Chapter 6- Pictures
It’s been a week since I knew about my imaginary neighbor. Or is it necessary and right to just call it imaginary?
Nung gabing yon ay sinubukan kong mawala sa isip ko ang mga nalaman ko, pero natatabunan iyon ng tanong at… takot. Paanong maingay ang kwartong yon? Ano ang mga naririnig ko? Saan galing? Wala ba talagang tao ang kwartong iyon? Gusto ko nalang umalis sana dito pero hindi pwede, isa pa, hindi naman din sapat na dahilan yun para basta nalang ako umuwi sa amin. Paano kung wala naman pala talaga? At imaginations ko lang ang lahat ng iyon? Pagproproblemahin ko pa sila mama sa gagawin ko.
Pinalipas ko nalang ang nangyari. Hindi ko na rin kalianman narinig pa ang mga nagbabagsakang gamit, nababasag na salamin, at kung anu-ano pa. Pero hindi nawawala sakin ang takot at pagiisip sa mga posibleng mangyari. Na baka sakaling bumalik nanaman ang ingay sa kwartong katabi ng kwarto ko. Ingay mula sa kwartong wala namang tao.
“Hey, babe.” Tawag sakin ni Trave. Nilingon ko siya at nakita kong ngumunguya siya habang nakatingin sa akin ng may pag-aalala. I’ve decided not to tell him since hindi rin naman siya naniniwala. I understand him, really. “Are you alright?”
I nodded, “Hmm.” Sumubo ako ng kanin. Nasa canteen kami ngayon at kumakain dahil lunch break.
Kinaumagahan nung gabing malaman ko yon, hindi ko ipinahalatang may mga nangyaring kung anu-ano sa akin. Dahil nga ayaw kong malaman ni Trave ang tungkol ron I act as if nothing happened. Wala naman talagang nangyari eh. It’s just me who’s thinking strange things.
“Maaga akong uuwi mamaya dahil gagawa na kami ni Roxanne ng project.” Sabi ko kay Trave nang hindi siya nililingon. Naramdaman ko ang pagtaas ng tingin niya sakin, saka ko lang rin siya tinignan.
“Saan kayo gagawa?”
“Sa boarding house, hindi kasi pwede sa kanila andun daw yung kuya niya.”
“Much better. Ayokong lumalayo ka pa. Anyway, can I come with you?” taas ang isang kilay na tanong niya.
“No. Walang kasama si Tita ron sa inyo saka sandali lang naman kami. Next time ka nalang pumunta, okay? Baka hindi pa ako makagawa sayo! Haha!”
“Pero---”
“Please?” putol ko sa kanya na nag-beautiful eyes pa.
“Alright! Next time ha!” turo pa niya sa mukha ko. Ngumiti ako ng napakatamis at tumango sa kanya.
Nagmadali na kaming kumain dahil ilang oras na lang ay magtime na. Nang matapos ang klase ay sabay-sabay kaming umuwi nila Trave at Roxanne, hindi naman masyadong nao-OP si Roxanne dahil nahihiya si Trave na maging sweet kapag may iba kaming kasama. Natatawa na nga lang ako dahil bumubulong-bulong pa si Trave sa tabi ko dahil na-iilang raw siya at naiinis dahil may epal daw. Pinalo ko nga ang braso dahil kung anu-ano ang pinagsasabi.
“Dito nalang kami, Trave.” Sabi ko. Iba kasi ang way padaan sa bahay nila Trave sa amin. Nilingon niya ako habang hinihinto ang sasakyan.
“Pero mejo madilim na.” sabi niya.
“It’s alright. Kasama ko naman si Roxanne, for sure ay matataakot ang mga masasamang mukha sa kanya! Hahaha!” tawa ko. Natawa naman si Trave habang si Roxanne ay hinampas ako sa braso habang pigil ang tawang tumingin sakin ng masama. “Joke lang. Dito nalang, see you tomorrow babe. Ingat ka.” Bago ako bumaba ay hinalikan ko na siya na ikinagulat naman niya. Nakita ko pang namula siya.
Hindi na niya ako napigilan kaya isinara ko na ang sasakyan ng makababa kami. Kinawayan ko siya bago siya umalis
Konti nalang ang nilakad naming ni Roxanne, dahil hindi rin naman malayo ang binabaan namin. At gaya nga ng sinabi ko, walking distance lang mula boarding house hanggang sa school.
BINABASA MO ANG
Roommate
Horror"Nakapag-rent ka na ba sa isang boarding house? Kung oo, parehas pala tayo. Kaso hindi ko alam kung parehas tayo ng feeling. Iba ang pakiramdam pag andun ka sa kwarto ko. May roommate ako, hindi nagpapakita, pero nagpaparamdam. Hindi mo mahahawakan...