Chapter 16

5.9K 126 2
                                    

Chapter 16- Wala akong kasama

Tatlong araw na ang nakakalipas mula nung malaman kong naka uwi na si Kuya. Tatlong araw na rin akong nanahimik sa kwartong ito, hindi ko na muli pang nararamdaman ang nakaka panindig balahibong pakiramdam na iyon.

Hinihiling ko nga na sana ay manatili itong ganito hanggang sa maka alis ako. Yung hindi nakakatakot, yung normal lang. Dahil kahit gustuhin ko mang manatili dito, sapagkat may maiiwan din naman akong iilang kaibigan, nangingibabaw pa rin ang kagustuhang umalis.

Tok tok tok

Tumama ang paningi ko sa pinto. Kumalabog ng husto ang dibdib ko. Napawi lang ito nang marinig ko ang boses ni Sandra.

"Ate?" Tawag nito sakin.

Tumayo ako upang buksan ang pinto. Nakita ko ang ngiti sa labi niya at pag-aalala naman sa kanyang mata. Pag aalala na hindi ko alam kung para saan.
"Sandra, hello!" Ngiti ko at tuluyan na siyang pinapasok.

"Hi ate, kumusta?" Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng kwarto na para bang ngayon niya lang ito nakita.

Dumeretso ako ng upo sa kama at muling kinalikot ang laptop ko para sa project na ginagawa. "Ayos naman. Ikaw?"

"Okay lang din po. Ah si Samara po ay busy sa assignment niya."

"Ah, kumain ka na ba?" Saka lang ako tumingin sa kanya.

Tumango siya. "San po 'to galing? Hiniram mo kay Are Sally?" Pinadaanan niya ng haplos ang mesa.

"Oo, hiniram ni Trave sa kay Ate Sally."

"Siya yung boyfriend mo po, diba?" Sabay upo niya sa mono block chair.

Ako naman ay itinuloy ang ginagawa matapos siyang sagutin. Hindi na ako nagsalita pa. Ramdam kong may gusto siyang sabihin, hindi ko lang alam kung ano. Biglang pumasok sa isip ko yung pag uusap namin nung nakaraan. Tungkol ba ito don? Alam na niya siguro na nagpapalano akong umalis.

Pero sa kabila ng mga naiisip ko ay hindi na ako nagsalita. Hinintay ko na siya ang mag simula at hindi nga ako nabigo.

Nagpakawala siya ng isang malakas at malalim na buntong hininga. "Itutuloy mo po ba talaga ang pag alis mo? Narinig ko po kasi kay Ate Sally na naghahanap ka na ng bagong malilipatan."

Saglit akong natigilan. Paano niya narinig kay Ate Sally? Sinabi ba nito sa kanya? May pinagsabihan siya? Bakit? Pero wala na akong pakealam ron. Um-oo nalang ako bilang sagot.

"P-pero sigurado na po ba kayo jan?" Natatarantang tanong niya.

Nilingon ko siya at pilit na ngumiti habang tumatango.

Nanatili ang tingin niya sakin na parang hindi niya nakukuha ang sagot ko. Ang dahilan kung bakit kailangan kong umalis. Kita kong gusto niyang tumutol sa desisyon ko pero wala siyang masabi.

Bumuntong hininga ako at malamlam siyang tinignan. "Naiintindihan mo naman diba?"

"Ate wag ka nang umalis---"

"Bakit?" Putol ko sa kanya. Hindi ko siya talaga maintindihan. "Sandra, alam mo naman diba? You were there when shits happen! You know the reason why I want to leave this place." Pilit kong pinapaintindi ang bagay na alam kong alam na niya.

"Hindi ka pwede---"

"And oh!" muling sabat ko sa gitna ng pagsasalita niya nang may marealize ako. "Alam kong may alam ka sa mga nangyayari. Ano nga ba ang alam mo? Why do you keep on telling me not to leave?" Hindi ko mapigilan ang paghihinala at kaunting inis sa boses ko.

Tinitigan niya lang ako. Iniisip kung dapat ba siyang sumagot o hindi.

Gusto kong malaman ang dahilan niya. Gusto kong malaman kung bakit nagaalangan siyang sabihin sakin. Gusto kong mabasa ang laman ng isip niya.

"This is for your own good, ate."

