Chapter 42

6.2K 161 45
                                    

Chapter 42- Roommate

Pumunta ako kila Tita Tracy, kinumusta ko lang ang kalagayan niya. At gaya ng mga lumipas na araw ay wala siyang gana, nangangayayat na nga siya pero wala rin naman akong magawa. Alam ko ang sakit ng pinagdaraanan niya at hindi iyon basta bastang maghihilom.

Dumaan na rin ako sa kanila kuya pero hindi rin ako nagtagal, sabi ko ay kailangan ko nang umuwi. Inimbitahan niya pa akong doon nalang kumain pero tinanggihan ko.

Madilim na nang marating ko ang boarding house. Kumain na muna ako ng pang hapunan sa karendirya bago tuluyang pumasok.

Wala nang kumakain nang oras na iyon, pero naroon pa rin ang mga naiwang pinag kainan, halatang kakatapos lamang kumain.

"Kumusta naman pala ang pag-tira mo jan?" maya-maya'y tanong ng tindera sakin habang nagpupunas ng mesa. Kahit na hindi siya nakatingin sakin ay alam kong ako ang tinatanong niya, malamang ako nalang naman ang customer niya.

Napayuko ako, "A-ayos naman po."

Ayos? Nasaan ang ayos sa mga nangyayari? Nasaan ang ayos sa maraming tao ang nadadamay? Nasaan ang ayos sa mga taong namamatay?

"Talaga? Mabuti naman kung ganoon. Hindi ba't ikaw yung nagtanong saakin tungkol sa aksidente four years ago?" aniya na ngayon ay nagtaas na ng tingin sakin dahilan para magtama ang aming tingin.

Tumigil siya sa ginagawa at matamang nakatingin sakin habang naglalaro ang kanyang ngiti sa labi.

"Bakit mo nga pala naitanong? May nalamang ka na ba tungkol sa nangyari?" muli niyang tanong sa akin. Hindi ko alam kung bakit kakaiba ang tingin at ngiti niyang iyon. O baka nagiilusyon lamang ako dahil sa epekto ng mga taong nakakasalamuha ko ay hindi ko na alam kung sino ang mga totoo at hindi. Ang may alam at wala.

"Opo, pero wala na po iyon. K-kinalimutan ko nalang."

Ewan ko kung bakit ayaw kong sabihin sa kanya ang totoo. Kahit na ang mga sinasabi ko ay taliwas sa mga dapat at gusto kong isagot, nagkukusa nalamang iyon saking bibig.

Tinapos ko ang pagkain, mabuti at hindi na rin siya nagdagdag pa ng mga tanong, dahil siguradong iba lang rin naman ang sagot na ibibigay ko sa kanya. Pakiramdam ko ay napaka wirdo ng kausap ko ngayon at ayaw ko siyang maka usap.

Pumasok ako sa boarding house, hindi ko na binigyang pansin pa ang bahay gaya ng naka gawian. Nagtuloy tuloy nalamang ako sa pag akyat sa kwarto ko.

Pagkapasok ay natanaw ko na kaagad sa bintana ang liwanag mula sa buwan na pumapasok sa kwarto ko, gumagawa iyon ng anino ko sa pader. Hanggang sa pumasok sa ala-ala ko ang sinabi ng matanda sakin kahapon.

"Pinapanood ng mga kaluluwang ito ang mga kilos mo. Ang bawat gagawin mo ay binabantayan nila."

Tumalikod ako para humarap sa pader kung saan ko nakikita ang anino ko. Nalimutan ko pa palang isara ang pinto, pero ganoon nalamang ang gulat ko nang makitang parang may nakatayo sa likod noon nang akmang isasara ko na.

Napalakas pa ang ginawang ingay nang biglaan kong isara ang pinto. Hindi ko inisip kung may magugulat ba sa ingay na ginawa ko, ang tanging nasa isip ko ay yung nakita ko, pero wala naman nandoon. Dala siguro ng matinding pag iisip kaya kung anu-ano na rin ang nakikita ko.

Binalewala ko iyon at hinarap nalamang ang aking anino sa pader.

Isang anino ng babae, pero parang nababalot ng napakaraming kaluluwa. Hinanap ko. Pilit kong hinanap ang mga kaluluwang iyon sa likod ng aking anino.

Kaluluwang hindi ko nakikita pero nakikita ako. Nasaan? Magpakita ka!

Unti unting may lumalabas na anino na nagmumula sa katawan ko, para bang nasa katawan ko lumalabas ang dalawang braso niya at tila niyayakap ako ng mga ito.

RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon