Chapter 28

5.8K 141 3
                                    

Chapter 28- Isang tingin

Pagkabalik ko sa boarding house ay tulala ako at malalim ang iniisip dahil sa mga sinabi ni ateng tindera. Bumalik lang ako sa ulirat nang makatanggap ako ng tawag kay kuya.

"Oh, kuya, bak--" di ko pa man natatapos ang sinasabi ko ay nagsalita na siya.

"Kumain ka na?" Tanong niya agad. "Tumawag sakin si mama, di ka pa daw nag-lunch." masyadong maawtoridad ang boses niya.

"O-oo, kakatapos lang."

"Next time wag kang magpapalipas ng gutom. If you want something to eat or if you need anything, just call me, alright?" Utos niyang hindi ka talaga makakaangal dahil umiral nanaman ang pagiging kuya niya.

"Oo," nakanguso pang sagot ko.

"What do you want for dinner? Magpadeliver ako jan para hindi ka na ma-hassle. May lakad ka ba ngayon?"

"Wala naman." siguro papayag nalang rin ako sa iniisip ni kuya na magpadeliver siya. Ayoko na ring lumabas ng bahay lalo na pag-gabi. "I'll just have anything."

"Bakit ba ayaw mo pang umuwi sa atin?" tanong niya.

"Err. Marami pa akong aasikasuhin dito." remember, hindi ko maaaring ipaalam sa kanya ang mga dapat kong gawin. And I guess hindi naman nasabi ni ate Vikky kay kuya ang tungkol sa napag-usapan namin nung nakaraan, dahil kung may alam si kuya he should be mad right now at kung anu-anong sinasabi saking mga paalala. But since, hindi naman ganon I think I can still continue with this.

"Ok ok. I'll go now, try kong pumunta jan some other time, I miss you na e." he said, nasa work ata siya ngayon.

"I miss you too, kuya."

"I'll hung up now. Take care." sabi niya bago ako babaan ng tawag.

Napatulala pa ako saglit sa harap ng screen bago ako natauhan nang maalala ang box.

Ilang oras na ako dito, sinukuan ko na ang box na ito. Hindi ko alam kung bakit masyadong mahirap alisin ang tape na bumabalot dito. Mahal siguro ang pagkakabili nila? Maganda ang quality.

Nahiga ako sa kama at itinaas ang kamay kong hawak ang picture ng babae. Pinakatitigan ko ito na para bang may lalabas na sagot mula roon.

Pero habang tumatagal ang pagtitig ko ron, imbes na sagot ang makuha ko ay parang nadagdagan pa ako ng tanong sa isip ko. Pamilyar ang mukha niya. Parang nakita ko na, di ko lang matandaan kung saan eksakto kong nakita.

Ilang oras ang lumpias ay nakaramdam ako ng pagkabagot kaya naisipan ko munang lumabas. Baka doon ay makapagisip-isip ako.

Pinaalalahan ko ang sariling kong huwag mag paabot ng gabi dahil sa takot na baka may mangyari kung gabihin ako masyado sa pag uwi sa bahay.

Bumaba ako ng hagdan, may iilan pa akong nakasalubong na papasok at palabas sa pinto. Sa tagal ko nang naninirahan dito ay parang noon lang ako muling nakakita ng bagong tao dito. Ni hindi ko matandaan kung kailan ako huling nakisalamuha sa mga kapitabahay ko.

Lumalabas din naman ako sa pagkakakulong ko sa kwarto ko, subalit wala lang talaga akong makilalang bago.

Naisip kong baka may makuha rin ako kung magtatanong ako sa kanila diba? Baka may alam rin sila?

"Uhm, hello!" bati ko sa nakasalubong kong babae.

"Hi!" sagot niya rin.

"Are you-" naputol ang sasabihin ko nang magring ang cellphone na hawak niya. Sabay kaming napatingin don.

RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon