Chapter 21- Girlfriend
Nagmamadali akong pumasok sa boarding house, gaya ng dati ay parang hindi ito tinitirahan dahil wala kang makikitang tao at sobrang tahimik. Hapon pa lang pero madilim na ang atmosphere dito. Hindi ko na pinasin iyon at umakyat na agad sa hagdan. Pero ilang hakbang palang ang nagagawa ko ay natigilan na ako agad at napalingon sa likod ko nang may maramdaman akong parang sumasabay sa pag akyat ko. Wala akong nakitang tao. Huminga ako ng malalim at tinuloy ang pag akyat pero nababagabag ako sa nararamdaman ko, masbinilisan ko ang pag akyat dahil para akong hinahabol nito. Kasabay non ang mabilis rin na pagkabog ng naghuhuramentado kong puso sa sobrang takot.
Nang marating ko ang second floor ay patakbo kong nilakad ang madilim na hallway. Nakarinig ako ng yapak ng tumatakbo at parang hinahabol ako nito kaya mas binilisan ko na ang takbo. Kamuntikan pa akong madulas ng matapat ako sa pinto ng kwarto ko. Nahirapan ako sa pagpasok ng susi at bukas noon dahil sa nanginginig kong kamay sa sobrang taranta. Halos magdugo ang labi ko sa pagkakakagat ko noon. Nararamdaman ko ang paglapit ng hindi ko makitang nilalang kaya mas kinabahan ako. Nang sa wakas ay mabuksan ko, dali dali akong pumasok sa loob at agad itong isinarado. Napasandal pa ako sa likod ng pinto habang dahan dahang napapa-upo sa sahig. Mariin kong kaipikit ang mata ko kasabay ng pagtulo nanaman ng panibagong luha.
Ipinatong ko ang dalawa kong siko sa tuhod ko at naihilamos ang pareho kong kamay saking mukha. Para na akong mababaliw sa mga nang yayari kaya sa sobrang frustration ay napasabunot na ako sa buhok ko.
Ilang minuto akong nanatiling nasa ganoong posisyon, matapos ang pananahimik ay napagdesisyunan kong tumayo at i-lock ang pinto bago ko layuan ang pwesto ko kanina. Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko kaya chineck ko kung may text pero wala akong nakita kaya naibato ko nalang iyon sa kama.
Kinuha ko ang maleta ko na itinago ko sa ilalim ng kama. Binuksan ko ang zipper at mabilis na lumapit sa tapat ng aparador, nagmamadali kong inilagay ang gamit ko roon, hindi ko na pinansin kung magulo o ano. Matapos kong ilagay ang mga damit ay sunod kong pinuntahan ang banyo para kunin ang ilan ko pang gamit roon. Halos magkanda hulog pa ito nang kunin ko sa pagmamadali.
Sinunod ko ang ilang gamit ko na inilagay sa panibagong bag, sa mabilisang paraan ay nagawa kong iwan ang kwarto ko ng malinis gaya nong araw na bagong dating lang ako dito. Ni lock ko ang pinto bago iyon tuluyang isara. Hila-hila ang maleta ko at sa isang kamay ay bitbit ko ang isa pang malaking bag at backpack sa likod ay nilakad ko ang distansya patungong hagdan.
"Ate Candace!" narinig ko ang yabag ng mga paa ni Samara na palapit sakin, nang tumigil ako para lingunin iyon ay nakita ko ang kambal na may confused na itsura.
"O?" kunot noo'ng tanong ko sa kanila.
"S-saan ka pupunta?" tanong ni Samara na pinasadahan ng tingin ang mga dala ko. Si Sandra naman ay mataman akong tinitingnan
Napayuko ako at tinignan na rin iyon, nag angat ako ng tingin sa kanila at nagkibit balikat, "Aalis na." simple kong sabi na ikinagulat nila.
"H-ha? Bakit?" si Samara lang ang kumakausap sakin. Naisip ko tuloy na baka galit pa sakin si Sandra.
BINABASA MO ANG
Roommate
Horror"Nakapag-rent ka na ba sa isang boarding house? Kung oo, parehas pala tayo. Kaso hindi ko alam kung parehas tayo ng feeling. Iba ang pakiramdam pag andun ka sa kwarto ko. May roommate ako, hindi nagpapakita, pero nagpaparamdam. Hindi mo mahahawakan...