Chapter 36

6.5K 140 7
                                    

Chapter 36- Alas diez y media

Nanatili ako ng ilang araw sa pagtulong sa pagbantay ni Tita Tracy kay Ate Trance. At sa mga lumipas na araw na iyon ay hindi siya nagparamdam, kahit umuwi ako ng boarding house ay hindi ko siya naramdaman, mabuti na rin 'yon mas maganda nga kung tuluyan na niyang tigilan.

Pero hindi naman nakatakas sakin ang pag-iisip kung sino ang may gawa noon kay Ate Trance, balot pa rin ng takot ang nararamdaman niya. Madalas siyang managinip ng mga kakatakot na bagay kaya hindi maibsan ang takot niya kahit pa sinabi ng doktor na maayos na ang kalagayan niya.

Gabi na nang makalabas si Ate Trance sa ospital. Hindi naman siya doon nagtagal at iilang pasa nalang ang makikita sa kanya, hiningian na rin siya ng leave at syempre pumayag agad ang kompanya, lalo pa't iniimbestigahan pa rin hanggang ngayon ang nangyari dahil yung kopya ng CCTV sa nangyaring inisdente ay nasira sa part kung saan nangyari ang ginawa kay Ate Trance.

"Salamat talaga ng marami, Candace." ani Tita Tracy nang manatili kami sa sala matapos kumain. Si Ate Trance naman ay nagpahinga na. "Alam kong wala ka namang responsibilidad samin, lalo pa na wala na si Travis."

Umiling ako agad, "Hindi, wag niyo pong isipin 'yan."

"Totoo naman e. Dapat ngayon ay malaya ka nang nagagawa ang mga bagay na gusto mo. Wala na si Travis pero parang nakakulong ka pa rin dahil sa amin." sabi niya kahit malungkot man ang boses.

"Mahal ko po si Trave, mahal na mahal. At lahat ng mga mahal niya ay mahal ko rin. Pamilya niya kayo kaya alam kong mahal niya kayo, mamahalin ko rin kayo. You were a family to me. Kaya kahit po wala na si Trave, hindi ibig sabihin ay titigil na rin po ako." sinserong usal ko.

Malungkot na ngumiti sakin si tita, pinipigilan ang umiyak.

Niyakap ko nalamang siya.

"Alam mo hindi ko alam kung bakit nangyayari sa amin ito e." maya maya'y sabi ni tita nang bumitaw kami sa yakap. "Si Travis, yung anak ko, masyado pa siyang bata para mawala. Marami pa siyang dapat na gawin pero napaka-aga siyang kinuha sakin. Satin. Tapos ngayon naman kalalabas lang galing ospital ni Trance." umiyak na si tita.

Wala akong nagawa kundi ang panoorin lamang siyang umiyak doon, at malungkot sa sakit ng pinagdaraanan niya.

"Gulong-gulo na ako, takot na takot na. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Para kaming pinaparusahan! At unti-unting kinukuha sakin ang lahat! Si Trance nalang ang meron ako, natatakot ako dahil hindi ko alam kung paano ko pa ba siya proprotektahan."

"Tita bakit po ba kayo nag-iisip ng ganyan?" nalulungkot ako para kay tita. Parang alam ko ang nararamdaman niya ngayon, pero hindi. Wala akong magawa para maalis ang takot niya kasi kahit anong gawin ko ay hindi yata iyon maaalis, at iyon yung nakakainis, yung wala akong magawa.

Sana lang ay sapat na yung alam at ramdam niyang magiging ayos lang ang lahat. Na hindi iyon tulad ng iniisip niya.

"Pasensya na hija. Ayun lang kasi yung nararamdaman ko. Para bang sinisingil kami sa kasalanang hindi ko alam kung ano, at buhay namin ang kapalit? Nakaktakot pero hindi ko maiwasang isipin."

"Dala lang ho siguro yan ng matinding pag iisip sa mga nangyayari. Wag niyo pong intindihin yan. Aksidente lang naman po yung nangyari, wala pong ibang ibig ipakahulugan ng mga yon." pilit kong pinalulubag ang loob ni tita para hindi na siya mag isip. Baka magkasakit pa siya dahil dito.

Ilang minuto pa rin akong nanatili doon bago tuluyang nagpaalam na uuwi na, ayokong maabutan ng curfew sa boarding house at lalo pa gabi din ngayon. It's already 9:45 PM, itext ko nalang si Ate Sally.

RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon