Chapter 43

6.9K 148 49
                                    

Chapter 43- Si Marianne

Naninibago ako ngayong may kasama na ako sa kwarto, kagaya kanina ay siya na rin ang naghanda ng lunch. Hindi ko naman siya napigilan dahil siya na rin ang nag insist.

Gumagawa lang ako sa laptop ng mga kailangan para sa susunod na sem nang dumating si Mari na may dala nang pagkain, ni hindi ko namalayan ang paglabas niya sa kwarto.

"Lunch na!" aniya habang nilalapag ang dalang tray.

"Ah! Nagabala ka pa." sabi ko habang sinasara ang laptop. Lumapit ako sa kanya upang tulungan siya sa paghain.

Sa liit ng kwartong ito ay ngayon ko lang siya nakita ng mas malapitan. Ang maputla niyang mukha at labi pero ang mga mata niya ay maraming sinasabi, buhay na buhay ang mga iyon.

Mahaba ang kanyang buhok, at mukha ring malambot ang mga iyon. Tantya ko ay ka edad ko lamang ang isang ito, pero mukhang mas bata pa siya sakin, ewan basta. Maganda siya at parang pamilyar ang kanyang mukha.

"Bakit?" tanong niya habang humahawak sa kanyang mukha. "M-may dumi ba?"

"Uhm wala naman." ngumiti ako at itinuon sa ginagawa ang tingin. "Hmm... san ka nga pala nakatira?"

"Taga-Quezon City ako." aniya.

"Ah, ba't ka pala nandito?" tanong ko na muling nag angat ng tingin sa kanya nang matapos namin ang ginagawa.

Natigilan siya sa pagkilos at nanatili sa mga kutsarang hawak niya ang paningin. Hindi ko sigurado kung bakit siya nakangiti, anong nakaktawa sa tanong ko? O siguro ay may naalala siya.

"May kailangan kasi akong gawin dito." bigla akong nakaramdam ng kakaiba nang magtama ang aming tingin at makita ko ang ngisi sa kanya mukha.

Ano ba itong nararamdaman ko? Napa iwas ako ng tingin, "K-kain na tayo." aniyaya ko sa kanya ubang maiba ang aming usapan.

"Sige!" masiglang aniya. "May naging roommate ka na ba dati?" tanong niya.

"Ah wala pa. Bakit?"

"Napasin ko kasing dalawa itong kutsara't tinidor mo dito pati ang upuan. Tinanong ko lang baka may nakasama ka na dati."

Nagbagong bigla ang nararamdaman ko. Napatitig ako sa kung saan habang dinadama ang kalungkutan at pangungulila. Habang inaalala yung mga oras na binibili namin ni Travis ang mga ito.

Peke akong ngumisi, pinigilan ang pagpatak ng mga namumuong luha. Sa halip na sagutin ay pinili kong sumubo ng pagkain at pilitin iyong lunukin. May nagbabara sa lalamunan ko kaya nahirapan ako sa paglunok.

"A-are you crying? Ok ka lang ba? May nasabi ba akong masama?" tanong ni Mari, nang tingnan ko siya ay halatang nagugulat at kabado ang mata niya.

Ang traydor kong luha ay pumatak na nga kaya agad kong pinunasan ang mga iyon. "W-wala." hindi nagtagal ang tingin ko sa kanya dahil agad ko rin iyong iniiwas. "O-okay lang."

"Sigurado ka? May nasabi ba ako?"

"Hindi. Wala. Let's just eat."

Wala nang nagsalita samin hanggang sa matapos ang lunch namin. Ako na rin ang nagprisintang mag baba at maghugas ng mga plato sa kitchen, nakakahiya naman kung iaasa ko pa sa kanya iyon.

Tinabi ko muna ang mga gamit ko. Naisip kong kailangan ko na rin ayusin ang mga ilang gamit ko ngayong hindi nalang ako ang titira sa kwartong yon. I need to share space.

Bumaba ako at iniwan siya ron. Ichecheck ko na rin kung anjan ba si Ate Sally o wala talaga siya, sino naman kaya ang naiwan dito para magbantay sa bahay.

RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon