Chapter 39

6K 148 9
                                    

Chapter 39- Ang sugat

Pumasok kami sa kwarto kung nasaan si Ate Trance, ako pa ang nahuling pumasok dahil parang hindi ko kakayanin kahit na gustuhin ko mang makita. Bumabalik sakin ang nangyari kay Travis. Kailan lamang nawala si Travis, ngunit ngayon, ito naman si Ate Trance.

Hindi ko na maisip kung gaano kasakit at kahirap kay Tita Tracy ang lahat ng ito. Kung ako pa nga lang dito ay nasasaktan na paano pa kaya si Tita, anak niya ang mga iyon. Nawalan na siya ng dalawang anak. Hindi pa nga naghihilom ang sakit na nararamdaman niya sa pagkawala ni Trave ay nadagdagan nanaman.

Nakahiga si Ate Trance sa kama ng ospital, halos hindi makilala sa basag niyang mukha, kung kanina siguro ito ay mas malala pa ang itsura niya kung iisipin. May galos sa katawan, nakasuot na siya ng damit pang-ospital, siguro'y noong dinala siya dito ay may malay pa siya dahil nagawang maayos ang damit dahil kung hindi maaaring hindi na maiisip na bihisan pa siya ng hospital dress.

Ano ba ang nangyari at nauwi sa ganito ang lahat?

Tahimik akong umiiyak habang sinusuri ang kabuuan ni Ate Trance na wala nang malay. Si Tita Tracy naman ay humahagulgol sa tabi ng anak. Sila Kuya ay tahimik lamang sa isang tabi.

Hindi ko na iisipin kung sino ang may dahilan nito, sa mga nalaman ko ngayon. Sa nakuha kong sagot kay Kuya Rex, alam kong sino ang puno't dulo nito. Pero paano niya ito nagagawa? Paano niya nakakayang pumatay ng tao? Paano niya naiisip na kumitil ng buhay?

Lumipas ang ilang minuto ay hindi ko pa rin nakakausap ng maayos si Tita. Hindi na rin ako nagtanong pa sa nangyari.

Sa gitna ng katahimikan ay narinig ko ang pag-ring ng isang cellphone. Napalingon ako kay Kuya na ngayon ay tiningnan lamang ang screen ng phone at hindi na sinagot ang tawag.

"Sino yun?" pabulong na tanong ni Ate Vikky, hindi ko narinig pero sa pagbuka ng bibig niya ay nabasa ko ang kanyang sinabi.

"Boss." pabulong na sagot ni kuya.

Oo nga pala, baka may trabaho sila ngayon at importante ang tawag na iyon.

"Kuya," tawag ko kay kuya na ngayon ay kausap si Ate Vikky. "May pasok pa kayo ngayon?" tanong ko kahit alam ko naman.

Nagkatinginan ang dalawa. "It's okay. This is an emergency." aniya nang muli akong lingunin, hindi sinagot ang tanong ko.

"You two just go back, baka may importante din kayong gagawin. Ako nalang ang bahala dito sa kay tita." sigurado akong umalis sila sa trabaho. Break time ngayon at imbis na mag lunch ay dumiretso sila dito. Mababantayan ko rin naman si Tita.

Napakagat siya sa labi at kumunot ang noo, "Are you sure?" tanong niya.

Tumango lamang ako bilang sagot.

"Sorry. May meeting kasi ako ngayon."

"See?" tumaas ang kilay ko. "Ako na ang bahala dito."

"We'll be back later. Ikaw nalang ang bahala kay tita na magpaliwanag at mag sabi na umalis na kami."

"Mm, mag ingat kayo." tatango tangong sabi ko.

Tahimik silang umalis. Ayaw na rin nilang istorbohin si tita dahil hindi pa ito maayos, ngunit kalmado na ito ngayon hindi katulad kanina.

Maya-maya pa'y bumukas ang pinto, pumasok ang doktor at kinausap si Tita Tracy na kanina pa tulala sa harap ng anak.

"Misis," tawag pansin ng doktor.

Matagal bago nagawang lumingon ni Tita Tracy sa doktor. Maraming sinabi ang doktor. Kinakailangan na raw ilipat ng katawan ni Ate Trance. Muling bumuhos ang luha ni Tita Tracy sa ibinalita ng doktor.

RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon