Chapter 5- Sana nga
“Candace?” nabalik ako sa realidad nang marinig ko ang tawag sa akin ni tita. “Are you okay?” tanong niya pa habang nakasilip sa akin. Pumikit-pikit ako habang naglalakad papunta sa kanya. Hindi alam ang nangyayari. Kinakabahan.
“A-ah, opo.” Pilit akong ngumiti. “M-masarap po ba?” tanong ko nalang at pilit na pinakakalma ang sarili. Pilit na inaalis sa isip kung anuman yung naramadaman ko kanina.
“Oo naman. Gusto ko pa nga eh! Hahaha!” tawa niya na isinenyas pa sa akin ang tasa niya na wala nang laman.
“Ikuha ko po kayo,” tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako.
“No need. I’ll just ask the maids. Upo ka nalang jan at samahan mo ako manuod, nabo-bore ako dahil ako lang mag-isa. Wala si Travis.”
“Sige po.” Tumango ako at umupo sa tabi niya. Tulala akong nakaharap sa t.v. at katabi si Tita Tracy na tinawag ang katulong nila para kumuha ng isa pang bowl ng soup.
Hanggang ngayon ay ramdam ko pa ang malamig na hangin na yon sa aking tenga hanggang sa batok ko. Kinapa ko ito dahil pakiramdam ko ay mayroon pa ring umiihip at bumubulong sa tenga ko.
Why am I feeling this? Yung mga nakikita ko. Yung mga nararamdaman ko.
“Where did you learn to cook?” biglang tanong ni Tita na hindi ko namalayang kumakain na pala. Nilingon ko siya at hindi ipinahalatang nabigla sa pagtanong niya.
“Kay mama po.” Sagot ko. “Alam niyo naman ‘yon, mahilig magluto at maraming iniimbento na luto.”
“I knew it. Tell your mom to come over here para makapagpaturo ako. Matagal na rin kaming hindi nagkikita. Bonding na rin.”
“Sige po. Pag wala masyadong ginagawa sa restau.” Patungkol ko sa mini restaurant namin. Family business.
“Ay oo nga pala. Sige, ako nalang ang pupunta sa inyo.” Ngiti nalang ang iginanti ko sa sinabing ‘yon ni tita.
Ilang oras rin kaming nagkwentuhan at nagkulitan. Parang nga walang sakit si Tita eh, dahil hindi man lang siya nagpapahinga. Ngayon lang kung kelan naka-uwi na si Travis.
“Sige na, iho. Magpapahinga na muna ako, talagang hinintay kita para may kasama naman ‘tong si Candace.” Senyas sakin ni Tita Tracy, kausap niya ngayon si Trave na kauuwi lang.
“Sure mom.” Hinalikan niya ito sa pisngi, ni-beso ko rin siya saka kami tinalikuran at umakyat sa kwarto niya. “Anong ginawa niyo ni mama?” tanong niya sakin.
“Wala naman. Nagkwentuhan at kulitan lang.” sagot ko.
Tinaasan niya ako ng kilay, “Kulitan?” napakunot ako ng noo sa reaksyon niya. Nahihibang nanaman, kaya natawa ako.
“Hahaha! Oo nga! Trave, mama mo yon! Wag kang paranoid! Don’t be such a jealous kid!” natatawang sabi ko sa kanya. Ngumuso siya at naging sobrang cute ng mukha niya kaya mas natawa ako. Nababaliw nanaman siya.
“Why are you laughing!? I’m not jealous! And I am not a kid, little girl!”
“Yes you are! Baby boy! Hahaha!”
“I said I’m not baby girl.” Malambing ang boses na sabi niya kaya natigilan ako. Iba ang nagging epekto ng sinabi niyang iyon sa akin. Shit! Kilig to the bones and all! “Wag kang kiligin! Naaattract ako lalo eh! Hahaha!” tumawa siya kaya binatukan ko.
“Magbihis ka na nga!” utos ko na natatawa.
“Bihisan mo ako. Sabi mo nga, bata pa ako. I can’t change my clothes alone.” Sabi niya na may nagpapa-awang mata. Sinamaan ko siya ng tingin at pinigilan ang mapangiti!
BINABASA MO ANG
Roommate
Horror"Nakapag-rent ka na ba sa isang boarding house? Kung oo, parehas pala tayo. Kaso hindi ko alam kung parehas tayo ng feeling. Iba ang pakiramdam pag andun ka sa kwarto ko. May roommate ako, hindi nagpapakita, pero nagpaparamdam. Hindi mo mahahawakan...