"Own good? Bakit? For what? And in what ways na para 'to sa ikabubuti ko? Hindi ko makita! Dahil habang nagtatagal ako dito ay palala ng palala ang nangyayari sakin! Ano ba kasing alam mo na hindi ko alam?"

Nanatiling tikom ang bibig niya hanggang sa nag ring ang cellphone ko. Nilingon ko yon at nang makita kung sinong tumatawag ay napatingin akong muli kay Sandra upang makita kung may balak pa siyang magsalita.

Inabot ko ang phone na patuloy pa rin sa pag ring. Hindi ko na kailangan pang masiguro kong magsasalita pa siya, dahil sa pagtayo palang niya ay alam kong gusto na niyang tapusin ang pag uusap namin.

"Hello." Bati ko sa kay Kuya na nasa kabilang linya.

"Hey!"

"Ate, labas na po ako. Sorry sa istorbo." nakayukong paalam ni Sandra na dumeretso sa pinto.

Ayokong maging malupit sa kanya pero hindi ko rin naman mapigilang mainis. Alam niya kung anong nangyayari pero pinipigilan niya pa rin ako. Nakakainis! Isa pa ay hindi naman siya nagbibigay ng magandang dahilan para manatili pa ako dito. Na maaaring baka makapag pabago ng isip ko.

"Candace!" Napatalon ako sa boses ni kuya na nganggaling sa cellphone.

"Oh?"

"Are you listening? May kasama ka ba jan?" Tanong ni kuya.

Nilingon ko ang paligid. "Sorry may iniisip lang. Bakit ba?"

"I'll go there maybe next week. Sembreak niyo na diba?"

"Really? Yes! Text me kung kelan ang exact date." May kung anong excitement sa puso ko. I missed him so much.

"Sige. Tumawag lang ako para sabihin yun. And I really miss you." Ang baduy talaga nito.

"I miss you too. Also mom and dad, tell them na miss ko na sila."

"Yeah." Sagot niya. "By the way, may kasama ka ba jan?"

Naglakbay ang mata ko sa bawat sulok ng kwarto. Tahimik at malinis tignan.

Kumabog ang puso ko nang may mahagip ang mata ko ng parang anino sa bandang gilid ng cabinet. Parang anino ng tao na nakatayo at hinihigop nito ang paningin ko. Hindi ko hinayaan na manatili ang tingin ko ron kaya mabilis ko itong iniwasan "Wala. Wala akong kasama." Sagot ko.

Mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko na para kasabay lang ng paghinga ko. Malakas ito at sa sobrang tahimik ay rinig na rinig ko ang pagkabog nito nang bumukas ang pinto ng cabinet. Dahan dahan at naglalabas ng ingay na parang isang lumang cabinet na ito.

Natatakot akong baka malaglag na ang puso ko. Natatakot ako sa anino. Natatakot ako sa naiisip kong dahilan ng pagbukas ng pinto ng cabinet. Natatakot ako sa ideya na hindi pa siya tumitigil. Natatakot akong akala ko ay wala akong kasama sa mga oras na ito. Na sa bawat sulok ng kwartong ito andito siya at naka masid lang sakin. Na sa bawat espasyo ng kwartong ito ay naroon siya at nakatayo, pinagmamasdan ang bawat paggalaw ko, ang bawat paghinga ko.

Ibinaba ko ang hawak kong cellphone at itinabi ang laptop sa kama. Mabilis akong tumayo para isara 'yon. Sumandal ako, mabilis parin ang paghinga ko. Puro mura ang pumuno sa utak ko.

"Shit!" Lumabas lang ito sa bibig ko nang muntik na akong sumubsob dahil sa impact na tumama sa likod ko. May parang tao sa loob nitong bagay na sinasandlan ko at pilit na binubuksan ang pinto.

Sa sobrang takot ko ay napatakbo ako sa kama. Isiniksik ko ang aking sarili sa gilid at nagdasal na sanay matigil na ang kahibangang ito.

Hindi tulad kanina na dahan dahan na bumukas ang cabinet, ngayon ay marahas ito at parang galit ang taong nagbukas non. Sa isang iglap lang ay parang may malakas na impact ng hangin na sumugod sakin dahilan para mawala ako sa sarili at unti unti ay bumagsak ang mata ko.

RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon