Chapter 8- Isang babae
Maaga ako ngayong umuwi, kasabay si Trave pero naglakad lang kami dahil hindi niya dinala ngayon ang sasakyan niya.
“Dace, tell me if you feel there’s something wrong okay?” nagulat ako sa biglaang tanong niya habang naglalakad kami.
Kahit nag-gets ko ang gusto niyang iparating ay nilingon ko pa rin siya at nagbigay ng nagtatanong na tingin, nakatuon na rin ang paningin niya sakin at tumango nalang ako, “Okay” lang ang nasabi ko at ngumiti.
Hinalikan niya ako sa ulo saka nagpatuloy kami sa paglalakad. Marami pa kaming napagkwentuhan habang naglalakad kaya parang ang layo rin ng nilakad namin pero hindi ako nakaramdam ng anumang pagod dahil sa kulit niya habang papunta kaming bahay.
Papalubog pa lang ang araw nang maka-uwi ako. Hindi ko nakita ang magkambal kaya tahimik akong naglakad sa dim a hallway pederetso sa kwarto ko at nagbihis agad.
Kinuha ko ang digital camera na nakatago lang sa drawer ng study table ko. Humiga ako sa kama habang tinitignan ang mga pictures namin don, pero nang makita ko ang picture namin ni Roxanne ay nagtaka pa akong wala man lang kahit anong nakakatakot o iba sa picture namin. Kaming dalawa lang at walang kasamang babae o multo sa picture.
Tinignan kong maigi at ni-zoom in pa yon pero walang mali! Napalunok ako. Hinanap ko naman ang picture ko kung saan may nakita akong nakatitig sakin at nakangiti sa picture na pina-print namin kagabi. Pero nang tignan ko ito ay wala naman. Walang babaeng nakatingin sakin. Walang babaeng nakangiti. Walang kaluluwa. Walang kahit ano kundi ako at yung background.
Paano nangyari yon? Gaya ng sa naunang picture ay ni-zoom ko rin ito para mas makitang maigi pero wala akong nakitang mali.
Dinelete ko pa rin ang parehong picture, pero muntik ko nang maibato ang sariling camera nang mag-black ang screen nito na parang nasisira. Nakarinig ako ng matinis na sigaw dahilan para mapabalikwas ako sa pagkakahiga at pabatong inilagay iyon sa kama. Napatakip ako ng dalawang tenga ko sa sobrang sakit sa tenga ng sigaw na yon.
Napansin kong galing sa digi-cam ang maingay na yon na nagpapabasag ng ear drums ko. Pakiramdam ko ay magdudugo ang tenga ko sa matinis na sigaw na yon, dahil kahit anong takip ang gawin ko ay tumatagos lang ito sa kamay ko at pinapasok ang kaloob-looban ng tenga ko.
Tinitigan ko ang parang nasisirang screen ng digi-cam dahil sa nagbblack ito.
Nanlaki ang mata ko nang may parang ipinapakita itong larawan pero hindi ko makuha kung ano iyon dahil nasisira at nagbblack ang screen nito habang patuloy pa rin sa paggawa ng matinding ingay.
Habang tinititigan ay unti-unti kong nappiture out ang larawan kahit na sisira-sira itong nagpapakita.
Mukha ng isang babae.
Hindi ko kilala kung sinumang babae iyon. I’m sure na hindi ko pa siya nakikita. Kahit na hindi masyadong malinaw ang pagpapakita ng picture ay sigurado akong hindi ko pa siya nakikita o nakikilala.
Unti-unting nag-black out ang camera kasabay non ang pagkawala ng maingay at matinis na tunog. Pero hindi man lang nawala ang titig ko sa camera’ng iyon.
Nakakaramdam na ako ng kakaiba sa paligid ko. Takot. Kaba. Pero hindi ko yon pinansin, instead ay dahan-dahan kong kinuha ang camera at naramdaman kong mainit yon. Hindi naalis ang tingin ko don habang tinitignan ay hinintay kong may mangyari ulit kahit na alam kong natatakot na ako.
BINABASA MO ANG
Roommate
Horror"Nakapag-rent ka na ba sa isang boarding house? Kung oo, parehas pala tayo. Kaso hindi ko alam kung parehas tayo ng feeling. Iba ang pakiramdam pag andun ka sa kwarto ko. May roommate ako, hindi nagpapakita, pero nagpaparamdam. Hindi mo mahahawakan...