Chapter 25- Impormasyon
Ala sinko ng hapon sa isang mall kami magkikita ni Ate Vikky.
Maaga pa, 9:30AM palang nang tingnan ko ang oras. Nakatulala pa rin ako rito at nakahiga habang iniisip ang nangyari kagabi.
Wala akong maalala kundi ang nakatayong babae sa kwarto ko. Nilingon ko ang parteng iyon sa tapat ng pinto, pakiramdam ko ay nandoon pa rin siya at nakatayo.
Pilit kong iniisip kung anong nagawa ko para mangyari sakin ito. Iniisip kung anong kailangan niya at hindi nalang siya manahimik. Itong mga tanong na ito ay nananatiling mga tanong at naging paulit ulit dahil wala akong mahitang mga sagot.
Inaasahan kong makakakuha ako ng sagot mula sa magkambal pero hindi ko rin makuha kung bakit di nila ako sagutin, kung bakit ayaw nilang magsalita saakin. Palagi silang nangangailam sa mga plano at desisyon ko, pero sa tuwing tinatanong ko kung bakit kailangan ko silang pakinggan ay hindi naman nila sinasagot ng deretso ang tanong ko.
Nakakasawa at nakakapagod manghula ng mga sinasabi nila. Mas lalo lang akong naguguluhan kaya kung hindi nila kayang magsalita ay wag silang makialam at ako ang sasagot sa tanong ko.
Nawala ako sa pag iisip sa isang malakas na katok mula sa pinto. Napaka aga para magwala ang kung sinumang 'yon.
Hindi iyon natigil at nakakabwisit na hanggang sa tumayo ako. "Sandali!" Sabi ko habang nagpupusod ng buhok at lumalapit sa pinto. Pero patuloy lang iyon sa malakas na pagkatok.
Pagsasabihan ko na sana yung gumagawa ng ingay na yon dahil baka hindi lang ako ang nagagambala niya at pati na rin yung ibang nasa kabilang mga kwarto, pero natameme ako at di nakapagsalita nang makita ang dalawang lalaking nakatayo.
Hindi ko sila kilala pero iba ang pakiramdam ko sa kanila. Nakatingin lang sila sakin at di gumagawa ng anumang kilos. Tingin ko ay kasing edad ko lang sila. "A-anong kailangan niyo?" Tanong ko habang nilalabanan ang tingin nila.
Hindi sila nagsalita. Nababalisa ako sa titig nila sakin, kakaibang pakiramdam ang idinudulot non sa sistema ko. At hindi iyon isang magandang pakiramdam.
Nabali ang pakikipagtagisan ko ng tingin nang biglang magingay ang pinto sa katabing kwarto ko sa kaliwa. Parang may taong nalock sa loob at pilit itong binubuksan.
Agad akong nakaramdam ng takot habang tinitingnan ang door knob na gumagalaw. Lalo lang akong natakot nang may marinig akong sigaw ng isang babae mula doon. Hindi ko alam pero biglang pumasok sa isip ko yung dalawang lalaki, at iniisip na sila ang may kagagawan noon.
Natatakot ako sa naiisip kong may kinulong silang babae doon. Nilingon ko ang dalawa sa harap ko, hindi nawawala ang ingay sa kaliwang kwarto. Hindi ko alam na may nakatira na pala don.
Gusto kong tanungin kung sino sila at anong ginagawa nila dito gayong hindi pupwedeng pumasok o wala namang nakatirang lalaki dito.
"A-anong ginawa niyo? P-pano kayo nakapasok dito?" Kinakabahan nang tanong ko dahil baka kung ano rin ang gawin nila sakin.
Muling nabaling ang tingin ko sa kabilang kwarto dahil mas lumakas ang ingay na nagmumula ron. Ipinagtaka ko kung bakit wala man lang nagaatubiling sumilip at alamin kung saan ba nagmumula ang ingay.
Pero agad rin akong natigilan nang may mapagtanto, at doon ay dahan dahan ko muling nilingon ang dalawang lalaki. Baka ako lang ang nakakarinig o baka ako lang rin ang nakakakita sa mga ito.
At kagaya ng inaasahan ay para akong nanlambot nang mawala ang dalawang lalaki na kanina'y nakatayo lang sa harap ko.
Wala na akong makitang tao sa harapan ko, pero ang ingay ay hindi tumitigil.
BINABASA MO ANG
Roommate
Horor"Nakapag-rent ka na ba sa isang boarding house? Kung oo, parehas pala tayo. Kaso hindi ko alam kung parehas tayo ng feeling. Iba ang pakiramdam pag andun ka sa kwarto ko. May roommate ako, hindi nagpapakita, pero nagpaparamdam. Hindi mo mahahawakan...