Prelude

27.2K 431 15
                                    

Prelude

“Vikky, sama ka samin ni Raven mamaya ha!” sabi ni Josh nang makasabay ko siya sa paglalakad sa hallway ng tinutuluyan kong boarding house.

“Ha? Saan?” kunot noong tanong ko na nilingon pa siya. Patuloy lang kaming dalawa sa paglalakad palabas.

“Mag paparty kasi kami, treat namin. Aalis na kasi kami eh, pupunta na sa ibang bansa.”

“Ganun ba?” may lungkot ang tono ng boses na tanong ko. Katabi ko lang kasi ang room nila. Since kasing edad ko lang naman sila, naging magkaibigan na rin kaming tatlo sa 2 taon nilang paninirahan sa boarding house na nirerentahan namin kaya naman nalulungkot ako na malamang aalis na sila. Lalo na’t mapapalayo ako kay Raven. Matagal ko na kasi siyang gusto, hindi ko lang maamin kasi nahihiya ako. At parang hindi kasi niya ako gusto eh.

“Ha, alam kong nalulungkot ka kasi mawawalan ka na ng gwapong kapit-bahay! Hahaha! Dapat maging masaya ka samin kasi makakapag-aral na kami sa ibang bansa! Diba?” naka-ngiting tugon niya.

“Talaga?! Oo nga! Haha! Sige, sige! Sasama ako mamaya.”

“Sige, sunduin ka nalang namin ni Raven sa room mo?”

“Ok.” Nakangiting tugon ko.

Nagkwentuhan pa kami saglit at nagkahiwalay nang makalabas na kami sa bahay. Sa second floor kasi ang room namin at nasa bandang dulo ng hallway kaya naging mahaba ang kwentuhan namin.

9:30 p.m.

Andito ako ngayon sa kwarto ko at nakaharap sa salamin. Nag-aayos ng sarili, kailangan maging maganda ako ngayong gabi, lalo na sa mata ni Raven. Naka-dress ako na stripes at fitted kung saan makikita ang hubog ng katawan ko. Sabi kasi ni Josh sa bar daw kami at marami siyang ipakikilala rin sakin na friends nila.

Tok tok tok!

Narinig ko ang pagkatok mula sa pintuan ko. Inayos ko pa munang muli ang buhok ko at ngumiti sa harap ng salamin bago tuluyang binuksan ang pintuan. Nakita ko sina Raven at Josh na naka V-neck shirt pa.

“Hi.”

“Sexy mo ngayon ah!" si Josh, bahagya naman akong natawa. Sinulyapan ko si Raven at nagpa-cute. Hehe! Nginitian naman niya ako. Gwapo shet!

“Tara na?” ayaya ni Josh, tumango naman ako sa kanya.

Nang makarating kami sa bar ay nagging masaya naman. Marami rin akong nakilala. Habang tumatagal ang oras ay napaparami ang inom ko at mas nalalasing ako. Umiikot ang paligid ko at parang nasusuka na rin ako. Nanlalabo ang paningin

“Let’s go home.” Dinig kong boses ni Raven pero hindi ako makakilos dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam ko at pagkahilo. Napapikit ako at di na alam ang sumunod na nangyari.

Ang natatandaan ko lang ay gusto kong kumawala. Nagpupumiglas ako pero hindi ko magawa. Sumisigaw. Humihingi ng tulong. Lumalaban. Naiiyak na ako. Natatakot. Hanggang sa unti-unti na akong nawalan ng malay.

- - -

RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon