Chapter 38- Could it be
Pagbalik ko sa boarding house ay dumeretso na ako sa tulog, mabuti nalang at dala nila kuya ang kotse at nakapag stop over kami to have our dinner. Kailangan kong mag ayos bukas at hindi ko na iyon magagawa pa ngayon dahil sa pagod sa byahe kaya ipagpapaliban ko muna.
Mabilis akong nakatulog, wala na rin akon lakas para mag isip pa ng mga bagay bagay, at ayoko na ring ma-stress don.
Inaantok kong hinawi ang binti ko dahil parang may tumatapik, hindi ko na sinubukan pang magmulat ng mata.
Bumalik ako sa pagtulog nang mawala iyon, pero maya-maya lang ay naramdaman ko nanaman ang tila humahawak at humihila sa mga paa ko dahilan para mapabalikwas ako ng bangon. Tiningnan ko ang paanan ko pero walang taong pwedeng gumawa ng bagay na 'yon.
Patagilid akong humiga at binaluktot ang katawan. Niyakap ko ang sariling tuhod at hinaplos ang binti na animo'y may humahawak pa sa mga iyon.
Nag angat ako ng tingin para sa oras, alas otso lang ng umaga. Pinili kong manatili muna sa ganoong posisyon dahil hindi ko magawang bumangon ngayon, kinikilabutan ako sa hindi malamang dahilan.
Ang kilabot na nararamdaman ko ay nauwi nanaman sa pag lalayag ng isip ko, sa pag iisip nanaman sa kanya.
Maraming oras at panahon ang inaksaya ko para sa kanya, para sa walang kwentang kaluluwang hindi nananahimik at paghihiganti lamang ang gusto.
Hindi ko na hahayaan ang sarili kong manatili ng matagal sa ganitong sitwasyon. Marami nang napapahamak at mas dadami pa kung mananatili ako dito. Mga taong nadadamay dahil sa makasariling kaluluwang ito. Kailangan ko nang tumakas.
I can't stand dealing with the ghost who killed Travis. Alam kong wala akong sapat na ebidensya para sabihing siya ang pumatay kay Travis, dahil ang nangyari ay aksidente. Pero sa kalagayan ngayon, wala na akong ibang masisisi kung hindi siya. At kung patuloy na mangyayari ang mga bagay na ito, ay siya lamang ang patuloy kong sisisihin.
Dahil siya lamang itong naningil ng buhay. Siya lamang itong naghihiganti. Siya lamang itong makasarili.
Natinig ako sa pag iisip nang makarinig ako ng tumutulong tubig. Bumangon ako at dumiretso sa banyo, nakita kong malakas ang agos ng tubig na namumula ron. Lumapit ako at pinatay hanggang sa mapansin ko rin ang baha sa loob ng banyo, at nang tingnan ko ang drain ay barado ito.
Kinuha ko ang plunger sa gilid, gamit iyon ay pinantulak ko para alisin ang nakabara, only to find out that it was a hair. Umupo ako at hindi na ako nag hesitate na kunin iyon.
Marami at mahabang hibla ng buhok na sa tingin ko ay pagmamay ari ng isang babae. Alam kong hindi ako ang nagmamay ari nito. Ilang araw akong wala dito, at kung akin man ito dapat ay napansin ko na ito agad.
Lumipad naman ang tingin ko sa pinto nang marinig ang tunog ng paggalaw ng mmga gamit sa labas. Tumayo ako at itinapon ang mga buhok sa basuraha at agad ding lumabas ng banyo.
Bukas ang aparador, ang mga damit ko ay nagkagulo. Ilang minuto kong pinagmasdan iyon hanggang sa matauhan akong muli dahil sa malakas na pagkatok.
Hindi ko na inayos iyon at sinara nalamang ng basta ang aparador. Lumapit ako sa pintuan kung saan may kumatok ng tatlong beses.
Isang babae ang nakatayo doon at kunot noong nakatingin sakin, "Pwede bang 'wag kang kumatok sa pader? May natutulog pa kasi sa kabilang kwarto." aniya.
Nanliliit ang mata ko, "K-kumatok? Hindi naman ako kumakatok." sabi ko.
"Sino?" lumagpas ang tingin niya sakin. "Baka yang roommate mo, pakisabihan naman."
BINABASA MO ANG
Roommate
Horror"Nakapag-rent ka na ba sa isang boarding house? Kung oo, parehas pala tayo. Kaso hindi ko alam kung parehas tayo ng feeling. Iba ang pakiramdam pag andun ka sa kwarto ko. May roommate ako, hindi nagpapakita, pero nagpaparamdam. Hindi mo mahahawakan...