Ayokong mag-isip pa siyang kung ano. Pangalawa, baka pagod na rin siya at kailangan na niyang magpahinga.
“Okay lang. Sayang wala tayong nahanap, don’t worry, next time we’ll try again.” Ngiti niya.
Ngumiti rin ako, “Oh siya, pahinga ka po muna. I know you’re tired.”
“Okay. Pasok ka na, aalis ako pag naka pasok ka na.”
“Tss, ito lang naman ang pinto oh,” senyas ko pa sa likod ko kung nasaan ang pinto. “Ikaw na mauna umalis.”
Ngumiwi siya, “Okay fine. I love you. Take care!” sabi niya sabay halik sakin.
“I love you too. Ingat po sa pag-drive.”
Matapos kong maihatid si Travis ng mga mata ko ay pumasok na ako sa loob at pabagsak na humiga sa kama dahil sa naramdamang pagod. Mariin kong ipinikit ang mata ko nang biglang mag-ring ang cellphone ko, nang silipin ko kung sinong tumatawag ay napabalikwas ako ng pagkakahiga sa gulat.
Si Kuya!
“Hello, kuya!” masayang bati ko nang sagutin ko ang tawag.
“Hey, Candace! I’m back!” dama ko ang kaligayahan sa boses niya. Doon ko naramdaman ang sobrang pagka-miss ko kay Kuya.
BINABASA MO ANG
Roommate
Horror"Nakapag-rent ka na ba sa isang boarding house? Kung oo, parehas pala tayo. Kaso hindi ko alam kung parehas tayo ng feeling. Iba ang pakiramdam pag andun ka sa kwarto ko. May roommate ako, hindi nagpapakita, pero nagpaparamdam. Hindi mo mahahawakan...